PROLOGUE

333 Words
PROLOGUE SOMEONE'S POINT OF VIEW SA dinami dami ng mga nangyari isa lamang ang masasabi ko... s'ya ang salarin. "Paano mo naatim na gawin lahat ng iyon?" kalmado kong tanong sa babaeng nasa harapan ko. Ang babaeng may pakana, ang babaeng nag plano, at ang babaeng pumatay sa isang abogadong may sinasabi sa buhay na nag ngangalang Prinz Darion Cosin. Ilang taon na ang nakalilipas... marami na rin ang nag abiso sa akin na tigilan at sumuko na ako sa kasong ito. Dahil mshigit isang taon bago ko nahuli ang salarin. Ang salarin na nasa paligid ko lamang pala. Hindi ako makapaniwala. Bakit nga ba ako nag pakahirap mahuli ang culprit sa pag patay sa abogadong iyon?  Because I am Police Detective Rizza Norcio, and Atty. Cosin is my half brother. Yes, half brother ko si Darion. At hindi niya alam iyon. Matagal ko na ring sinusubaybayan siya, magmula noong mag kabalikan sila ng asawa niya hanggang sa araw ng kasal n'ya na araw rin ng pagpanaw niya. Hindi ako kilala maski ng nanay at mga kapatid niya. Bakit? Dahil hindi nila alam na nag e-exist ako. Hindi nila alam na may isang Rizza Norcio sa paligid nila na anak sa labas ng padre de pamilya nila.  Anak ako sa labas at tanggap ko iyon, ngunit kailanman ay hindi ko pinag interesan na gamitin ang apelyido nila. Ang gamit kong apelyido ay ang apelyido ng aking ina. Ang aking ina na nabuntis ng ama ni Atty. Cosin. Ang aking ina na hindi pa man ako nakakatungtong ng lima ay nilisan na ang mundong ito. Ang aking ina na nag ngangalang Arize Norcio. Isa siyang detective na nakatrabaho ng ama ni Atty. Cosin na di kalaunan ay binuntis nito. May kaunting galit ako sa ama ni Atty. Cosin dati dahil sa ginawa nitong pag lisan sa amin, ngunit nang malaman kong may tunay itong pamilya ay nalusaw ang galit ko. I am Rizza Norcio a woman with angelic personality but fierce features. *** -KL
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD