Chapter Three

2249 Words
♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️ THE orientation for new students like me went pretty well. Do'n ko na-prove na hindi pala basta-bastang paaralan ang pinasukan ko. It wasn't just an academy for rich kids because they were very particular with the quality of education that they offered to their students. Hindi sapat ang pera to ensure that you'd stay in this school until you graduate. May certain standards ka rin na kailangang i-meet, especially in terms of academic performances and extracurricular activities. Una kong nakilala si France, isang gay transferred student like me. He was nice and friendly. In fact, he was too friendly...and very funny. There was never a dull moment with him kaya alam kong magkakasundo kami. Masaya rin ako na pareho kami ng section kaya hindi ko na kailangang mag-alala na baka ma-out of place ako sa klase bukas. "O, 'di ba, ang bongga ng school cafeteria?" tuwang-tuwang sabi niya habang nakaupo kami sa isang table na katabi ng glass window. Matatanaw mula sa kinauupuan namin ang malawak na school garden kung saan may napakalaking greenhouse. "Oo nga, eh. Who would have thought na may ganito palang klaseng school cafeteria dito sa Pilipinas?" "Expect the unexpected sa school natin. Alam mo bang nanalo raw sa isang cooking show sa U.S. ang chef ng cafeteria? Actually, parang mas tamang tawagin natin 'tong high-end restaurant instead of cafeteria." "Agree." "At hindi lang 'yan. May coffee shop dito mismo kung saan pwedeng tumambay ang mga students." Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nasa loob ng eskwelahang ito. Ipinanganak naman akong mayaman at hindi na ako dapat nagugulat sa mga ganitong klaseng bagay. But everything inside Silverio Academy was exaggerated. Kagaya nga ng sabi ko, parang nasa loob ako ng isang teen fiction novel o 'di kaya'y pelikula na napakalaki ng budget. "May napili ka na bang club?" I asked him habang kumakain kami. Required kasi kaming mag-join ng at least one club. "I was thinking of joining the dance club. It's kind of my thing kasi." I nodded. Gusto ko rin sana siyang makasama sa isang club to make sure na hindi ako maa-out of place. Kaso, dancing wasn't really my thing. Parehong kaliwa ang mga paa ko. "Gusto kong sumali sa theater group," I shared. Wala naman akong kahit anong background sa theater pero eversince gusto ko na talagang umarte. Masasabi ko rin na kahit paano ay marunong akong kumanta. Hindi sa pagmamayabang pero marami ang nagsabing I have a talent for singing daw. Pero hindi ako sure do'n kasi feeling ko hindi naman ako gano'n kagaling. Mas nakikita ko ang sarili ko bilang isang writer. Maybe it was one of the reasons why I wanted to join the theater group dahil gusto kong magsulat ng play para sa kanila and act at the same time. "Why not? Malay mo, ikaw na ang susunod na Lea Salonga!" I laughed. "Sira." Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa school ground kung saan may naka-set up na carnival. I was in awe dahil hindi ko pa rin lubos-maisip na posible palang magkaro'n ng carnival sa loob ng isang eskwelahan. Heck, there was even a ferris wheel and a roller coaster na pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Since pareho kaming duwag ni France, bumili na lang kami ng cotton candy at sumakay sa carousel. Nasa likod ko si France na dala ang camera niya at kinukunan ako ng pictures habang may dalang cotton candy. Tuwang-tuwa kami na parang mga bata. Naalala ko tuloy no'ng sumakay kami ni Denver ng carousel sa Cebu. God, I missed him terribly. Pagkatapos naming sumakay sa carousel ay iniwan muna ako sandali ni France para magbanyo. Tumayo ako sa harap ng ferris wheel at masayang pinagmasdan ang mga nakasakay roon. Natawa ako sa reactions ng iba na parang mamamatay na sa kakasigaw. "Really? Carousel?" Laking gulat ko nang biglang sumulpot sa gilid ko si Trevor. Naka-shades siya at umiinom ng canned softdrink. Grabe, ang gwapong demonyo talaga niya! "Nakita mo ako kanina?" "Yes, it was hard not to notice you. You were acting like a child earlier." "Bakit, wala namang masama do'n ah?" Sabi niya, 'wag ko raw siyang ipapahiya. Wala naman sigurong nakakahiya sa pagsakay ng carousel kahit sixteen years old ka na. Hindi lang naman kami ang sumakay do'n, marami pang iba. It was cute pa nga, eh. "Carousel na nga lang ang sinakyan mo, nag-cotton candy ka pa. So childish." Napabuntung-hininga na lang ako para pigilan ang sarili kong mainis. He was obviously trying to piss me off and he was doing a fine job with it. It would be useless kung papatulan ko siya dahil ako lang mai-stress. Demonyo siya kaya unless marunong akong mag-pray over, hindi ko siya matatalo. "Iwan mo na nga lang ako. 'Wag mong sirain ang mood ko, please. I'm having such a good time here." "If this is your idea of a good time, then, kawawa ka naman pala." "And what do you mean by that?" "This isn't fun. After mong sumakay ng carousel, you're here just merely looking at the ferris wheel. Masaya ka na nito?" "Oo. Natutuwa ako sa sigawan nila." "Don't you want to shout with them?" "Huh?" "Gusto kong sumakay sa ferris wheel. Samahan mo 'ko." "Ano? Ayoko nga," mariin kong tutol. May acrophobia kasi ako, isa iyong phobia sa matataas na lugar. Kaya bahala siya, hindi ko siya sasamahan. "Kung gusto mong sumakay sa ferris wheel, sumakay kang mag-isa. 'Wag mo akong idadamay." "Well, you're supposed to do anything for me, right?" He gave me a playful smile. "Are you blackmailing me?" "Nope." My god, he's so evil. "I'm just reminding you that I can talk to your parents anytime and tell them about something very interesting." Nasa'n na ba kasi si France? Bakit ang tagal niya? Kailangan kong makatakas mula kay Trevor. He was dangerous. Wala siyang puso. Ginagamit niya to his advantage ang sikreto ko. "Hindi ka na nakakatuwa," inis kong sabi at tinalikuran siya. But he quickly held my right arm to stop me from walking away. Natigilan ako at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Weird, but I felt something inside my stomach. Ano 'to, ba't para akong kinikilig? He was an enemy kaya hindi ako dapat makaramdam ng kahit konting kilig para sa kanya. Plus, I already have a boyfriend. "Bitiwan mo 'ko." "Sasamahan mo ba akong sumakay sa ferris wheel o sasabihin ko sa parents mo ang secret mo ngayon mismo?" "Ang sama mo." "I never said I'm nice. Sorry if I gave you the wrong impression, but I'm really not a nice person." "Oh, I never thought you're nice. Unang kita ko pa lang sa'yo, alam ko ng masama ka." "Good. I'm glad everything's clear here." "Pwede ba, 'wag ako ang pag-trip-an mo? Wala naman akong kasalanan sa'yo, ah. I don't know why you have to make my life a living hell, eh wala naman akong ginawang masama sa'yo." "You have no idea what you're saying." He sounded so serious. There was so much danger in his voice. Parang nagdilim ang hitsura niya at hindi ko alam kung bakit. Bigla akong nakaramdam ng takot. Nagtaka rin ako kung bakit niya nasabi iyon. Why was he punishing me? Kahit ilang beses kong isipin, wala talaga akong nagawang mali sa kanya. Kakakilala pa lang namin kaya imposibleng... ugh! Ang sakit niya sa ulo! "Kung may kasalanan man ako sa'yo, sorry. Hindi ko sinasadya kahit wala naman talaga akong maalala na ginawa kong mali sa'yo. But if I'd offended you or something, I am sorry." "I wish your sorry is enough. But it's not." Nangilabot ako sa boses niya. Pero hindi pa man ako nakaka-recover ay bigla na niya akong kinaladkad. Halos wala pa ako sa sarili ko kaya hindi na ako nakakontra. Namalayan ko na lang na pasakay na kami sa ferris wheel. Ni hindi man lang kami pumila dahil sa influence ni Trevor. "Hoy, bitiwan mo ako! Hindi ako sasakay!" "Really?" "Oo, really," matapang kong sagot. "Hindi ako sasakay d'yan kahit ano'ng gawin mo." "You want me to reveal your secret?" Nawala na ang darkness sa tono niya at bumalik ulit ang mapanukso niyang ngiti. "Please don't do this to me!" "Simple lang naman ang kailangan mong gawin if you want to keep my lips sealed." "Hindi simple ang gusto mong ipagawa sa'kin." "Face your fears. You're too safe and boring." "'Di bale nang boring 'kesa naman mamatay ako." "Mamatay?" He chuckled. "C'mon, Luke, ferris wheel lang 'to." "Acrophobic ako, okay? Takot ako sa matataas na lugar! Kaya please lang, 'wag mo akong idamay sa trip mo." Knowing Trevor, hindi siya nakinig sa akin. He didn't care about anything kundi ang sarili lang niya. Alam ko namang hindi niya talaga gustong sumakay sa ferris wheel but because he knew na takot ako, sasakay siya para inisin at pahirapan ko. He was that heartles kaya wala na rin akong nagawa nang tuluyan niya akong hilahin pasakay doon. "Luke!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni France. "Akala ko ba takot ka sa ferris wheel?!" "Save me!" Hindi ko alam kung pa'no ko nasabi iyon. Basta't desperado na lang talaga ako. "Your gay friend can't help you," natatawang sabi ni Trevor na prenteng nakaupo habang masaya akong tinitingnan. "Ang sama-sama mo talaga. s**t—" Gumalaw ang ferris wheel kaya napakapit ako sa kinauupuan ko. I couldn't explain how frightened I was no'ng mga oras na iyon. Nanginginig ako at pinagpapawisan ng malamig. Meanwhile, Trevor was having fun na nakaupo sa harap ko. The ferris wheel started to move slowly. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita kong nasa pinakatuktok na pala kami. Kitang-kita ko mula sa kinauupuan namin ang buong campus. Yes, it was a beautiful view but it didn't erase the fact that I had an acrophobia at walang magandang view ang pwedeng mag-alis n'on. "See? It's not that bad," bale-walang sabi ni Trevor na nakita kong naglabas ng cellphone para kunan ng pictures ang view. "It's not that bad para sa'yo kasi hindi ka naman takot sa matataas na lugar. Hindi lahat ay kagaya mo. Napaka-insensitive mong tao!" "I couldn't disagree." He simply shrugged. Ilang saglit lang ay napansin kong pabilis na ng pabilis ang pag-ikot ng sinasakyan naming ferris wheel. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Kasabay ng pagsigaw ko ay ang malakas na pagtawa ni Trevor. Confirmed: he's an evil creature. Masayang-masaya siya na nanginginig ako sa takot. "Please stop this! Stop! 'Bababa na ako!" sigaw ko pero wala namang nakarinig. "C'mon, enjoy the ride." "I'm not enjoying this at all! f**k you, Trevor! I hate you!" Feeling ko ilang oras na akong nakasakay sa ferris wheel kahit ilang minuto lang naman iyon. When it finally stopped, mabilis akong bumaba at tumakbo sa isang lugar na walang masyadong tao. Sumuka ako ng napakarami dahil nahilo talaga ako. Pinigilan ko lang talaga ang sarili ko na sumuka kanina sa loob ng ferris wheel dahil nakakahiya naman. Pero sana nga sumuka na lang ako para ang demonyong Trevor na 'yon ang sinukahan ko. "Luke..." Nasa tabi ko na si France at hinahagod ang likod ko. "Ba't ka ba kasi sumakay do'n?" Inabutan niya ako ng isang bote ng tubig na tinanggap ko at kaagad na ininom. "Tss. You're weak." Nilingon ko si Trevor na nagsalita sa likod namin. I gave him a furious look. Sumusobra na siya. Wala akong pakialam kahit magkaibigan at business partners ang parents namin. Iyong pagiging rude niya sa'kin, pwede ko pa iyong palampasin. But this time, he was beyond rude. He was too cruel, insensitive and heartless. "f**k you!" I screamed at the top of my lungs. Napansin kong napaatras si France, mukhang natakot yata sa sudden outburst ko. "Alam mo, bahala ka sa buhay mo. Do what you want to do. Gusto mo akong isumbong sa parents ko? Go ahead. Pero sana maintindihan mo that it's not your story to tell. It's a very sensitive subject na ako lang dapat ang magsabi sa kanila, at the right place and time. Hindi ka sana dapat makialam because it's a personal matter that we should discuss as a family. Pero since you're too heartless to respect my privacy, sige, sabihin mo sa kanila. But I'll never be your property. I won't allow you to make me do things I don't want to do again." He remained standing there, staring at me with a blank expression. Tila hindi naman siya naapektuhan sa mga sinabi ko. "Tell me, ano ba ang kasalanan ko sa'yo to deserve this kind of treatment from you?" "You wouldn't want me to answer your question," malamig niyang sagot. "Of course I do. Kasi gusto kong maintindihan kung bakit parang ang laki na lang ng galit mo sa'kin." "Believe me, you wouldn't want to know the truth." He stepped closer to me. Para akong nalulunod sa titig niya. There were so many intense emotions in his eyes. "Ito lang ang kailangan mong malaman: sana hindi na lang kayo dumating sa buhay namin. Sana hindi na lang kayo lumipat. Our situation right now is like a ticking time bomb waiting to explode." "I-I don't understand." "It's going to create a big mess anytime soon." "Diretsuhin mo ako." He didn't offer any further details. He just gave me one last dangerous and meaninful stare before he turned his back on me. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Ano ba ang nakatakdang mangyari? ♥️ ♥️ ♥️ TO BE CONTINUED ♥️ ♥️ ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD