Lolet. "Ate Sophie," masayang bigkas ko sa pangalan niya. Yumakap kami sa isa't isa, at nagbatian. Nasabi niyang dito na shop nagtatrabaho. Binati rin niya si Leonordie at biniro kami. "Sir baka gusto nyo pong bilhan si Lolet ng singsing or necklace, marami po kaming bago." "Ate Sophie," nahihiyang pigil ko sa kanya. "I like your suggestions Sophie let's see." "Yownn, follow me Sir," masayang turan ni ate Sophie. Kibit balikat nalang ang nagawa ko, dahil baka bibilhan niya ng alahas ang mommy niya. Hinayaan ko silang dalawa, dahil naging busy ako sa paglilibot. Mas gusto kong igala ang sarili sa buong shop, dahil kulang ang hawak kong pera kung bibili man ako kahit yung pinaka mura hindi ko yata mabili. "Psst Lolet halika," tawag ni ate Sophie sa akin. "Bakit?" pagtataka ko.

