Hindi matukoy ni Yugi kung ano ang mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. He picked up his phone, then he put it down. He wanted to stand up and approach her, but then he sat back down. He wanted to talk to her, but he doesn't think that this was the right opportunity to do that. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya, kasunod niyon ay napahilamos siya sa kanyang mukha. Hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip pa rin niya ang narinig niya mula sa binatang kasama ni Elyan. Arthur Dela Cruz. Nang ipakilala ng lalaking iyon ang kanyang sarili bilang boyfriend ni Elyan, kitang-kita ni Yugi kung paano kumapit ang dalaga sa bisig nito. Bukod pa roon ay hindi nito itinanggi na boyfriend nito ang binata. Nanatili itong nakatitig kay Arthur. Kaya naman, dahil sa nagin

