Lolet. "Heyy! Bro." Bati ni sir Harhed kay sir Leo na may pa up here pa. "Zap!" bati naman ni sir Merdohn. "Tsskk!" yan naman ang akay sir Gabriel samantang si sir Wohley tumango lang sa kan'ya. Ganya ang pagbati nila sa amo ko ng makarating kami dito sa airport. Ngiti naman ang pagbati nila sa'kin kaya ngiti rin ang binalik ko. Wala si sir Ace hindi ko alam kung bakit hindi siya kasama. Maya-maya din ay lumakad kami papunta sa loob ng airport, maliwanag na nang pumasok kami sa loob. Nagtataka man ako kung sino ang susunduin nila pinagkibit balikat ko nalang. "We're not informed about your muse bro, kung sinabi mo sa'min e-di sana kasama ni Wohley ang secretary niya para masundo si Moriah, I'm a right bro?" Malokong sambit ni sir Merdohn. Napasulyap ako sa gawi ni sir Wohley para

