Flashback:
Tahimik angg mansyon noon—yung tipong maririnig mo pati pagpatak ng tubig sa lumang gripo sa kusina. Labing-anim pa lang si Diego noon. Rebellious, palaging galit sa mundo, lalo na sa sarili niyang pamilya.
“Hindi mo kasi ako naiintindihan!” sigaw niya isang gabi, bago marahas na isinara ang pinto ng kwarto niya.
Sa labas, may isang taong nakarinig.
Si Angela.
Bagong dating na katulong. Simple lang—mahaba ang buhok, laging naka-ipit, walang kahit anong arte sa katawan. Pero may kakaiba sa kanya. Hindi siya takot kay Diego.
Kinabukasan, nadatnan siya ni Diego sa hardin.
“Hindi ka ba natatakot sa akin?” malamig niyang tanong, habang nakasandal sa puno, pinapanood itong magdilig ng mga halaman.
Hindi man lang siya nilingon agad ni Angela.
“Dapat ba?” kalmado niyang sagot.
That was the first time na may sumagot sa kanya nang ganun.
Hindi nila namalayan, unti-unting naging routine.
Tuwing gabi, kapag hindi makatulog si Diego, pupunta siya sa kusina. At palaging nandoon si Angela—gumagawa ng tsaa, o minsan naglilinis kahit wala namang kailangang linisin.
“Hindi ka ba napapagod?” tanong niya minsan.
“Sanay na,” sagot ni Angela, sabay abot ng tasa sa kanya. “Ikaw? Ba’t gising ka pa?”
Hindi siya sumagot.
Pero umupo siya.
At nagkwento.
Kay Angela lang siya nagkukwento.
Mga galit niya sa ama niya. Mga insecurities niya. Mga bagay na hindi niya kayang sabihin kahit kanino.
Hanggang sa isang araw, may napansin si Diego.
Hindi na siya galit kapag kasama si Angela.
Hindi na siya sumisigaw.
Hindi na siya naghahanap ng gulo.
Pero may bago siyang nararamdaman—isang bagay na hindi niya maintindihan.
Possession.
“Sa akin ka lang, ‘di ba?” bigla niyang tanong isang gabi, habang nakatayo sila sa veranda.
Napatingin si Angela sa kanya.
At sa unang pagkakataon, may lungkot sa mga mata nito.
“Hindi ako pagmamay-ari, Diego,” mahina niyang sagot.
Hindi niya nagustuhan ang sagot na iyon.
Doon nagsimulang magbago ang lahat.
Naging mas mapagbantay si Diego.
Ayaw niyang may ibang kumausap kay Angela.
Ayaw niyang may ibang tumingin dito nang matagal.
At higit sa lahat—ayaw niyang mawala siya.
kaya ginawa niya ang isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon.
Wala ang mommy nya. Nasa ibang bansa ang kuya niya. At kakalibing pa lang ng ama niya ilang araw ang nakalipas—kaya ang buong bahay, punong-puno ng lungkot… at kung anong madilim na bagay na hindi maipaliwanag.
Sa itaas, sa maliit na silid ni Angela—
naroon siya.
Nakaupo sa sahig.
Namumugto ang mga mata. Nanginginig ang mga kamay.
“Please… Diego… pauwiin mo na ako…” pabulong niyang pagsusumamo, halos hindi na lumalabas ang boses.
Sa may pintuan, nakatayo si Diego.
Tahimik.
Pero ang mga mata niya—hindi na yung dati.
Hindi na yung batang galit lang sa mundo.
May kung anong mas malalim. Mas delikado.
“Bakit mo ako iiwan?” tanong niya, mababa ang boses, pero may panginginig. “After everything… ikaw pa?”
“Hindi ganito ang gusto ko…” umiiyak na sagot ni Angela. “Hindi ka ganito dati…”
“Hindi mo lang ako kilala,” bulong niya.
Lumapit siya.
Isang hakbang.
Dalawa.
Hanggang sa umatras si Angela, napasandal sa kama, parang wala nang matakbuhan.
“Diego… please…” halos pabulong na lang ulit.
Pero hindi na siya pinakinggan.
Sa gabing iyon, tuluyang nabasag ang natitirang tiwala.
At kasabay noon—
may bagay ding namatay sa loob ni Angela.
Ilang sandali ang lumipas…
At muli, tahimik ang buong mansyon.
Parang walang nangyari.
Pero sa loob ng silid—
nakahandusay si Angela sa sulok, yakap ang sarili, umiiyak nang walang tunog.
Habang si Diego, nakatayo sa may pintuan.
Humihinga nang mabigat.
Parang ngayon lang nagsink in sa kanya ang lahat.
Saglit siyang napapikit.
may bahid ng takot sa mukha niya. Lumabas siya ng kwarto…
at ini-lock ang pinto mula sa labas.
“Magpahinga ka muna,” mahina niyang sabi, kahit alam niyang mali na ang lahat.lalo pang lumakas ang hikbi ni Angela.
“Please… palabasin mo ako… Diego… please…”
Pero hindi na siya bumalik.lalo pang lumakas ang hikbi ni Angela.
“Please… palabasin mo ako… Diego… please…”
Pero hindi na siya bumalik. Sa madilim na hallway sa ibaba nang hagdan, Naroon ang mayordoma nila.
At sa gabing iyon hindi lang si Angela ang nabihag ng nangyari.
May isa pang taong tahimik na nagdala ng katotohanan.
si Manang Delia.
Malakas na sinuntok ni Diego ang pader sa loob ng kanyang silid nang makapasok siya sa loob! Galit na galit siya kanina kay Samantha. Wala naman itong alam sa kanya pero kung mapakapagtanong ay akala mo close sila! f**k!
Mariin siyang napapikit ng makita ang duguang kamay. umaagos roon ang sariwa niyang dugo.
Naupo siya sa sofa. doon ay pinilit niya pahupain ang nararamdaman niyang galit.
Bigla niya naaalala ang dalagang si Lirah. Kita niya ang takot na dumaan sa maganda nitong mga mata kanina habang nakatitig ito sa kanya.
Mas lalo siyang mahihirapan pakitunguhan ito kung palagi na ito takot sa kanya. May isa pa siyang problema. ang lola nito. Isa rin matabil ang dila!
Kailangan niya ito maunahan bago pa siya nito siraan at sabihin sa apo nito ang sekreto niya.
Hindi maari.
He's been obsessed once, It didn't end well. sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito ay mapapasakamay niya ang dalaga.
Kahit pa hadlangan siya ng kahit sino. Walang makakapigil sa kanya.