♥️ ♥️ ♥️ LUKE'S POINT OF VIEW ♥️ ♥️ ♥️
HINDI na ako nagtaka na hindi ko na naabutan si Mommy pagkababa ko sa dining area nang umagang iyon. Si Daddy na lang ang naabutan ko na kasalukuyang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning, 'dad," I greeted him then kissed his cheek bago umupo sa kanan niya.
Nakahanda na ang breakfast ko-fried rice, sunny-side up egg, bacon at ang umuusok pang hot chocolate.
"Nauna na ang Mommy mo sa office dahil may maaga siyang meeting. Ako naman, after lunch pa ang meeting ko kaya ako na ang nagpaiwan muna dito para makasabay mong kumain."
"Hindi na sana kailangan, 'dad. I understand that you and 'mom are busy."
"It's never a good reason to forget our responsibilities as parents."
I simply answered him with a smile. Iyon talaga ang isa sa gusto ko sa parents ko. They're so sweet to me. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na hindi nila ako mahal o hindi ako importante sa kanila. Maybe because I was their only child kaya lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Good thing at hindi nila ako pinalaking spoiled dahil hindi ko naman masasabing sunod ako sa luho.
They always reminded me to work hard and to not just depend on our wealth. Iyon rin naman ang gusto ko. I'd always wanted to persevere and create a name on my own. Gusto kong maging proud sila sa'kin.
Tsaka lang kumain si Daddy no'ng nakita niyang kumain na rin ako. Yes, he was that sweet.
"Excited ka na ba for your first day in your new school?" he asked.
"A little bit nervous," I honestly answered. "I've only been to the same school mula kindergarten. Syempre, ibang school na 'to. New environment, new people."
"It's going to be fun and exciting, I assure you. Tsaka maganda rin naman ang change of environment paminsan-minsan, eh. Naging comfort zone mo na ang dati mong school. Rest assured that Silverio Academy is a competitive school. We did our research and I can say na impressive ang paaralang iyon. Not to mention na kilala namin ang may-ari ng school because they're one of our business associates."
Alam ko naman na hindi basta-bastang pipili ng school ang parents ko without further research. They have been very particular about my academic performances. They always reminded me to do good in school dahil ako ang magmamana ng mga negosyo namin pagdating ng panahon. Pero syempre, hindi ako naka-feel ng pressure because they always talked to me gently. Naiintindihan ko naman ang point nila kaya sinisiguro ko na hindi ko sila madi-disappoint.
Si Daddy mismo ang naghatid sa akin patungo sa school dahil si Mommy ang kasama ng driver namin.
Kitang-kita ang malaking gate ng school at ang isang malaking arko kung saan nakalagay ang logo ng Silverio Academy.
Grabe, ito na ba ang gate papasok ng langit?
Binuksan ni Daddy ang bintana ng kotse nang lumapit roon ang isang security personnel na nakasuot ng itim na unipormeng may logo na S.A. o Silverio Academy. Marami akong nakitang security personnel sa paligid na ang tatangkad at malalaki ang pangangatawan. According to my own research, halos lahat ng estudyante roon ay anak ng mga rich businessmen at famous personalities kaya gano'n na lang katindi ang security ng school.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok sa school na 'to. I mean, yes, we're rich. Our family was one of the richest clans in Cebu pero hindi ko masasabing nababagay ako sa school na 'to. Ang alam ko ay sina Tito Alfred ang nagpapasok sa akin dito.
Sandali lang ang naging pag-uusap nina Daddy at ng security personnel. Ipinakita lang ang ID ko pagkatapos ay diri-diretso na kaming pumasok. Marami kaming mga sasakyan na nakasabay kaya halos nagkaro'n na ng traffic. Of course, what did you expect from the school of the moneyed few? Lahat may kotse o kaya ay may car service.
It took us five minutes bago kami huminto sa harap ng main building. Damn, it was a five-storey building which resembled Buckingham Palace. Oo, gano'n kaganda.
"Is this even a school?" namamanghang tanong ko habang nakatanaw sa bintana.
"Of course it is. Anong klaseng tanong 'yan?"
"Baka makasalubong ko si Prince William dito, ah," biro ko.
'"Silly." Naunang lumabas si Daddy at sumunod naman ako. "O, ba't ka lumabas?"
"Hindi pa po ba pwede?"
"I was about to open the door for you, silly boy."
"What? Ano ba kita, driver?"
"For today, yes."
I laughed. Kahit paano ay naibsan ang kaba ko dahil sa pagbibiro ni Daddy. I hugged him and then he wished me luck. I looked at the building one more time, parang dina-digest ko ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. I heaved a deep sigh bago tuluyang pumasok.
Kaya ko 'to. Mag-aaral lang naman ako.
May isang help desk na naka-set up at iyon ang una kong nakita pagkapasok ko. May mga student volunteers roon na napag-alaman kong mga members pala ng student council base sa print ng white polo shirts nila.
"Hi," I greeted the short-haired girl na nasa pinakadulo ng table.
"Hello, I'm Aileen. I'm the Student Council Secretary. I assume you're a transferee, right?" she asked in a pleasant tone.
"Yes."
"Okay, I just need your full name and your student number..." she typed something on her laptop, "oh no, just give me your ID na lang pala. That would be easier."
"Yeah, sure." Inabot ko sa kanya ang ID ko at naupo muna ako sa chair na kaharap ng desk.
Tiningnan ko ang mga kapwa ko estudyante sa paligid. Dahil first day of school, hindi pa kami required na magsuot ng school uniform kaya nagmistulang isang malaking fashion event ang first day of class. Everyone's wearing expensive and branded clothes. May narinig pa akong nag-uusap tungkol sa summer vacations nila abroad.
"Done," ani Ailene at inabutan ako ng isang envelope. "Nand'yan na lahat ng kakailanganin mo including the school map. In case you have some questions or clarifications, nand'yan na rin ang phone number ng department na kailangan mong tawagan. They should be able to assist you."
"Thank you." Tumayo na ako and offered her a genuine smile.
"No worries. Welcome to Silverio Academy and enjoy your first day!"
Binuksan ko ang envelope at una kong nakita roon ang isang booklet kung saan nakalagay ang schedule ko for the entire first week of class. It turned out na bukas pa pala magsisimula officially ang klase. Magkakaro'n muna ng orientation for new students today at may inihanda ring different activities sa buong campus.
Carnival? Live band? Seryoso ba 'to?
Ang unang nasa schedule ko ay ang orientation for new students na gaganapin sa AVR o Audio Visual Room. Sunod kong kinuha ang map para i-locate iyon. Doon ko na-discover na sobrang laki pala ng campus. Mayro'n iyong five main buildings at lahat ng iyon ay hanggang limang palapag. 'Meron ding football field, outdoor amphitheatre, olympic size swimming pool at marami pang iba.
I finally found the exact location of the AVR. Sa likod ng map ay may mga nakalagay na specific details. It said there that AVR occupied the entire fifth floor of the second building.
Tumayo ako at nag-umpisang maglakad papunta roon nang biglang may kumaladkad sa'kin patungo sa ibang direksyon. Yes, "kaladkad" would be the right term dahil halos nabalian ako ng buto. Nagpumiglas ako at itinulak ang kumaladkad sa'kin.
"What?!" iritadong tanong ni Trevor na magkasalubong ang kilay.
Damn, he looked so cute and handsome!
Simpleng itim na shirt at jeans lang naman ang suot niya pero ang gwapo pa rin niya. May mga tao talagang ipinanganak na kahit magsuot ng basahan ay sobrang good-looking pa rin.
"Ba't mo ako biglang kinaladkad?"
"Mali ang direction mo."
"Huh?"
"You're going to the AVR, right?"
"How did you know?"
He answered me with an exasperated sigh. Aba, siya pa ang may ganang mainis gayung ako nga itong dapat magalit dahil sa pangangaladkad niya. The nerve of this guy!
"My parents gave me strict instructions to take care of you especially during the first week of school," he finally provided an answer. "Satisfied?"
"You don't have to," ma-pride kong sagot. "Ayoko namang maging hassle sa'yo. Kaya ko na 'to, so just go on with your life and I won't tell them anything."
"Gusto mo pang suwayin ko ang parents ko?"
"Eh 'di ikaw na ang masunuring anak. Basta hayaan mo na lang ako, promise, hindi ako magsusumbong."
I'd rather figure things on my own at mahirapan 'kesa umasa sa tulong ng isang aroganteng love cynic na kagaya niya.
"Just let me take you to the AVR and then you're on your own."
I sighed and gave him a forced nod. Kung iyon ang kailangan para layuan na niya ako, fine.
Fortunately, hindi na niya ako kinaladkad. He simply led the way at tahimik lang akong sumunod sa likod niya.
I noticed a lot of girls looking at his direction. Lahat ay nagpapa-cute at hindi ko maitatanggi na karamihan sa mga iyon ay magaganda. But Trevor gave them no attention. He walked like a king without even giving those girls a single glance. Seriously, pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang teenfiction novel o kaya ay isang highschool-themed movie o Korean-drama. Parang Meteor Garden ang dating, eh.
Huminto kami sa harap ng isang elevator.
"'Wag ka ng magpapasok ng iba. I'm not feeling well today," he instructed the elevator's operator na kaagad namang hindi pinapasok ang ibang estudyante na sasakay rin sana sa elevator kasabay namin.
I chose not to comment, but deep inside, I was wondering why he had that much power inside the campus. I mean, hindi naman sila ang may-ari ng school. Baka dahil business associate ng parents niya ang may-ari ng school? Did it mean na mataas rin ang status ko sa school dahil business associate rin naman ng parents ko ang may-ari?
"We own 45% of the school," biglang sabi niya na parang narinig ang tanong sa isip ko.
Napatangu-tango ako. That explained why para siyang hari kung umakto. Malaking portion pala ng school ang pag-aari nila.
"Nakuha mo na ang school map at schedule mo, 'di ba?"
"Yes." I showed him the envelope I got from the help desk.
"Good. It should help you, so make sure that you understand it. I'm pretty sure you're not that stupid, right?"
Nakaharap lang siya sa pinto ng elevator at walang expression ang mukha. Wala lang sa kanya kahit sobrang rude ng sinabi niya sa'kin. Lumingon ako sa operator na umaarte na parang walang narinig pero halata namang nagpipigil ng tawa. I seriously wanted to strangle Trevor to death. Ang sama-sama niyang nilalang!
"Marunong akong bumasa at umintindi, don't worry."
"Good," walang emosyon pa rin niyang wika. "And please don't do anything reckless or stupid inside the campus. Alam ng admins na magkaibigan ang parents natin kaya mapapahiya rin ako 'pag may ginawa kang kalokohan."
I was insulted. Ano'ng akala niya sa'kin, bulakbol na estudyante? Hindi niya alam na matino akong estudyante. I was an honor student at palagi akong pinupuri ng teachers ko dahil sa sipag ko sa pag-aaral. I have never done anything para ipahiya ang sarili ko o ang pamilya namin.
"Hindi ako pasaway na estudyante," pabulong kong turan habang nagtatagis ang ngipin. Konti na lang talaga at masasaktan ko na ang lalaking 'to. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator kaya mabilis akong lumabas bago ko pa mapatay si Trevor. "Salamat sa paghahatid sa'kin. I appreciate it."
"Wait." Nilingon ko siya at nakitang lumabas rin pala siya ng elevator.
"Ano na naman? I thought I'm on my own now?"
"You wish." He gave me an evil smirk. Kampon talaga ni Satanas ang gagong 'to! "Did you forget about what I said the first day we met?"
"Huh?"
"I happen to know your biggest secret." He stepped closer to me, still wearing an evil smirk. He looked so dangerous but hot at the same time. s**t. "My lips will remain sealed as long as you pay me well."
"Magkano ba ang kailangan mo?"
May savings naman ako. Kaya ko naman sigurong ibigay kahit magka'no ang kailangan niya.
"Do I look like I need some cash?" natatawang reaksyon niya.
"Then what the hell do you want from me?"
"I want you to do anything I want you to do."
"What?" Namilog ang mga mata ko. "Parang katulong?"
"If you'd like to put it that way. Yes, parang katulong. Slave."
"You're crazy."
It took a lot of effort para hindi ko siya masigawan. Sobrang init na talaga ng ulo ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang kademonyuhan niya.
"As I've said, you're my property now."
"Gago ka. Ano'ng akala mo sa'kin, house and lot? Tao ako."
He laughed. "You're funny."
"Well, I can't say the same thing to you. Because your sick joke isn't funny. It's sick."
His brows raised and he looked at me with amusement.
"The orientation is about to start," he casually said at itinuro ang entrance ng AVR. "See you around, Luke."
♥️ ♥️ ♥️ TO BE CONTINUED ♥️ ♥️ ♥️