CHAPTER 1

526 Words
RIZZA NORCIO POINT OF VIEW "Riz!"  "Oh ikaw pala Cathy," nakangiti kong pagbati sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Nginitian naman ako nito pabalik. "Aba ibang iba ka na talaga ah! Ang daming nag bago sa 'yo. Balita ko bigatin ka na daw," aniya at pabiro pa akong pinalo sa braso. "Tss. Sa'n mo naman napulot 'yang fake news na 'yan? Hindi nga umuusad eh. GNG pa din," nakangiwi kong sagot sa kaniya.  "Anong GNG?" taka niyang tanong na nag patawa sa akin ng kaunti. "Gipit na Gipit haha," natatawa ko pa ding tugon sa kaniya. Nginiwian lamang niya ako kaya naman mas lalo akong natawa. "Maiba ako, kumusta naman lovelife ng school model namin no'ng highschool?" nanunuksong aniya na ikinasimangot ko naman. Bastos na bibig kailangan ng itumba. "Wala akong oras sa mga ganiyan 'no," nakasimangot kong ani at nag patuloy na sa pagkain. Narito kasi ako ngayon sa isang restaurant. Nag crave ako sa pasta eh. Aglio e olio ang paborito ko. "Walang oras? Ano ka ba girl hindi ka na teen ager! Hindi ka bumabata kaya bakit hindi ka mag boyfriend," kunwari pang naiinis niyang usal na ikinatawa ko. Mas concern pa s'ya sa lovelife ko. "Ayoko. Wala akong oras makipag date." "May kilala ako na siguradong magugustuhan mo. Ise-set ko na kayo ng blind date gusto mo?" alok pa n'ya na ikinasamid ko! Dali dali kong dinampot ang baso ng tubig na nasa harap ko at ininom iyon ng deretso. "Sira ka ba? Anong Blind date ka d'yan? Hindi nga ako interesado Catheraine," inis na sabi ko nang mahimasmasan. Nginusuan lamang niya ako at tumawag na ng waiter. "What's your order ma'am?" tanong ng waiter. Ilang saglit pa ay hindi pa din sumasagot si Cathy. Nang mag angat ako ng tingin sa kaniya ay nakita kong nakatulala siya sa mukha ng waiter! Lalaki iyon at masasabi kong gwapo. Napapikit na lamang ako sa kahihiyan at tinapik si Cathy. "Catheraine nakakahiya ka," ani ko at hinampas ang braso niya. Natauhan naman siya dahil ro'n at sinamaan ako ng tingin. "Uhm, single ka ba?" parang wala sa sariling tanong ni Cathy sa lalaking waiter. Ngumiti naman ito ng malawak at itinuro ang name-tag niyaa.  Sabay kami ni Cathy na tinignan iyon at natawa ako nang makita ang nakalagay ro'n. 'I HAVE A GIRLFRIEND'. Parang pinagbagsakan ng langit at lupang napaiwas ng tingin at napapikit ng mariin si Cathy. "Isang aglio e olio na lang din ang sa kanya salamat," nakangiti kong ani at  binalingan na ng tingin si Catheraine. "Ano? H'wag mo na akong tawanan bwiset ka," aniya at sumimangot na lamang. Hays. Sana katulad ng lalaking waiter na iyon ang iba pang mga lalaki. 'Yong kayang ipagsigawan o ipag malaki na may girlfriend na sila. 'Yong hindi papatol kahit na gaano pa kaganda ang nasa harap nila. Ganun sana! Kaso sa tingin ko iilan na lamang sila.  Isa sa mga rason kung bakit ayaw kong mag boyfriend ay dahil sa naranasan ko at ni mama. Wala akong tiwala sa mga lalaki. Takot akong maging kabet. Takot ako na panandalian lang ang lahat, takot ako. *** -KL @Mary Ramos -f*******: Account`  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD