bc

Professor Yugi's Desirable Kiss

book_age18+
211
FOLLOW
3.9K
READ
family
HE
teacherxstudent
age gap
confident
heir/heiress
sweet
bxg
campus
office/work place
professor
like
intro-logo
Blurb

Si Professor Yugi Zafara, ang pinakabatang guro sa Donald-Walyen University, ay hinahangaan ng lahat—ngunit iisa lamang ang laman ng kanyang isip: si Elyan Marquez, ang 21-anyos na campus sweetheart at anak ng co-founder ng unibersidad.

Sa isang faculty meeting, hindi inaasahan ni Yugi na mismong ama ni Elyan ang magtatulak sa kanila sa isang relasyon. Para kay Elyan, ito ang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Para kay Yugi, ito ang simula ng isang tukso na pilit niyang iniiwasan.

Ngayon na nobya na niya ang estudyanteng matagal na niyang pinagpapantasyahan, magagawa pa kaya niyang kontrolin ang sarili?

chap-preview
Free preview
Part I - Chapter 1 The Sexy Cheerleader
Papunta na sana si Yugi sa library nang isang masigabong palakpakan ang narinig niya mula sa gym. Natigil siya sa paglalakad at mula sa loob ay nakita niya ang ilang mga cheerleaders na nagpa-practice. Akmang lalakad na sana siya upang magpatuloy papuntang second floor ay natigil siya nang marinig niya ang head cheerleader. "Okay. Let's do it again. One, two, three!" sigaw nito kung saan ay muli nilang inulit ang kanilang ginawang formation kanina. Napasandal si Yugi sa pader ng hallway na kinatatayuan niya at tulalang nakatitig sa head cheerleader. That's Elyan Marquez. Anak ng isa sa co-founder ng University na pinapasukan niya. A pretty young lady yet a brat and a bully. Pero kahit ganoon pa man ay hindi maalis ni Yugi kung gaano siya aliw na aliw sa tuwing pinapanood niya ang dalaga. Ang kikinis ng mga hita nito, malulusog ang mga dibdib nito at higit sa lahat ay mapupula ang mga labi nito. "Sino ba namang hindi?" anas niya sa sarili. Maya-maya ay nabulabog ang pananahimik niya nang marinig niya ang grupo ng mga maiingay na mga first year na dumaan sa hallway. Agad na natigil ang mga ito nang makita siyang nakasandal sa may pader habang kunot-noong nakatitig sa kanila. "Nandyan po pala kayo, sir," pagsisimula ng isa. "Ang ingay mo kasi, Abner," litanya naman ng isa. Nagsalita si Yugi. "Saan ba kayo pupunta? Bakit para kayong mga manok na putak ng putak?" Napakamot ang isa na may hawak na libro. "Dyan po sa loob. Gagawa ng project dyan sa gym para sa theater club namin." "Iyon naman pala. Bakit kailangang mag-ingay?" taas-kilay niyang anas at bumuntung-hininga. "Sige na. Dumiretso na kayo ron sa loob bago ko pa kayo ipa-guidance." Matapos ay nagpatuloy na ang mga ito papasok sa loob ng gym habang si Yugi naman ay dumiretso na patungong second floor. Si Yugi ay isang Math Professor sa Donald-Walyen University. Matagal na siyang nagtuturo rito at halos umabot na rin ng limang taon. Pero sa tagal ng kanyang pagtuturo sa campus na iyon ay ngayon lang siya naka-encounter ng mga estudyanteng saksakan ng tigas ng ulo. Hindi lang matigas kundi napakabarumbado pa. Ang masaklap karamihan pa sa mga iyon ay mga babae pa. "Prof. Yugi, nakasimangot ka na naman," natatawang sambit ni Prof. Loreal na nasa librarian corner. "Ano na namang ginawa ng mga magagaling mong estudyante?" "Hay naku! Wag niyo nalang tanungin dahil araw-araw ay pare-pareho lang naman ang trip ng mga 'yan," walang gana niyang sagot. Natawa si Prof. Jack. "Sinabi mo pa. Hindi tayo ganyan nong college. Ibang-iba sa panahon ngayon." "Kaya nga. Kung pwede lang silang...Hay naku!" ani Yugi at gigil na inilapag ang hawak niyang libro sa lamesa. Natawa ang dalawang Professor. Natawa din siya kasunod niyon ay ang pag-upo niya sa bakanteng upuan malapit sa bintana. "Siyangapala, 10:30 na," ani Prof. Jack. "May klase na kami. Wish us luck." Tumango siya at di kalaunan ay tuluyan na ngang nagsialisan ang mga ito. Matapos niyon ay bigla siyang napatinging sa mga test papers na nasa kanyang harapan ngayon. Napahawak siya sa kanyang nose bridge at bahagyang napapikit. Tambak na naman ang aasikasuhin niyang mga papeles. Di kalaunan ay isinuot niya ang kanyang eyeglasses sabay dukot sa red ballpen mula sa kanyang bag. Akmang sisimulan niya na ang pagche-check sa mga iyon ay natigil siya nang marinig niya ang halakhakan mula sa gym. It's Elyan and the rest of her friends. Tapos na ang kanilang practice at nagkukwentuhan na ang mga ito. Mula roon ay tanaw niya ang dalaga. Napangiti siya nang makita niya ang matamis nitong mga ngiti. Pero di kalaunan ay natigil na lamang siya nang tanggalin nito ang sweatshirt nito. Sa puntong iyon ay nakasuot na lamang ito ng sando kung saan ay lumitaw ang bungad ng dibdib nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at muling itinuon iyon sa mga test papers. "You've got to stop it, Yugi," litanya niya sa kanyang sarili sabay sandal sa kanyang kinauupuan. "Good morning, sir," bati ng isang estudyante na kapapasok pa lamang sa loob ng library. "Meron daw po pala kayong meeting mamaya with Mr. Marquez. Pinapasabi ni Prof. Eduardo." Tumango siya. "Sige. Anong oras daw? May sinabi ba?" "Mamayang ala-una daw ho," sagot nito. "Thank you," aniya na ikinangiti lang ng estudyante at di kalaunan ay nagpatuloy na rin patungo sa kabilang lamesa. Bukod sa pagiging Math Professor ay isa ring maituturing na heartthrob ng campus si Yugi. Makisig, gwapo at siya ang pinakabata sa lahat ng Professor sa University. He's 30 years old, young and wild, ika nga ng ilang mga estudyante na lubos ang admiration sa kanya. Ang ilan sa kanila ay walang pakundangang umaamin sa kanya na may gusto sila sa kanya. Pero sa lahat ng iyon ay tanging si Elyan lamang ang nakakuha ng kanyang atensyon. Well, hindi naman umamin ang dalaga na may gusto ito sa kanya at hindi rin niya ito gusto. Pero sa tuwing nakikita niya si Elyan ay iba ang nararamdaman niya rito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Hula niya ay baka nga talagang malakas ang karisma nito kaya ganon nalang ang hatak nito sa kanya. Actually, every guy in the university likes her. Hindi na kataka-taka kung bakit pati siya ay naaakit sa dalaga. Maya-maya ay bahagya siyang natigil nang bumukas ang pinto ng library. Iniluwa niyon si Elyan kasama ang mga kaibigan nito. Sa puntong iyon ay nakabihis na ang mga ito ng school attire habang hawak nila ang kanilang mga libro. Muli ay palihim na napatitig si Yugi kay Elyan. Nakasuot ang dalaga ng fitted maroon blouse kung saan ay bakat na bakat ang kurba ng katawan nito. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot ito ng skirt na above the knee na sakto lamang ang iksi pero hindi maitatanggi ang kinis at puti ng mga hita nito. Napatikhim si Yugi nang pumwesto ang dalaga kasama ang mga kaibigan nito sa kabilang table malapit sa kanya. Bagamat hindi siya nakatingin sa mga ito ay kitang-kita niya ang ngiti ng dalaga. Humugot siya ng isang malalim na hininga at bahagyang napapikit nang mapagtanto niyang pumwesto ito malapit sa kanya - kung saan ay kitang-kita niya ang mapuputing mga hita nito. "This is torture," bulong niya sa kanyang sarili. Napailing siya at di kalaunan ay itinuon niya ang atensyon sa kanyang ginagawa. "Bakit ba kasi hindi mo pagbigyan si Jerome? Gwapo, mayaman at higit sa lahat...alam mo na!" anas ng isa sa kaibigan nito na agad na ikinanuot-noo ni Yugi. Pagak na natawa ang dalaga. "No way na papatulan ko ang lalaking 'yon. Di ko siya type." "But come on, sis!" sambit ng isa na nakasuot ng turtle neck blouse. "He's a real deal. Galing sa mayamang pamilya. Di ba, iyon naman ang gusto ng pamilya mo?" "At ano susundin ko sila?" taas-kilay nitong anas. "Ayaw ko nga at kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. Di ko nga siya type!" Nagpatuloy pa ang usapan na iyon ni Elyan at ng kanyang mga kaibigan. Di kalaunan ay napatikhim si Yugi na naging dahilan ng pagtigil nila sa pagkukwentuhan at pagbaling nila ng tingin sa kanya. "This is a library, not a park," aniya na hindi man lang tumitingin sa kanila. Sumagot ang isa. "Si sir pogi pala, sorry." Kunot-noong nagbaling ng tingin si Yugi sa kanila sa sinabing iyon ng kaibigan ni Elyan. "Ganyan ba kayo makipag-usap sa Professor niyo?" Akmang magsasalita nang muli ito ay sumabat si Elyan. "Sorry sir. Bastos lang talaga ang bunganga ng babaeng 'to." Napamaang ang kaibigan nito sa sinabing iyon ng dalaga. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. At ipaalala mo sa kanya na hindi ako katuluad ninyong estudyante." Tumango ito. "Of course, sir." Matapos niyon ay ibinalik na muli ni Yugi ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Ngunit hindi kalaunan ay natigil siya sa pangalawang pagkakataon nang marinig niya ang bulungan ng mga ito. "Gosh! I just want to rip his shirt and lick him all over!" anas ng isa na kulot ang buhok. "He's so hot! Damn!" Natawa ang isa at napakagat-labi. "I wish isa siya sa mga Professor ko. Ang swerte ng mga first year at ang swerte ni Elyan. Kainis! Ikaw ba, Elyan? What do you think about him?" "Anong ibig mong sabihin?" "Come on!" ani ng isa na siyang tumawag kay Yugi na pogi. "Kaibigan ka namin at kilalang-kilala ka namin. Don't deny it. Alam kong sar-" Naputol ang sasabihin nito nang agad na tinakpan ni Elyan ang bibig nito. Agad namang napalingon si Yugi sa kanila at buntung-hiningang napatitig sa dalaga. Napailing si Yugi. Hindi niya alam kung matutuwa siya na hindi niya narinig ang sasabihing iyon ng kaibigan ni Elyan o maiinis siya dahil hindi niya narinig kung nga ba iyon. Gusto niyang malaman kung ano ang tingin sa kanya ng dalaga. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nito sa tuwing nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
28.9K
bc

Sin With You

read
5.1K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
53.8K
bc

Daddy Granpa

read
284.8K
bc

My Cousins' Obsession

read
190.8K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
33.8K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
253.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook