Unrequited Love
Gusto kita, galit ka sakin.
Mahal kita, ngunit hindi mo naman ako pinapansin.
Ang hirap talaga ng One Sided Love, hindi naman kasi pwede na pagsinabi mong I Love You ay maghihintay ka ng sagot, unang una hindi naman talaga tanong 'yon kaya wag na umasa masasaktan ka lang.
Pumayag akong pakasalan sya, sa pagnanais na mamahalin nya ako pero nagkamali ako dahil mas lalo syang naging mailap sa akin. Halos ibigay ko ng buo ang sarili ko sakanya, kulang na lang umiyak ako ng dugo mahalin nya lang pero kahit ano pang mangyari sa akin ay hindi nya yata ako lilingunin.
Sa sobrang pag mamahal ko sakanya, kahit harap-harapan na ang panloloko nya sakin, sige lang ayos lang sa akin titiisin ko na lang. Ganun talaga mahal ko sya. Pero dadating din pala sa point na mapapagod ka na, kasi buong buhay ko sakanya ko lang pinapaikot hindi ko namalayan na marami akong napabayaan at ang mga taong nagmamahal ng tunay sa akin ay napabayaan ko rin.
Totoo nga pala talaga na nakakatanga ang pag-ibig, sa sobrang tanga ko ay hinayaan ko lang syang saktan ako.
Sana magising na ako kung masamang panaginip lang 'to. Sana mauntog na lang ang ulo ko para magkaroon ako ng amnesia, para makalimutan ko na lang ang mga ginawa nya sa akin. Sana kasama na lang ako sa plane crush ng mga magulang ko. Pero bakit ganoon kahit gustong-gusto kong makawala sa sakit na dulot nya hindi ko pa din magawa na kahit anong gawin nya ay tatanggapin ko pa din sya, ganito ko sya kamahal.
Hanggang kelan kaya ako tatagal sa One Sided Love kong 'to?