"Wow!" nakapamulsang anas ni Arthur. "Is this the university that Tito Yal has co-founded? Not bad! Maganda ba ang quality ng pagtuturo nila rito? Given how much the tuition fee is for every semester, I hope it is as much as I am expecting." Tumaas ang isang kilay ni Elyan sa sinabing iyon ng binata. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay mabilis pa sa alas kuwatro niyang hinampas ng libro ang kaibigan. Kunot-noo siya nitong tinapunan ng tingin at dali-daling hinablot mula sa kanya ang mga hawak niyang libro. Akmang kukunin niya na iyon ay agad nitong itinaas ang kamay nito upang hindi niya maabot ang mga iyon. "Give me back my books!" She commanded. Naningkit ang mga mata nito at napailing. "No! Anong silbi ng mga librong 'to kung gagawin mo lang na panghampas sa 'kin? Namumuro ka na! Pa

