Lirah:
_______
Maagang nagising si Lirah kahit kulang sa tulog. Sanay ang katawan niya sa maagang paggising dahil sa probinsya. Ngunit ngayong nasa mansyon na siya ng mga Mirabeles, tila mas mabigat ang pakiramdam ng umaga.
Tahimik ang buong bahay.
Naririnig lamang niya ang mahinang pagaspas ng hangin mula sa labas habang naglalakad siya sa mahabang hallway ng ikalawang palapag.
Bitbit niya ang maliit na timba at basahan. Inatasan siya ni Lola Delia na linisin muna ang mga silid sa bahaging iyon ng mansyon dahil darating daw ang Señora mamayang tanghali.
Habang naglalakad siya, napansin niya ang isang pintuan sa dulo ng hallway.
Bahagyang nakabukas iyon.
Napahinto siya.
Hindi niya matandaan kung may silid doon. Sa loob ng dalawang linggo niyang pananatili sa bahay na iyon, hindi pa siya nakapasok sa kwartong iyon.
Curious.
Bahagya niyang itinulak ang pintuan.
Kiiiiiirk.
Mahangin ang loob ng silid.
May manipis na alikabok sa mga gamit. Mukhang matagal nang hindi ginagamit ang kwartong iyon.
“Bakit kaya hindi ito nililinis?” bulong niya sa sarili.
Dahan-dahan siyang pumasok.
May isang kama sa gitna. May maliit na mesa sa tabi nito. At may aparador sa sulok.
Simple lang ang ayos ng kwarto. Halatang hindi ito para sa mga amo ng bahay.
Mukhang… kwarto ng katulong.
Habang naglilibot ang kanyang tingin, may napansin siyang maliit na bagay sa sahig malapit sa kama.
Isang hair clip.
Pinulot niya iyon.
Kulay pilak iyon na may maliit na disenyo ng bulaklak.
“Ang ganda naman nito…”
Napalingon siya sa paligid.
Parang may kung anong kakaiba sa pakiramdam ng silid. Hindi niya maipaliwanag pero parang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya.
Weird…
Biglang may narinig siyang boses sa likod.
“Anong ginagawa mo diyan?”
Napatalon si Lirah sa gulat.
Mabilis siyang lumingon.
Nakatayo sa may pintuan si Lola Delia.
“L-La…” halos mabulunan siya sa kaba. “Naglinis lang po ako.”
Napatingin ang matanda sa hawak niyang hair clip.
Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito.
“Saan mo nakuha iyan?”
“Diyan lang po sa sahig.”
Lumapit si Lola Delia at marahang kinuha ang hair clip mula sa kamay niya.
Ilang segundo itong nakatitig doon.
Parang may kung anong alaala ang bumalik sa isipan nito.
“Sa… dati pong katulong po ba ito?” tanong ni Lirah.
Hindi agad sumagot ang matanda.
Sa halip ay naglakad ito papunta sa mesa at dahan-dahang inilapag ang hair clip doon.
“Hindi mo na kailangang linisin ang kwartonge ito,” sabi nito.
“Po?"
“May ibang maglilinis niyan.”
Nagtaka si Lirah.
“Pero Lo, sabi niyo po kahapon wala nang ibang katulong dito.”
Napatingin sa kanya ang matanda.
May kakaibang seryoso sa mga mata nito.
“Lirah.”
“Po?”
“Huwag ka nang magtanong tungkol sa kwartong ito.”
Natigilan siya.
“Pero kasi.. "
“Lumabas kana dahil marami pa tayong gagawin . iyon ang pagtuunan mo ng pansin hindi." anito.
Tahimik na tumalikod si Lola Delia at lumabas ng silid.
Naiwan si Lirah na nakatayo sa gitna ng kwarto.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong biglang bumigat sa hangin.
Why would she react like that?
Napatingin siya muli sa hair clip na nakapatong sa mesa.
Bigla niyang napansin ang maliit na ukit sa likod nito.
Isang pangalan.
Angela.
“Angela…” mahina niyang basa.
Biglang may malamig na hangin na dumaan sa likod niya.
At kasabay noon…
parang may mahinang bulong siyang narinig.
“Help…”
Nanlamig ang buong katawan niya.
Mabilis siyang napalingon.
Ngunit wala namang tao sa silid.
"What are you doing?"
Napaigtad si Lirah nang marinig ang baritonong boses mula sa kanyang likuran.
Paglingon niya, bumungad si Diego—nakatayo sa b****a ng pinto. Nakatingin ito sa kanya, seryoso. Walang bakas ng ngiti sa labi.
"Andiyan po pala kayo, Sir!" Mabilis siyang nakabawi sa gulat at pilit na ngumiti.
"Huwag ka nang papasok dito ulit. Maliwanag?" malamig nitong saad.
Tumango siya agad.
"O-Opo, pasensya na po, Sir. Balak ko lang sanang linisan kasi makalat—"
"You don’t have to," putol nito. "Mula ngayon, bawal ka nang umakyat dito. Sa baba ka na lang maglilinis… or in my room."
Napakunot ang noo ni Lirah.
Ano bang meron sa kwartong ito?
Hindi ba nila nakikita kung gaano ito kadumi? Kanina lang, may mga agiw pa sa kisame. Makapal ang alikabok sa kama.
At ‘yung boses…
Nanlamig siya.
Malinaw pa rin sa pandinig niya ang narinig kanina—
mahina… halos pabulong…
Help…
Boses iyon ng babae. Sigurado siya.
O baka naman… imahinasyon niya lang?
Tsk.
Nakita niyang kinandado ni Diego ang pinto. Maingat nitong isinuksok ang susi sa bulsa ng pantalon.
Napasilip pa si Lirah sa loob bago tuluyang bumaba.
"Apo," bungad agad ng lola niya sa kusina, "sa susunod, huwag ka basta-basta papasok sa mga kwarto sa taas. Maliban sa kwarto nina Senyora at ng mga anak niya. Doon ka lang maglilinis."
"Sige po, La," mahinang sagot niya.
Tanghali na at abala sila sa paghahanda. May darating na mga bisita—uuwi raw ang kapatid ni Sir Diego, kasama ang iba pa.
"Ibinilin ka sa akin ng tatay mo," patuloy ni Lola. "Kaya dapat mag-ingat ka. Lalo na’t hindi mo pa kilala ang pamilyang ito."
Napatingin si Lirah sa kanya.
May kakaiba sa tono ni Lola.
Sinulyapan pa nito ang pinto bago bumulong.
"Mag-ingat ka kay Senyorito Diego. Mas mabuti pang huwag ka masyadong lalapit sa kanya."
Kinabahan si Lirah.
"Bakit po? Hindi ba matagal na kayong naninilbihan dito?"
Tumango si Lola.
"Mula pa noong dalaga ako… narito na ako. Kaya alam ko ang lahat ng lihim ng pamilyang ito."
Hinawakan nito ang kamay niya. Mahigpit.
"Maniwala ka, apo… hindi makakabuti sa’yo ang mapalapit kay Senyorito Diego. Gawin mo lang ang trabaho mo. Huwag kang lalabis… kung ayaw mong matulad kay—"
"Manang."
Naputol ang sasabihin ni Lola.
Nanigas ito.
Dahan-dahang napalingon si Lirah.
Nakatayo roon si Diego.
Malamig ang tingin. Nakamasid sa kanila.
"M-May kailangan po ba kayo, Senyorito?" nanginginig ang boses ni Lola.
"We need to talk. Sa library."
Sandaling tumingin si Diego kay Lirah.
"Linisin mo ang kwarto ko. May mga kalat pa akong nakita kanina."
Malamig. Walang emosyon.
Parang hindi siya nito kilala.
"I-I’ll do it, Sir," mahina niyang sagot.
Habang naglalakad paakyat, hindi mapigilan ni Lirah ang kirot sa dibdib.
Akala niya kasi… may kakaiba.
Akala niya… may pagtingin si Diego sa kanya.
Pero mukhang nagkamali siya.
Pagpasok niya sa kwarto, agad siyang naglinis. Pinulot ang mga damit na tila sinadyang ikalat sa sahig.
Malinis naman ‘to kanina ah…
Napairap siya.
Trip niya ba akong pagurin?
Halos isang oras siyang nag-ayos.
Pagbukas niya ng pinto, Napatigil siya.
Nandoon si Diego.
Nakatayo. Parang kanina pa naghihintay.
"S-Sir… tapos na po."
Hindi ito sumagot.
Dumaan siya sa tabi nito ngunit bigla itong pumasok sa loob at malakas na isinara ang pinto
Napaatras siya.
"Barumbado…" bulong niya.
Naalala niya ang sinabi ng lola Delia niya, Mukhang may tinatago si Senyorito. Pero ano kaya iyon?