Kate Evangelista
Bigla akong nagising dahil sa malakas na kalabog sa pintuan. Tinignan ko ang cellphone ko at napamura ng makita ko ang oras. Seriously? It's almost three AM! Sobrang aga pa at may nambubulabog sa ganitong oras. Nasa kalagitnaan pa ng mahimbing na tulog ang mga tao at bigla-bigla nalang may kakatok ng malakas sa pintuan ng bahay namin at mang-iistorbo ng tulog.
Kumatok na naman ng malakas 'yong tao kaya padabog akong tumayo sa higaan namin para tignan kung sino 'yon. Hindi na ako nag-atubiling maghilamos o magsuklay man lang at dumiretso na sa pintuan. Kinuha ko na rin ang dos por dos na kahoy na nasa gilid ng pintuan just in case na hindi maganda ang intensyon ng nilalang na ito at ng maihampas ko sa kanya 'to.
Binuksan ko ang pintuan at hinarap kung sino man siya. "Ano bang kailangan mo?" galit na tanong ko sa kanya.
"Ang aga-aga, ang sungit mo. I bought breakfast."
Napadilat ako lalo ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. "Mark?"
"Walang iba. Hindi mo ba ako papasukin?" naka-ngiting sabi niya.
"Do I have a choice? Pasok." utos ko sa kanya. Bigla naman siyang natawa at ginulo pa lalo ang buhok ko.
Pumasok na siya at inilapag sa mesa ang dala niyang paper bag. Naupo siya sa sofa na nasa tapat ko at pinagmasdan lang ako. Halata namang nagpipigil siyang tumawa. Dahil ba sa hitsura ko? Inangat ko ng bahagya ang 'tong kahoy na hawak ko at akmang ihahampas sa kanya. Tumayo naman kaagad siya at inagaw 'yong kahoy sa 'kin at itinabi.
"What brings you here? Wala ka bang pasok ngayon?" iritableng tanong ko sa kanya.
"Tapos na ang shift ko at pauwi na ako. Naisipan kong pumunta dito dahil malapit lang naman at medyo inaantok na ako sa daan. Besides," bigla niya akong hinila paupo at napa-upo naman ako sa kandungan niya. he encircled his arms around y waist and rested his head on my back. "I've missed you."
Sinapo ko naman ang ulo niya ng makaharap ako sa kanya. "Adik ka. Tapos buili ka ng kape, makakatulog ka ba niyan? Bakit hindi ka kasi nagpapasabing dadaan ka dito?"
"I'm really sorry for disturbing you, it's just that... I really missed you. Hindi kasi parehas ang schedule natin kaya hindi tayo madalas magkita. Pang-umaga ka, pang-gabi ako."
Hinarap ko siya at sinuklay ang buhok niya. Nginitian naman niya ako pabalik. "It's okay. I understand. Doon ka nalang sa kuwarto namin matulog."
"No need. Okay na ako dito."
"You sure?"
He nodded his head as an approbation. Kumalas muna ako sa pagkakayakap niya upang magtungo sa kwarto at kuuha ng unan at kumot na gagamitin niya. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto para hindi magising si Jude. Kumuha ako ng dalawang unan at isang kumot. Bumalik na ako sa sala upang iabot sa kanya ang mga dala ko pero nadatnan ko siyang nakahiga na sa sofa at nakatakip ang mukha gamit ang kanyang braso. Nilapitan ko siya at tinapik ang braso niya pero hindi siya umimik. Mukhang pagod nga siya at ang bilis niyang nakatulog.
Inilapag ko muna ang isang unan at kumot sa mesa habang ang isa naman ay inilagay ko na sa ulo niya upang maging kumportable ang pagtulog niya. Tinanggal ko na rin muna ang sapatos niya at saka nilagay ang isa pang unan sa paanan niya at binalot na siya ng kumot. Pinagmasdan ko na muna siya at mukhang tulog na tulog siya. I gave him a quick peck at his forehead andpatted his head. Naglakad na ulit ako pabalik sa kwarto nammin para matulog. Inaantok pa rin talaga ako. Kahit isang oras nalang... just one hour.
———★———
Nagising ako ng marinig ang alarm sa phone ko. Kagaya ng nakasanayan ko na, bumangon na ako at gagawin ang mga dapat kong gawin. Daily routine ko na kumbaga.
Lumabas ako ng kwarto matapos kong makapag-hilamos at makapag-ayos ng buhok ko, ibang-iba sa hitsura ko na naabutan ni Mark. Naglakad na ako papunta sa kusina at natanaw ko si Mark sa sala na mahimbing pa rin ang tulog. Inayos ko nalang ng kaunti 'yong kumot niya at tumuloy na sa kusina upang magluto. For sure, kukulangin 'tong dinala ni Mark para sa 'min tatlo. Ininit ko nalang 'yong mga dala niya sa oven at nagluto ng kaunti para sa mga baon namin.
Matapos kong magluto, bumalik na ako sa kwarto namin para gisingin si Jude. Madali ko naman siyang nagising at napabangon sa pagkakataong ito. Sinamahan ko na muna siya sa banyo upang makapag-hilamos at para makapag-sipilyo na rin. Pinauna ko na siya sa kusina matapos habang ako naman ay naiwan muna dito sa kwarto upang ayusin ang higaan namin. Ilang sandali lang ang lumipas at biglang bumalik si Jude sa kwarto namin.
"Mama, bakit dito po natulog si Tito Mark?" tanong niya sa 'kin.
Inilapag ko na muna ang kumot na tinupi ko at hinarap siya. "Pagod na pagod kasi si Tito Mark mo at hindi na kayang mag-drive kaya dito ko na siya pinatulog. Kaya, huwag ka na munang maingay at baka magising mo siya. Pumunta ka na sa kusina at kumain na. Susunod kami do'n."
Sumunod naman siya sa 'kin at naglakad na palabas ng kwarto. Balaka pa nga niya sana magtanong pero for sure, hindi na naman siya matitigil sa pagtatanong kaya sinabi ko nalang na pagod at inaantok na talaga si Mark at hindi ko alam ang mga sagot sa mga tanong at itatanong niya.
Nagta-trabaho si Mark bilang isang surgeon sa isang ospital sa Makati. Graveyard shift pa ang schedule niya at minsan, kapag pinapatawag siya kahit hindi siya on-duty ay kailangan niyang pumunta sa ospital. Nakakapagod ang trabaho niyang 'yon at the same time, nakaka-pressure for his side dahil nasa mga kamay niya ang magiging buhay ng mga pasyente. Parte 'yong ng propesyong pinili niyang tahakin kaya kailangan niyang panindigan at husayan. Napapanindigan naman niya ang trabaho niya ng maayos kahit na nakakapagod para sa kanya. Nagta-trabaho siya sa Makati at umuuwi siya halos araw-araw sa Caloocan. Sa biyahe pa lang, nababawasan na ang enerhiya niya, sa pagmamaneho pa lang 'yon. Paano pa kaya kung ang shift niya ay may walang tulugang requirement?
Matapos kong ayusin ang higaan namin, lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa sala upang gisingin si Mark at ng masaluhan kami sa almusal. Ilang beses kong tinapik si Mark para magising pero hindi siya nagising. Inintindi ko nalang na inaantok talaga siguro siya kaya hahayaan ko nalang siyang matulog na muna at gigisingin ko nalang kapag kailangan na naming umalis.
Babalik na sana ako sa kusina para samahan si Jude kumain ng bigla kong maramdamang hinila ako ni Mark dahilan para bumagsak ako sa kanya at mapahiga sa gilid niya. KInulong naman niya ako sa mga yakap niya at tinignan ako sa mga mata kaya nagpanic ako!
"Mark! Bumitaw ka na nga at baka makita tayo ni Jde. Mark naman!" paninita ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.
Our faces are inch closer at sobrang lapit no'n! Magkaharap lang kami at ang ikinababahala ko lang naman ay baka makita kami ni Jude at baka kung ano pa ang maisip no'ng bata.
Pinagtutulakan ko siya para makawala ako na ako sa ka pagkakayakap niya pero as lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya. My God, Mark!
"Don't you missed me?" tanong niya sa 'kin. He stared at me intently and it makes me shiver.
"I missed you, too. But we don't have to be this close. Not now. Baka makita tayo ni Jude. Bumangon ka na at kumain na tayo para maka-uwi ka. Walang tatao dito sa bahay ngayong umaga."
"I demand for a kiss, babe." utos niya sa 'kin at pumikit, waiting for me to respond.
Sumilip na muna ako sa bandang kusina to check if Jude was around at no'ng malaman kong wala, I gave Mark a kiss lated for a couple of seconds. Idinilat na niya ang kanyang mga mata at ngumiti. He gave me also a quick peck at tumayo na. Hinila niya ako patayo at sabay nagtungo sa kusina kung saan naghihintay ang anak ko.
Sinaluhan na naming kumain si Jude. Hinain ko na rin 'yong mga binili ni Mark na muntik ko nang makalimutan. Nag-uusap lang silang dalawa about random stuffs habang ako naman ay nanunuod at nakikinig lang sa kanila. Mukhang na-missed rin nila ang isa't isa at nag-catch up pa sila sa mga nangyayari sa kanila. Nakakatuwa sila panuorin. Para silang mag-ama kung makapag-usap. Parang nakalimutan na nga rin nilang kasama nila ako pero hinayaan ko nalang.
Mark is my boyfriend for almost three years and Jude was aware of it. He's used to it, actually. Jude treated Mark like he was his real father same way as Mark treated Jude like he was his real son. They're in a good place, in good terms. WAla akong problema kasi nagkakasundo silang dalawa and that's what really matters. Mark accepted me despite of having a son while other thinks the other way around. Wala siyang paki-alam sa sinasabi ng iba, basta siya, alam niyang mahal niya ako at tanggap niya ang anak ko.
Matapos kumain, pina-idlip ko na muna si Mark habang hinihintay kami ni Jude matapos maligo at maghanda papasok. Halos kalahating oras ng matapos kami ni Jude kaya ginising ko na ulit si Mark. Nag-presinta na si Mark na ihatid kami since dala daw niya ang kotse kaya hindi na kami tumanggi kahit alam kong dapat na siyang umuwi at magpahinga. He insisted!
Pagdating sa school nila Jude, ipinarada na muna ni Mark ang sasakyan niya sa tapat at iniwan na muna namin siya para maihatid ko na si Jude. Inabot ko na kay Jude 'yong bag niya at 'yong fifty pesos na hinihingi niya para sa registration fee daw sa chess club. Pinaalala ko ulit sa kanya 'yong mga sinabi ko sa kanya kagabi regarding sa pagsali niya sa club at 'yong mga reminders ko. Tumango naman siya at ipinangakong gagalingan daw siya sa pagsali. Humalik na ako sa kanya at naglakad na siya papasok ng gate. Hinintay ko na muna ulit na hindi ko na makita ang imahe ni Jude at naglakad na ako pabalik sa kotse ni Mark.
Buong biyahe kaming nag-uusap ni Mark at nag-catch up rin sa mga nangyayari sa 'ming dalawa. Nakwento ko rin sa kanya na sasali si Jude sa chess club ng school niya, at tulad ko, looking forward siya do'n. Naging mabilis ang biyahe namin ni Mark papunta sa opisina at it's a very good thing for him. Para magkaroon pa siya ng maraming oras para makapag-pahinga.
Hinatid na niya ako hanggang sa lobby ng kumpanya at yumakap sa 'kin. "Susunduin ko kayong dalawa ng lunch. Is that okay with you?" alok niya sa 'kin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at pinisil ang mga pisngi niya. "Huwag na po, Mr. Mendoza. Kailangan mo pong magpahinga, okay? Magte-text nalang ako sa 'yo. Huwag ka ng makulit."
"Opo, boss," natatawang sabi niya. Hinampas ko 'yong braso niya pero mahina lang. Inabot na rin niya sa 'kin 'yong bag ko at hinalikan ako sa mga labi ko. "Good luck. Take care."
"Ikaw rin. Mag-ingat sa pagmamaneho."
Naglakad na ako papunta sa elevator at siya ay nagsimula na ring maglakad palabas ng kumpanya. Habang naghihintay ako ng pagbukas ng elevator ay bigla akong naka-received ng text mmula sa kanya.
From: Mark
I love you =))
Napangiti naman ako kaya ni-reply-an ko rin siya kaagad. Ibinulsa ko na ang cellphone ko at biglang sumulpot 'yong dalawang kaibigan ko na mukhang kararating lang rin.
"Nakita namin 'yon, Kate, huh! Wala pa rin ba kayong planong magpakasal ni Papa Mark? Three years na kayo 'di ba?" tanong ni Mylphee sa 'kin.
"Ano ngayon kung three years na kami? Wala pa sa plano namin 'yon. In right time. Bakit?" tanong ko pabalik sa kanya.
"In right time ka diyan. Kailan pa dadating 'yon? Kapag ba nagpakita sa inyo 'yong totoong Papa ni Jude? Tapos kapag nagpakita, magulong love story na ito. Tapos--" hindi na natapos sa pagsasalita si Lynn ng biglang takpan ni Mylphee ang bibig nito at hampasin sa braso nito.
Hindi ko nagawang magsalita sa sinabing 'yon ni Lynn. Bigla rin akong napa-isip do'n. Ang tunay na tatay ni Jude... handa na ba akong makita ulit siya matapos ang lahat ng nangyari?