Mag-aalas una na ng hapon nang dumating ang isa pang anak ni Senyora Margarett.
Saktong paglabas ko ng kusina, bitbit ang isang pitsel ng orange juice, nakita ko si Senyorito Diego na pababa ng hagdan. Saglit itong tumingin sa akin bago sinalubong ang kanyang kapatid at ina.
“Brother, how was the flight?” tanong ni Diego kay Franco.
“It was fine, a little boring,” sagot nito, sabay yakap sa kapatid.
Matapos kong maayos ang mesa at masigurong walang kulang, nagpasyang na akong lumabas ng dining.
“Where’s Tatiana?” narinig kong tanong ni Diego.
“I left her. She’s afraid of planes.”
Natawa si Diego.
“Hindi pa rin pala siya nagbabago. She’s still afraid of heights,” anito.
“Mamaya n’yo na ituloy ang kwentuhan. Halina kayo sa hapag. Masamang pinahihintay ang pagkain,” tawag ni Senyora Margarett na nauna nang pumasok sa dining.
Sumunod na rin ang magkapatid.
“Apo, ihatid mo ito doon.”
Inabot sa akin ni lola ang cheese platter na may kasamang grapes at crackers.
“Ako na po,” mabilis kong sagot at nagtungo sa dining.
Nginitian ako ni Senyora nang mailapag ko ang pagkain.
“Oh, Lirah, may darating pang bisita kaya pakidagdagan ng mga plato. Thank you.”
“Ilan po, Senyora?”
“Apat lang naman. By the way, Franco—she’s Lirah, our beautiful maid. Apo siya ni Manang.”
Napangiti ako nang tumingin si Sir Franco sa akin.
Maamo ang mukha niya—malinis at makinis. Hindi gaya ni Senyorito Diego na may bahagyang bigote. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilikmata. Mas maputi rin siya kumpara sa kapatid niya.
“Nice to meet you, Lirah. I’m Franco—the eldest and most handsome,” biro niya, nakangiti.
Napatingin ako kay Diego na nasa kabilang dulo ng mesa.
Nakasimangot siya.
Matalim ang tingin niya sa akin parang may hindi nagugustuhan.
Napakunot ang noo ko.
Tsk. Anong problema niya?
Noong isang araw lang, maayos naman siyang makipag-usap sa akin sa kusina. Ngayon, parang ibang tao.
Ang hirap niyang basahin.
Hindi na ako sumagot pa. Magalang akong nagpaalam at bumalik sa kusina.
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na rin ang kanilang mga bisita.
Pinili kong huwag mag-isip ng kung anu-ano at ipinagpatuloy ang pagsisilbi.
Mas naging masigla ang hapag-kainan nang makaupo na ang mga kaibigan ni Senyorito Franco. Halatang galing sila sa ibang bansa—sa paraan ng pananamit, sa kumpiyansa, at sa malalakas nilang tawa na parang walang iniintinding problema sa mundo.
“Lirah, juice please,” tawag ng isa.
“Here, ma’am,” magalang kong sagot habang isa-isang nilalagyan ng inumin ang kanilang baso.
“Wow, this place still feels the same,” ani ng isang lalaki habang sinusulyapan ang paligid. “Pero mas gumanda.”
“Of course,” nakangiting sagot ni Franco. “I made sure of that.”
Nagtawanan silang lahat.
Ako naman ay tahimik lang na umiikot, naglalagay ng pagkain, nag-aayos ng plato, at sinisiguradong walang kulang sa mesa.
Pero sa bawat pagdaan ko… ramdam ko ang isang pares ng matang nakasunod sa akin.
Si Senyorito Diego.
Panaka-naka, sumusulyap siya. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Hindi naman siya nagsasalita. Tahimik lang sa buong tanghalian. Nakikinig, pero hindi nakikihalubilo.
“Hey, remember that night in Barcelona?” natatawang kwento ng isa.
“Oh God, don’t remind me!” sagot ng babae na si Samantha, sabay tawa. “Franco almost got arrested!”
Mas lalong lumakas ang tawanan.
Ngunit nanatiling tahimik si Diego.
“Diego?”
Napatingin ang lahat kay Samantha.
Bahagya akong natigilan sa paglalagay ng pagkain sa plato.
“Is she the new maid?” tukoy nito sa akin.
Napayuko ako, pilit iniiwas ang tingin.
“Where’s Angela? I haven’t seen her since we arrived. Kamusta na siya? Kayo?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Angela?
Kilala nila si Angela?
Unti-unti akong napatingin kay Senyorito Diego.
Ano ang ugnayan nila?
Bakit parang… hindi lang basta amo at katulong?
“I don’t want to talk about her.” malamig na sagot ni Diego. “Wala na siya dito. Umalis na.”
Tahimik.
Pero hindi iyon sapat.
“But I thought you two are going to get marrie—”
“ENOUGH!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang malakas niyang hampasin ang mesa.
Nagtilapon ang mga pagkain. Kumalabog ang mga kubyertos.
“Diego! What is your problem?!” agad na saway ni Senyora Margarett.
Tumayo si Franco at mabilis na lumapit kay Samantha.
“Hey, that’s enough,” mariin niyang sabi, hinahawakan ang braso nito.
“Get out of our house if you don’t shut the f**k up your mouth!”
Nanginginig sa galit ang boses niya.
Umiigting ang kanyang panga.
At kahit nakatalikod siya sa akin, kitang-kita ko ang kamao niyang mahigpit na nakakuyom sa ilalim ng mesa.
“Diego,” mas mahina nang tawag ni Senyora Margarett, may halong babala sa boses. “Control yourself.”
Walang sagot.
Ilang segundo ang lumipas bago siya marahang tumayo.
“Excuse me.”
Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang tumalikod at lumabas ng dining.
Sa may pintuan ng kusina, napaatras si Lirah nang makita niyang papalapit si Diego.
Hindi niya alam kung aalis ba siya o mananatili.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit sapat para maramdaman niya ang bigat ng kung anong dinadala ng binata.
Hindi ito ang malamig at matalim na Diego na nakasanayan niya. Bigla itong napahinto sa tapat niya.
“Did you hear that?” tanong nito, mababa ang boses.
Napalunok si Lirah.
“H-hindi po, Senyorito,” agad niyang sagot, kahit alam niyang nagsisinungaling siya.
Tinitigan siya ni Diego.
Matagal.
Parang sinusukat kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Hanggang sa napabuntong-hininga ito.
“Good.”
Mas lalong kumabog ang dibdib ni Lirah.
“Stay away from things that don’t concern you,” dagdag nito, mas malamig na.
Parang babala.
“Opo,” mahinang tugon niya.
Akala niya aalis na ito.
Pero muli siyang napatingin nang maramdaman niyang hindi pa rin ito gumagalaw. Nakita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito saglit lang iyon a kaagad na rin ito tumalikod.
Naiwan siyang tulala pa rin.
Sino ba talaga si Angela sa buhay nito at bakit apektado ito sa tuwing nababanggit ang pangalan nito?
May tinatago ka kaya senyorito? Kailangan ko malaman ang totoo.