Chapter 1
Life of Being Technician
(liblib na barangay)
Hi guysss.. tawagin nyo nalang ako sa pangalang james. 23 years old na ngayong kasalukuyan pero nangyari ang lahat ng ito nung 21 years old ako.
1 year na den akong computer technician sa pinag tatrabahuhan ko. Madaming bahay na din ng costumer nmin sa shop yung napupuntahan ko. More on home service kasi kami, tinatawagan nalang kmi at kami na yung bahalang mag punta sa bahay nila. Kaya madaming bahay na den yung aking napasukan. Ibat ibang klase din yung mga napupuntahan ko, may maayos, magulo, may nakaka mangha at nakaka diri din na bahay. Para kasing binagyo ehh!.Di nman sa jugemental ako pero may mga costumer den tlgang tamad ehh, or sadyang busy lang masyado ata sila.
Isang araw may tumawag sakin para mag pa ayos ng personal computer nila, diko na babangitin kung saan pero part lang to ng Cam. Sur. Nung una akala ko along the high way lang yung pupuntahan ko, pero halos 2 hrs din yung byahi ko nun ehh, Isa palang liblib na lugar yun. Hapon na ako nag punta kasi akala ko malapit lang yung pupuntahan ko. So ayun na nga nung nakarating ako sa barangay nila ehh nag tanung tanung ako, nagpahinga den ako saglit nun kasi pagod na din ako mag drive saka dipa semento or spalto na yung dadaanan ehh puro rough road pa kaya nakaka pagod talga. Balik tayo sa kwento ko, Nag tatanung ako sa mga nakaka salubong ko kung saan ba yung bahay ni aling lorna( di nya totoong pangalan) pero pareho sila ng sagot malayo layo pa daw yun ng konti tapos parang yung daanan pahirap na den ng pahirap, lubak lubak kasi talga ehhh.Nakaka ramdam na din ako ng takot nang mga oras na yun kasi yung bahay na nadadaanan ko is pa isa isa nalng. Siguro mga 200m bago yung sunod na bahay.
Nung nakarating na ako sa bahay ni aling lorna ay nagpahinga muna ako, pinag masdan ko yung paligid at yung bahay nila. Maayos nman ang kanilang bahay malinis yung paligid tapos yung bubungan nila may part na yare sa anahaw, kaya ma presko sa loob nila. May part den na yari sa yero (sa isang kwarto katabi ng kusina. Habang naka tambay ako sa labas ay parang masama yung tingin ng ilan na napapadaan malapit sakin.Ang tatalim ng titig nila, kinabahan ako kasi baka mga myembro sila ng npa kasi liblib na den na lugar na yun pero abot pa sila ng mga lugar na may kuryente, sa unahan kasi nila wala na. So yun na nga pag pasok ko ay may dala c aling lorna ng meryendahan. Mag meryenda muna daw ako kasi malayo layo den yung binayahi ko. Ayaw ko sana mag meryenda sa ibang lugar takot kasi ako kasi may kakilala c papa na nilason sa ibang lugar yung iba nman parang hinaluan daw ng pinong bobog daw ng bombilya kaya na matay yung ibang kaibigan ni papa. Ayaw ko sana tangapin yun, nag dahilan nalang ako na may baon nman ako pagkain pero mapilit tlga sila. Napilitan nalang ako kasi sadyang makulit talga sila saka mabait nman sila asikaso ako dun sa bahay na yun. Nag tiwala nalang ako sa kanila nun, sa isip ko costumer den nman nmin yun at saka pag may nangyaring masama sakin dun ehh baka mahirapan na sila mag hanap ng technician nun dahil aayawan na den sila ng mga kasamahan ko sa shop. So ayun na nga.
(ff) Sa balkonahi ko inayos yung computer nila, mejo natagalan ako mag trouble shoot nun kasi kulang ako sa pyesa na dala, masyado pang ma alikabok yung loob kaya nilinis ko muna gamit yung paintbrush na dala ko. Habang nag aayus ako may napapansin tlga akong kakaiba ehh! kinakabahan tlga ako nung mga oras na yun kasi parang sina sadya akong makita ng ibang tao na taga dun! Ang tatalim tlga ng tingin kaya mina madali ko na tapusin ko na agad yung computer na pina pa ayos ni mang lorna para maka uwi na agad ako 4;30 pm na den pati nun kaya kelangan kona mag madali para matapos yun kasi masama na yung kutob ko sa paligid.
natapos ko yung alas singko na kaya nag ready na agad ako para umuwi after ko makuha yung service fee ko kay maam. Sinabihan ako ni maam na dun na lang daw ako sa kanila mag palipas ng gabi nung araw na yun. Aabutin na daw kasi ako ng dilim kaya hindi na nila ako pina pa uwi. Sobrang delikado daw kasi yung daanan at baka ma aksidente pa daw ako. Ayaw ko sana pumayag nun kasi parang diko kakayanin yung nangyayari na sa paligid. Pero nag pumilit ako sabi ko nalang kay maam mag dadahan dahan nalang ako pauwi. Tumungo nalang c maam nun kaya nag pasalamat at nag pa alam na den nman ako sa kanila. AAlis nalang sana ko nun na parang giwang giwang yung takbo ng motor kaya hininto ko muna. Kaya pala kasi flat yung magkabilaan ng gulong ng motor ko! Parang may nantrip yata. Bumalik na muna ako kina aling lorna nun kasi mag tatanong sana ako kung saan may malapit na pa bombahan o vulganizing shop sa kanila pero sagot nya lang ay sobrang malayo daw ito sa kanila. Mahihirapan daw ako lalo na't pagabi na daw at lubak lubak pa yung daanan. No choice na ako kundi mag palipas sa kanila ng gabi nung araw na yun.
(ff)
naki kain ulit ako kina maam nun, parang feel at home den ako agad nun kasi mababait tlga sa maam. Pag katapos nmin kumain, ako na den sana mag liligpit at maghuhugas ng pinag kainan nmin kaso pinagalitan ako. Bisita daw kasi nila ako kaya dapat relax lang daw ako sa kanila. Nag tambay muna ako sa balkonahi nila para mag pahangin muna sana. Habang naka tambay sa balkonahi nila, wala kana makitang tao sa labas, ang dilim na den ng paligid! di gaya samin na kahit alas 10 na ng gabi ehh ang daming tao pa den lalo na mga tambay sa lbas pero dito wala na tlga ang tahimik ng paligid parang napaka booring mabuhay dun ehh haha maya maya pa may nag sitsit sakin. Deadma ko lang baka kasi di nman ako sinisit sitan nun. Maya maya pa ayy may kumalabit sa balikat ko galing likod. Muntik na ko mapatalon nun kasi kala ko mag isa lang ako pero pag harap ko babae kanina pa ako sa kanila pero ngayon ko lang sya nakita. Kaya natulala ako sa kanya, mga 7s siguro di ako na imik tas sabi nya" uyy?! (tapos yung kamay nya parang winawagayway nya sa mata ko)" natauhan nako nun kala ko kung ano na eh!. " pasok kana daw po sir sabi ni mama delikado kasi dito kaya sa loob kana lang ng bahay" sabi nya. Maganda sya parang nasa 19 na den ata yung edad nya, nahihiya tuloy ako sa kanya baka isipin na love at 1st sight ako sa kanya hayyst! tinanong ako ni aling lorna kung okay lang ba ako, sabi ko' nakakagulat nman po yung anak nyo, kala ko kung ano na eh! "ayy nako sir pasensyahan mo nalang po c Rica (di nya real name yan) hmmf rica ikaw na nga muna bahala sa poging technician naten" sabi ni maam. Ngumiti lang nun c rica ,ako nman parang nahihiya sa sinabi ni maam(pero totoo nman! Charroooot!) pumasok na kami sa loob ng bahay nun. Nasa munting sala kmi ne rica nun nakkpagkwentuhan siya sakin, ako den nman pero mejo nahihiya ako nun. Habang nag kkwento c rica ay may malakas na biglang bumagsak sa bobong nila rica, napasigaw nga nun c rica sa takot at gulat na den siguro pero ako naka tingin dun sa bobong na gawa sa anahaw, may tumagos kasi na itim na parang paa ng malaking aso. Bigla nalng lumabas c maam lorna kasama ang kanyang asawa na may bitbit na buntot ng pagi. “Sinasabi kona nga ba eh! Buti nalang tlga tinanggalan ko ng hangin yung dalawang gulong ng motor mo! Iniisip ko na den na baka mangyari sayo to, hindi nga ako nag kamali!” sabi ng tatay ni rica! Naguguluhan ako nun kasi c sir lang pala yung may gawa dun sa gulong ko pero diko na den inisip yun kasi kapakanan ko lang nman iniisip nila kaya nagawa yun. Nung bagong lipat den daw kasi sila dun ayy ilang araw den sila ginambala ng mga taga dun. Halos gabi gabi nga raw yun eh hanggang sa isang gabi daw eh may pumipilit daw pumasok sa pinto nila na baboy d**o! Takot na takot nga daw nun c rica ehh iyak daw ng iyak. Tapos Ang ginawa daw nun nila sir eh pinabuksan daw ni sir kay aling lorna yung pintuan habang sya nman daw ehh hawak na yung buntot pagi. Sinilip daw ni sir kung andun pa yung baboy d**o sa may pintuan. Nung nakumpirma nya na andun pa ay nag pwesto na sya agad at pina buksan agad kay aling lorna yung pintuan. Kasabay ng pag bukas ay biglang pag hampass ng buntot pagi sa baboy d**o. Sapol daw ito sa ulo at bigla na lang daw kumaripas ng takbo playo. Simula daw nun ay di na sila ginambala nun hanggang sa dumating daw ako at napansin daw nila yung mga titig sakin ng mga ka baryo nila. So ayun kala nmin ay tapos na bandang alas 9 pa lang pati ng gabi nun.
Pinag papahinga na ako nila nu n at maaga pa daw ako bukas. Hihiga na sana ako nun pero parang na curious ako kasi parang maingayy sa labas kaya sumilip ako sa may maliit na butas sa may bintana! Tumaas mga balahibo ko nun pati sa baba hayyst nakita ko sa labas sobrang dami ng pusa pati sa bobongg nararamdaman ko yung mga kaluskos nila. Takot na takot na den ako nun naiisip ko kasi kung makaka uwi pa ko ng buhayy samin nun hayys! Sinabi ko yun kay aling lorna at sa kanyan asawa baka daw nag mamali lang daw yun (sa tagalog ata parang nag aanyong hayop lang ganun) tapos mas tumindig pa balahibo ko kasi may nadidinig akong tunog na madalas ko den marinig samin pag may buntis na ina aswang. Yung tunog na parang (kiik,............kiiiik......kiiiiiiik.) Alam ko kasi pag may nadidinig ako ganyan eh may kasama daw yun na aswang. Kaya di rin ako maka tulog c rica ganun den, Namumutla na nga yun sa kaba eh hmmf maski den siguro ako di ko lang pansin. Ramdam den kasi nmin na parang may baboy d**o den na parang di mapakali nun na kaluskos sa pader malapit samin kaya ramdam na ramdam nmin yun. Pinasama nalang ako ni aling lorna sa kwarto nila para matulog para den daw ma bantayan kmi c sir nman nag kakape lang babantayan nya daw kami hanggang mag bukas. Pinilit kona den maka tulog nun, gigisingin nalang daw ako ni sir pag kelangan daw tulong ko. Kaya nman kinabukasan eh tinanong ko ki sir kung may nangyari paba nun sabi nya wala nman pero may kakilala daw sya na kumatok sa pintuan nila ala una ng madaling araw. Hinahanap daw ako na bisita nila, pakilala nman daw ako ni sir sa kanila. Kaya di nako nakapag salita nun hayyst sabi ko nalang kay sir nun na “maam/ sir?” baka po dina ulit ako bumalik po dito po,hmmf nakaka truma po kasi yung nangyari po maam hayyyys”! naiintindihan nman ako ni maam kaya dinoble nalang nila yung bayad sakin at yung motor ko ng hiram c sir ng pambomba sa gulong para daw maka uwi na ako. Tapos nun ay nag pa alam na ako sa kanila. Habang nag bbyahi nako pauwi eh yung nakaka salubong ko eh naka ngiti sakin kaya kinakabahan nanaman ako nung mga oras na yun kaya nman kahit mejo lubak eh binilisan kona yung patakbo ko hanggang sa makarating na ako sa highway at madami na ako nakaka sabay na sasakyan. Hangang dito nalang muna sorry kung di nman masyadong nakakatakot basta nag share ako ng story ko dito hehe.