Elyan's POV 3:30 a.m. Ang aga-aga. Mas maaga pa sa napag-usapan naming dalawa kagabi ni Yugi. Halos kanina pa nga ako reklamo ng reklamo kina mama at papa. Wala rin naman daw silang magawa dahil nagkaroon ng biglaang pagbabago sa kanilang schedule. Tuloy napilitan akong bumangon kahit nakatiklop pa ang talukap ng mga mata ko. Sa pagpasok ko sa loob ng bahay ni Yugi ay agad akong dumiretso sa kusina. Magtitimpla nalang siguro ako ng kape para magising ang diwa ko. Habang nagpapakulo ako ng tubig ay nabaling ang tingin ko kay Yugi. Nasa loob siya ng kwarto habang naghahanap ng isusuot niya. Buti na nga lang at malakas siya kay papa. Binigyan siya ng pinagliitan at pinaglumaang damit na saktong-sakto lang din naman sa kanya. "Maligo muna 'ko," sambit ni Yugi. Tumango ako. "Sige.

