Lirah:
*****
Hindi mapakali si Lirah. Ilang araw na ang lumipas mula noong gabing iyon sa kusina, pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang bawat titig at bawat salita ni Diego. At higit sa lahat—yung pakiramdam na parang may tinatago ito.
“Mag-ingat ka sa kanya.” Mahina pero mariing bilin ni Lola Delia habang nag-aayos sila sa kusina isang umaga. Napahinto si Lirah. “Bakit po, La?” Saglit na tumahimik ang matanda, parang nag-iisip kung magsasalita ba o hindi. “Basta… hindi lahat ng nakikita mo dito sa bahay… totoo. Lalo na kay Diego.” Simula noon, naging mapanuri si Lirah. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng binata—tahimik, madalas mag-isa, pero may kakaiba. Minsan, nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Hindi basta tingin. Parang kilala siya.
Isang hapon, habang naglilinis siya sa hallway sa second floor, napahinto siya sa isang pinto. Luma. Iba sa ibang kwarto. At nakakandado. Lumapit siya, dahan-dahan. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong humihila sa kanya. Parang may tumatawag. Bigla niyang narinig sa isip niya
“Hindi ka ba natatakot sa’kin?”
“Dapat po ba?” Napaatras si Lirah at napahawak sa dibdib.
“Bakit parang narinig ko na ‘yon?” bulong niya sa sarili. Kinagabihan, muli na naman hindi siya makatulog. Uhaw siya, pero hindi na siya sigurado kung tubig lang ang kailangan niya. Pagdating niya sa kusina, nandun na naman si Diego. Parang lagi. Parang hinihintay siya.
“Hindi ka na naman natutulog.” Hindi na siya nagulat sa boses nito, pero kinabahan pa rin siya. “Namamahay pa rin po siguro…” Ngumisi ito.
“Or… you’re just looking for me?” Nanlaki ang mata niya. “H-hindi po!” Pero hindi niya napigilan ang sarili napangiti siya. Lumapit si Diego, dahan-dahan. Hindi siya umatras. “Takot ka ba sa’kin, Lirah?” Mababa ang boses nito. Napalunok siya.
“Hindi po…” Bahagyang ngumiti ang binata. Biglang sumagi sa isip niya ang isang boses.
“Sa akin ka lang, ‘di ba?”
“Hindi ako pagmamay-ari, Diego.” Napahawak siya sa ulo.
“Ah—” “Hey.” Biglang lumambot ang boses ni Diego at hinawakan siya sa braso. “Okay ka lang?” Tumango siya kahit hindi sigurado.
“Parang… may naririnig ako minsan…” Napakunot ang noo nito. “Ano’ng naririnig mo?”
“Hindi ko alam… pero parang may babae.” Biglang nanigas si Diego.
“Wala kang dapat marinig.” Masyadong malamig ang boses nito. Napaatras si Lirah. Pero ilang segundo lang, bumalik sa normal ang ekspresyon nito. Lumapit ulit, mas malapit. “Stop overthinking. Focus ka lang sa trabaho mo.” Ngunit habang nakatingin siya rito, may kung anong kumikirot sa dibdib niya. Takot… at may halo ring kakaibang paghila. “Bakit parang… kilala kita?” Hindi niya sinasadya, pero nasabi niya. Tumahimik si Diego. Matagal. Tinitigan siya nang mas malalim kaysa dati. “Hindi mo ako kilala,” mahina pero mariin nitong sagot. “Pero makikilala mo rin ako.” Hindi siya umalis. Hindi siya umiwas. At doon niya na-realize ang pinakanakakatakot—hindi lang siya natatakot kay Diego… nahuhulog na rin siya.
Hindi na mapakali si Lirah kinabukasan. Habang naglilinis siya sa sala, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi—ang boses, ang hawak, ang mga salitang hindi niya maintindihan kung bakit tumatagos sa kanya. Napailing siya at pilit na ibinalik ang atensyon sa pagpunas ng mesa, pero hindi niya napigilan ang sarili na sumulyap sa hagdan. Pakiramdam niya… may nagmamasid na naman. At hindi siya nagkamali. Nakatayo roon si Diego, tahimik lang, nakasandal sa railings, pinagmamasdan siya. Para bang matagal na siyang nandoon. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. “M-may kailangan po ba kayo?” tanong niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi agad sumagot si Diego. Dahan-dahan itong bumaba ng hagdan, bawat hakbang ay parang mas lalong nagpapabigat sa hangin sa paligid nila. “You keep looking at that hallway,” sabi nito, diretso ang tingin sa kanya. “May hinahanap ka ba?” Napalunok si Lirah. “W-wala po…” Bahagya itong ngumiti. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may ibig sabihin ang ngiting iyon. “Curious ka,” dagdag nito. “Delikado ‘yan.” Hindi na siya nakasagot. Parang may kung anong pumipigil sa kanya—takot, o baka… ibang bagay. Maya-maya, tumalikod si Diego at paakyat na sana muli, pero bago ito tuluyang mawala sa paningin niya, muli itong nagsalita. “Stay away from that door.” Tumigil si Lirah. Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit… pero alam niya agad kung anong pinto ang tinutukoy nito. Pagkaalis ni Diego, hindi na siya mapakali. Lalo lang lumakas ang kutob niya na may tinatago ang mansyon—at may kinalaman iyon sa babaeng naririnig niya. Kinagabihan, hindi na niya napigilan ang sarili. Tahimik siyang lumabas ng silid niya, dahan-dahang naglakad papunta sa hallway sa second floor. Madilim. Tahimik. Halos marinig niya ang sarili niyang paghinga. At nandoon ulit siya—sa harap ng pinto. Nakakandado pa rin. Pero ngayon… mas ramdam niya. Parang may nasa loob. Dahan-dahan niyang inilapit ang tenga sa pinto. Una, wala siyang narinig. Hanggang sa—mahina. Halos pabulong. “Please…” Nanigas siya. Hindi siya makahinga. “P-palabasin mo ako…” Bigla siyang napaatras. Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o guni-guni lang. Pero malinaw. May babae. May umiiyak. “Lirah.” Napasigaw siya sa gulat. Paglingon niya nakatayo si Diego sa dulo ng hallway. Madilim ang mukha nito, hindi mabasa ang ekspresyon. “Ano’ng ginagawa mo diyan?” Mabagal itong lumapit. Bawat hakbang… parang papalapit ang panganib. “M-may narinig po ako…” nanginginig niyang sagot. “May babae—” “I told you,” putol nito, malamig ang boses. “Wala kang dapat marinig.” Napaatras si Lirah hanggang sa dumikit ang likod niya sa pinto. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw. Lumapit si Diego hanggang halos magkalapit na sila. Inabot nito ang mukha niya, dahan-dahan, hinawakan ang baba niya para mapatingin siya rito. “You’re starting to scare yourself,” bulong nito. Pero hindi iyon tunog pag-aalala. Mas lalo siyang kinabahan. “Diego…” Hindi niya alam kung bakit pangalan nito ang lumabas sa bibig niya. Bahagyang napangiti ang binata. Mabagal. Delikado. “Good girl.” Napapikit siya sandali. Mali. Alam niyang mali. Pero bakit hindi siya umaatras?
“Go back to your room,” utos nito, mahina pero mariin. “And don’t come here again.” Hindi na siya nakipagtalo. Tumango siya at mabilis na umalis, halos tumatakbo pabalik sa silid. Pagpasok niya, agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon. Nanginginig pa rin siya. Pero hindi lang dahil sa takot. May ibang nararamdaman siya—isang bagay na mas lalong nakakatakot.
Samantala, naiwan si Diego sa hallway. Tahimik. Nakatingin sa pinto. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay sa doorknob… pero hindi niya ito binuksan. Sa loob ng silid mahina ang hikbi. Halos hindi na marinig. Pumikit si Diego. Sandali lang. Pagmulat niya—wala na ang bakas ng emosyon sa mukha niya.
Napalitan iyon ng galit.
"Stop ruining my life." Mariin at may bahid ng galit niyang bulong sa harap ng pinto.
Nagulat siya ng bigla na lamang may kumalabog sa loob na tila mga gamit na itinatapon!
Shit!
Mabilis niya iyong binuksan bago pa may makarinig!