Lolet. Dahan-dahan kong minulat ang mata nang magka malay. Nasilaw ako sa liwanag na nagmulala sa pinto. Umaaninag ang nakatayong tao na ang suot at puting damit hanggang pang baba. Namilog ang mata ko sa pagharap niya. "Pa!?" "Gising ka na anak." Masigla at tila walang problimang dala niyang wika. Naluluha akong bumangon para mahagkan siya. Isang mahigpit na yakap ang ginawa ko. "Papa....Papa.." Patuloy ang pagluha ko habang binabanggit ang pangalan niya. Hinaplos niya ang buhok ko tulad nang ginagawa niya sa akin noon. Para pagaanin ang loob ko. Mas lalo lang akong humagulgol ng iyak nang maalaala iyon. Gusto ko nalang sa bisig ni Papa. Gusto ko siyang makasama. "Tahan na anak, ang pangit mong umiyak," biro niya. Umiling ako habang nakasubsob ang mukha sa dibdib niya.

