bc

Girlfriend of a Campus Gang Leader

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
badboy
brave
student
gangster
serious
bully
nerd
highschool
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Her life was simple, before. Going to school as a normal and ordinary student in Hillbridge High. Not until she encounter the campus gang leader and forced her to be his girlfriend.

•••

Sa sobrang pagkawala ko sa sarili sa kakatitig sa kaniya kung paano pabagsakin qng mga sumusugod sa kaniya ay hindi ko napansin ang lalaking umitsa sa harap ko kanina. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang mainit na mga kamay nito na humawak sa binti ko.

Sa sobrang gulat ay mabilis ko itong sinabunutan sa buhok at tinuhod gamit ang is akong binti na hindi nito hawak. Agad itong napabitaw sa pagkakahawak sa binti ko. Dumaing ito sa sakit ng pagkaka tuhod ko sa baba nito oero hindi pa ako nasiyahan dahil sinipa ko pa ito ng ilang beses hanggang sa mawalan na ito ng malay.

"Tsk!" asik ko at nagpagpag ng kamay bago pinulot ang bibingka ko na nabitawan ko kanina dahil sa sobrang gulat.

Nagsisisi tuloy ako na nag short cut pa ako. Imbes tuloy na mapaaga ang uwi ko ay natagal lang lalo dahil sa mga ito.

"Wow! Can't believe that a small girl like you can knock out a man."

A deep baritone voice came from my back. I turn to see who it was and got chills down my spine when I met  those deep cold eyes that I once met earlier.

chap-preview
Free preview
Prologue
Simple Life, No More SHE "Ingat sa biyahe apo, umuwi ka ng maaga at h'wag papagabi dahil maraming masasama ang loob sa daan, ha?" paalala ni Lola habang nag-aantay kami ng masasakyan kong tricycle papasok sa school. "Apo kong maganda, may session tayo mamaya kaya agad kang umuwi." lintanya naman ni Lolo na nagdidilig sa munting garden namin sa harap ng bahay. Nakangiti na nilingon ko si Lolo habang si Lola naman ay napa-iling sa narinig. "Yes naman po Lolo! Hindi ko po nakakalimutan ang session na'tin." nakangiting sagot ko at nag thumbs up pa ng kamay. Napabuntong hininga si Lola at napailing sa aming mag-lolo. "Kayo talagang mag-lolo kayo. Kung hindi lang talaga makakatulong sa iyo balang araw ang pagse-session niyo Apo, nunkang pqyagan ko kayo jan! Ah hala sige, aya na ang service mo Apo, sumakay kana at baka ma-late kapa sa klase mo." Bumeso naman muna ako kay Lola at nag-flying kiss kay Lolo na ngayon ay tinatanguan ang driver ng tricycle, bago ako sumakay. "Bye Lolo at Lola! Pasasalubungan ko po kqyo ng bibingka mamayang pag-uwi ko!" pahabol ko bago umandar ang tricycle na lulan ko. Matapos ang ilang minuto na biyahe ay nakarating na rin kami sa tapat ng isang matayog na gate nang school na pinapasukan ko. Agad kong ibinigay ang bayad sa tricycle driver bago pumasok na sa loob. Another normal day of my life as a student here at Hillbridge High. May kaniya-kaniyang mundo ang mga kapwa ko estudyante. May mga nakatambay sa benches, sa hallway, sa garden at sa gym na nadaanan ko dahil mwy nagpa-practice ng basketball. Malapit na kasi ang Intramurals kaya naman busy at puro practice na ngayon ang mga players ng paaralan. Dahil maaga pa ay napili ko munang magpuntang soccer field at naupo sa lilim ng malaking puno ng acasia. Napapikit ako habang sinisimoy ang hangin ng pang-umaga. Masarap talaga tumambay dito lalo na at tahimik at maaliwalas pa ang hangin. Madalas ako ditong nakatambay kapag ka vacant hour ko at pag lunchtime or breaktime. Wala naman kasi akong kaibigan or close sa klase dahil hindi naman ako masyadong pansinin. At dahil na rin siguro sa tahimik ako at palaging nasa sulok ng classroom kaya talagang walang nakapapansin sa presensya ko. Kapag naman lunch time ay dito ako kumakain sa tambayan ko dahil masyadong mahal ang mga bilihin sa cafeteria. Kaya naman palagi nalang akong nagba-baon at isa pa ay sakto lang ang pera na ibinabaon ko. Maswerte na nga lang at scholar ako kaya ako nakapasok sa mamahaling at elite school na ito. Sila Lolo at Lola nalang kasi ang kasama ko sa buhay at ang parents ko ay wala na. Sabi nila Lola nung minsan na nagtanong ako kung bakit wala akong Mama at Papa, ang sabi nila ay nag-crash daw ang eroplanong sinakyan nila Mama nung pauwi sila galing Manila dahil doon daw sila nag-t-trabaho. Simula 'non ay hindi na ako nagtanong pa kahit na minsan ay na-iinggit ako sa mga kaklase ko 'non na kasama nila ang parents nila na gum-raduate. "OMG! KYAAAH! THE HOTTEST PRINCES ARE HERE!" Nawala ako sa pagmumuni-muni habang naglalakad sa corridor dahil tapos na ang klase ko ngayong pang-umaga. May mga babae nalang kasi ang biglang nagsi-tilian at nagkumpulan sa isang sulok. Hindi ko rin maiwasang marinig ang mga pinag-bubulungan nila dahil masyadong malakas ang mga boses ng mga babaeng nag-uusapa at tila mga kinikilig habang nakatingin sa isang direksyon. Dahil sa curiosity ay sinundan ko ang tinitignan nila at napakunot-noo dahil likod lang naman ng mga lalaking daig pa ang men in black dahil mga naka all black ang mga ito. "So, it's true na balik school na ulit sila?" "Ang tagal nilang nawala at in fairness mas gum-wapo silang lahat!" "Mas naging hot sila at ang ma-matcho pa! Ugh!" "Tara na sis, wag na tayo maki-usyoso dyan baka mapahamak lang tayo." Nagkibit-balikat nalang ako at hindi pinansin ang mga bukingan nila at imbes ay tumalikod nalang para sa kabila nalang ako dumaam pababa. Dalawa kasi ang hagdan sa building na ito at nasa magkabilang dulo. Kaya dahil mukang hindi naman ako makakadaan sa kabila dahil nagkukumpulan sila doon wt nakaharang sa daan ay sa kabila nalang ako dumaan. Hays. Napalayo tuloy ako sa pupuntahan ko. Pero dibale na, kesa namna makisiksik ako sa kumpulan, baka mapaano pa ako don. Nang makabaa ay tinanaw ko ang kabilang dulo ng building kung saan kanina may nagkukumpulan. Medyo napailing ako nang makitang hanggang ngayon ay nagkukumpulan pa rin doon. Pero saglit akong natigilan ng magtama ang mga mata namin ng isa sa mga lalaking naka itim kanina. Nagtama ang mga tingin namin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Agad ko rin iniwas ang paningin ko sa lalaki at mabilis na naglakad patungong soccer field. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mabalisa dahil parang may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Ngunit baka guni-guni ko lang at naninibago dahil ito ang first time ko na may makatitigan na ibang tao maliban kina Lolo at Lola ko. Lumipas ang mga oras hanggang sa matapos ang klase sa buong araw. Naglalakad na ako ngayon sa hallway palabas ng school kasabayan ang ilan na walang sundo ngayon at mukang napagpasyahan na sa harap nalang ng school mag-antay sa mga sundo nila. Dahil sa pang elite students ang paaralan na ito ay mostly of the students ay may kaniya-kaniyang sariling sasakyan na at ang iba ay may taga-hatid sundo. Tahimik akong naglalakad habang hindi maalis sa isipan ko ang mga lalaki kanina na pinagkakaguluhan nila. Mukang mga sikat iyon dito sa campus dahil kung maka fan girling ang mga babae ay akala mo'y may artista. Siguro nga ay mga kilalang estudyante ang mga iyon or baka isa sa kanila ang may-ari ng school na ito. Kase ganoon naman diba? Katulad nung mga nababasa at napapanood ko na mostly sa mga sikat na estudyante na kinagigiliwan ng mga kababaihan ay apo or kamag-anak ng may ari ng school. At isa pa ay mukang sikat na sikat talaga sila sa buong campus dahil maging sa classroom namin ay sila ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Panigurado kung sino 'man ang madikit sa kanila na estudyante ay pag-uusapan iyon ng lahat. Lalo na kung hindi naman sikat na estudyante at ma-link sa isang campus heartthrob ay paniguradonv hindi matatahimik ang buhay nang sinoman na iyon. Halos mapatalon ako sa paglalakad at nanunbalik sa malalim na pag-iisip nang may biglang bumusinang sasakyan. Nang mapatingin ako sa may gawa nun ay isang lalaking sakay ng Ducati motorcycle na kulay itim ang biglang humarurot palabas ng gate, kasunod ang apat pang iba't ibang kulay ng Ducati motorcycle. "Salamat po," ani ko ng makapag bayad na at maiabot sa akin ang bibingka na binili ko. Tumango lamang ang tindra nang maiabot sa akin ang sukli ko. Tumalikod naman na ako at napagpasyahan na maglakad na pauwi. Dahil maaga pa naman ay napag pasyahan ko nalang na maglakad pauwi. Tutal ay aabutin lang naman ng 20 minutes kapag nilakad ang pauwi sa amin at para na rin makatipid ako sa pamasahe. Lalo pa't may pinag-iipunan ako. Dahil kabisado ko naman ang bawat pasikot-sikot sa daan pauwi qy napagpasyahan ko nalang na mag-short cut para mapabilis ang pag-uwi ko. Ilang minuto na rin akong naglalakad nang bigla akong mapahinto dahil sa bumungad sa akin pagliko ko ng kanto. Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi makapaniwala sa nasasaksihan ng mga mata ko. Lima laban sa mahigit na sampung katao. Pamilyar sa akin ang mga lalaking naka all black. Mula sa leather shoes, black pants, black sando na pinatungan ng black jacket. T-teka.. sila yung mga lalaki sa school kanina ah? Pero bakit sila nandito ay nakikipag basag-ulo laban sa mahigit sampung katao? Kaya kaya nila na patumbahin ang mga iyon? Halos mapatili ako ng biglang may lalaking umitsta sa harapan ko at namamalipit sa sakit habang nakasubdob sa semento. Napatingin ako sa taong may gawa non ay ganon nalang ang panlalamig ko nang makasalubong ko ulit ang mga matang minsan ko nang nakatitigan kanina. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili sa kakatitig sa kaniya kung paano pabagsakin qng mga sumusugod sa kaniya ay hindi ko napansin ang lalaking umitsa sa harap ko kanina. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang mainit na mga kamay nito na humawak sa binti ko. Sa sobrang gulat ay mabilis ko itong sinabunutan sa buhok at tinuhod gamit ang is akong binti na hindi nito hawak. Agad itong napabitaw sa pagkakahawak sa binti ko. Dumaing ito sa sakit ng pagkaka tuhod ko sa baba nito oero hindi pa ako nasiyahan dahil sinipa ko pa ito ng ilang beses hanggang sa mawalan na ito ng malay. "Tsk!" asik ko at nagpagpag ng kamay bago pinulot ang bibingka ko na nabitawan ko kanina dahil sa sobrang gulat. Nagsisisi tuloy ako na nag short cut pa ako. Imbes tuloy na mapaaga ang uwi ko ay natagal lang lalo dahil sa mga ito. "Wow! Can't believe that a small girl like you can knock out a man." A deep baritone voice came from my back. I turn to see who it was and got chills down my spine when I met those deep cold eyes that I once met earlier.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook