[2.5] Life of Being a Single Parent

1943 Words
Kate Evangelista Eksaktong alas singko ako ng umalis sa opisina at nagnamadaling sumakay sa fx na naghihintay sa baba ng kumpanyang pinapasukan ko. Dahil rush hour ngayon, panigurado, maraming tao ngayon sa MRT at punuan sa mga bus. Kaysa maghintay ako ng matagal na oras at makipag-unahan sa mga naghahabol rin ng oras para maka-uwi, sumakay kaagad ako sa bus pa-Fairview at masuwerteng naka-upo. Habang ang mga kasunod ko namang pasahero, nakatayo na sa gitna ng bus. Kahit 'yong mga babae na mukhang call center agent, nakatayo rin samantalang 'yong mga lalaking ke lalaki ng mga katawan ay prenteng-prente ang pagkaka-upo at tutok sa palabas na nasa TV. Grabe lang! Wala na ba talagang gentleman ngayon? Pero sa bagay, anong bago? Common scenario na ito kung tutuusin at sanay na rin ako. Ganito na ata talaga ang kalakaran dito sa Pilipinas and I have to deal with it. I can't please them, no one can please them. Kagustuhan nila 'yon. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako sa Cubao. Mabuti nalang at hindi ganoon ka-traffic, tho, sa may bandang Santolan ay heavy traffic, nakalagpas naman 'yong bus. Umakyat kaagad ako sa mall para bilhin 'yong mga kakailanganin ni Jude para sa projects at portfolio niya sabi ni Jericka. Pumunta ako sa National Bookstore at pumunta kaagad sa designated aisle kung saan nakalagay ang mga bibilhin ko. Tinignan ko 'yong phone ko if wala na akong nakalimutang bilhin at ng masigurong wala na nga, binayaran ko na ang mga binili ko at lumabas na. Nagtungo ako sa food court to buy some snacks for Jude. Pambawi ko na rin dahil late akong umuwi kagabi. It’ll be much better if takoyaki ang bibilhin ko since favorite niya 'yon, Kaya, 'yon kaagad ang hinanap ko. I bought three orders ng makita ko 'yong stall no’n dito. 'Yong dalawa ay para sa 'min ni Jude at ang isa ay para kay Jericka. Umalis kaagad ako ng mall at kaagad naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Halos mapupuno na rin itong jeep na nasakyan ko pero no choice na rin ako dahil walang kasunod na jeep na dadaan malapit sa bahay. Sa may bandang Aurora, huminto 'tong jeep para magpa-gas. Biglang may dalawang batang umangkas. For Pete’s sake! Ang liliit nila! Mabuti nalang at pinapasok sila sa loob ng isang pasahero at hinayaan silang tumayo sa gitna ng jeep. “Saan ba kayo bababa?” tanong no’ng matandang lalaking nagpapasok sa kanila sa jeep. “Sa Lantana po.” Sagot naman ng isang bata. “Nasaan ba ang mga magulang niyo?” tanong ulit ng matanda. “Nasa bahay po.” Sagot naman ng isa pang bata. “Bakit kayo nasa Cubao? Wala ba kayong pasok?” tanong muli ng matanda sa kanila. “Dapat Grade 3 na kami pero tumigil kami. Nagbenta kami ng kalakal sa Cubao.” Tumango nalang ang matanda sa pagsagot ng bata sa tanong niyang 'yon. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtatanong na tila inuusisa niya ang mga ito. Hindi naman, naming maiwasang hindi makinig sa talakayan nila. Napapatango nalang rin ang mga kasabay ko dito sa jeep sa kwento ng dalawang bata at tulad ko, mukhang nanghihinayang rin sila sa sinapit ng dalawang bata. Nakakulong daw ang tatay nila dahil sa kaso nito ng pagnanakaw habang ang nanay nila ay nasa bahay nila at binabantayan ang apat pa nilang kapatid. Pito silang magkakapatid at ang panganay nila nilang kapatid ay fifteen years old lamang. Tulad nilang dalawa, huminto rin ito daw ang Kuya nila at namasukan sa isang karinderya malapit sa kanila para makatulong sa nanay nila. At their very young age, they’re supposed to be studying, enjoying their childhood and supported by their parents. Pero dahil sa hirap nga ng buhay ngayon, kailangan nilang i-sakripisyo 'yon para makatulong sa magulang nila. Dahil sa hirap nga naman ng buhay ngayon, napilitan at kinailangan nilang gawin ang mga bagay na hindi angkop sa kanila. In some aspects, poverty may be the worst form of violence because people tend to do some things they don’t actually do in able to survive. Daily life is a game of survival. Kailangan gawin lahat para mabuhay. Some people may understand the situation, some may not and make judgements easily. Talking about human nature. Napaisip nga ako bigla dahil do’n. What if si Jude ang nasa sitwasyon ng dalawang bata? I easily shoved those thoughts. Grateful at thankful ako dahil nagawa kong buhayin si Jude kahit mag-isa ako. Just like other parents would do; they want the best for their kids. Bago ako bumaba ng jeep, naisipan kong ibigay nalang sa dalawang bata ang takoyaki na para sa 'kin. Ayos lang kahit hindi na ako makakain, magdi-dinner na rin naman. Nagpa-salamat naman sila sa 'kin para do’n. Habang naglalakad ako pauwi, nasalubong ko naman si Jericka galing sa tindahan at mukhang nagpa-load. Ibinulsa na muna niya ang cellphone niya at sinabayan ako sa paglalakad. "Nasaan pala si Jude?" tanong ko sa kanya. "Nasa bahay nila Ate Cristina. Nakikipag-laro sa mga anak niya. Ang aga mo ata ngayon, Ate?" "Maaga talaga akong umuwi ngayon para makabawi kay Jude kasi nga late akong umuwi kagabi. Kunin mo na rin pala 'to," huminto na muna ako sa paglalakad at kinuha ang isang styro na naglalaman ng takoyaki na para sa kanya at inabot sa kanya 'yon. "Wala na bang ibang kailangan pa si Jude?" "Salamat dito, Ate. Tanungin mo nalang si Jude. Wala naman siyang ibang sinabi sa 'kin bukod sa tinext ko sa 'yo. Mauuna na ako, Ate." paalam niya. "Sige. Salamat pala sa pagbabantay." Pumasok na siya sa bahay nila at ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan ko na muna ang mga dala ko sa bahay at nagtungo sa bahay nila Cristina upang sunduin ang anak ko. Dinungaw ko na muna sa bintana nila kung nandoon nga ba si Jude at do'n ko nga nakita si Jude na nakikipaglaro sa mga anak nila. Kumatok ako sa pintuan nila at pinagbuksan naman ako ni Cristina at inalok na maupo sa sofa nila. "Ang tagal mong hiondi nagawi dito, huh, Kate? Kumusta buhay opisina?" tanong ni Cristina sa 'kin. "Kailangang umuwi ng maaga ngayon, eh. Ito, medyo busy at nakakapagod sa office dahil malapit na ang cut-off. Kaya minsan, overtime. Kagabi nga, hindi ko na naabutang gising si Jude." tugon ko. "Kaya pala ang aga mong umuwi. Kailangang bumawi kay Jude. I see. Ang hirap pala talaga maging single parent, 'no? Kami nga ni Ace, kahit dalawa na kaming nagta-trabaho, nahihirapan pa rin. Paano pa kayang ikaw na mag-isa lang? Ang galing lang. Nakaka-amaze." saad niya. "Kailangan kong gawin 'yon, Cristina. Wala naman akong ibang aasahan kundi ako lang rin." "Ang hirap rin niyan. Pero alam mo, naniniwala ako na may reward lahat ng paghihirap mo. Malay mo, bigyan ka na ni Lord ng lalaking tutulong sa 'yo. Oh, 'di ba? Kasal na kasi>" "Sira!" natatawang saad ko sa kanya. "Oo na! Alam ko naman, eh. Sandali lang, babalik muna ako sa kusina. Mag-uwi ka na rin ng sinigang na niluluto ko." Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagpatuloy na siya papunta sa kusina nila. Matagal na kaming mag-kaibigan ni Cristina. Wala pa ako sa lugar na ito, nandito na siya at siya rin ang tumulong sa 'kin sa pagpapalaki kay Jude dito bilang may karanasan na siya sa pagpapalaki ng bata. Kaya laking pasasalamat ko rin sa kanya. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at napansin ko ang maraming family pictures na nakasabit sa pader. They seems to be a happy family, indeed. Walang duda 'yon. Isang real state agent si Ace habang isang clerk naman si Cristina at doon na sila nagka-kilala sa mall kung saan sila parehas na nagta-trabaho. Nakakatuwa nga na kahit may dalawa na silang anak, very open ang relationship nila at kitang-kita ang sweetness sa relationship nila. They both really love each other. Nakikita ko rin kung paano nila pinapalaki ang mga anak nila kaya nakaka-amaze. Kaya walang duda, happily married sila. Dream family. Bumalik na si Cristina sa sala dala ang isang tray at mangkok ng mainit na sinigang. Tinawag ko na rin naman si Jude para umuwi at nag-paalam na sa kanila. Nagpa-salamat naman ako kay Cristina para sa pagtitingin sa anak ko at sa ulam na binigay niya. Hindi pa pala nakakapag-saing 'tong si Jericka kaya binigay ko na muna kay Jude ang takoyaki na binili ko para sa kanya at iniwan siya saglit para mag-saing. Bumalik ako sa sala at tinabihan ang anak kong kumakain. Sinubuan naman niya ako ng isa at naupo sa kandungan ko matapos. Sinuklay ko ang buhok niya at humalik sa pisngi niya at inamoy-amoy ang leeg niya. Nakikiliti naman siya kaya huminto rin naman ako dahil baka matapon ang pagkain. "How's your day, Baby? Wala ka na bang assignments or project?" tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa 'kin at pinunasan ko ang sauce na nakadikit sa gilid ng mga labi niya. "Nagawa na po namin ni Ate Jericka kanina. Mama, pwede po ba akong humingi ng fifty pesos bukas?" Nagtaka naman ako sa hinihingi niya. Para saan naman niya gagamitin 'yon? "Para saan?" "Mama, kanina po no'ng hinihintay ko si Ate Jericka na sunduin ako, nilapitan po ako ni Miss Faustine tapos sabi niya if interested daw ako sumali sa chess club. Fifty pesos daw po ang registration fee tapos may plus na daw po sa grades 'yon. Mama, sige na po, please. Gusto ko pong sumali." Ayon naman pala. Registration naman pala sa chess club. I smiled at the thought. Natutuwa ako na kahit Grade 1 pa lang siya, willing na siya sumali sa mga ganoong extra-curricular activity. Maganda rin naman siguro 'yon dahil makakatulong naman 'yon sa academics niya at makakatulong 'yon malinang ang social skills niya. He will meet new friends and who knows? Baka ipanlaban pa siya sa mga school competitions. Marunong naman si Jude mag-chess at sa tingin ko, gagaling pa siya kung sasali nga siya sa chess club ng school nila. Matapos kumain, inilapag ko sa tapat ng mesa 'yong styro na hawak niya at hinarap pa siya sa 'kin. Dinikit ko sa noo ko ang noo niya at pinisil ang mga pisngi niya. Pinisil na rin naman niya ang pisngi ko at ilong ko matapos. “Okay. Papayag na ako basta ba, after class, bago ka pumunta sa club, magpapalit ka muna ng shirt mo tapos kakain ka na muna ng lunch. Magpapadala na ako ng lunch mo kay Ate Jericka.” “Yehey!” He gave me a quick peck at my lips and hugged me tight. Nagpasalamat na rin naman siya sa 'kin and rested his head on my chest. See how his charms work to ease my stress? Nakaka-relieve talaga kapag may kasama kang bata. Nawawala kaagad 'yong pagod ko. He deserves to be rewarded. Looking forward na rin ako sa pagsali niya sa chess club. Ibinaba ko na muna siya sa sofa at pumunta muna sa kusina para tignan 'yong sinaing ko. Hinanda ko na rin ang mga plato para makakain na kami maya-maya. Sinilip ko kung anon a ang ginagawa niya and to my surprise, nagse-selfie siya sa phone ko. Napapangiti nalang ako. For sure, he’s posting that photo on my f******k account.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD