Chapter 67 EUNICE Lumipas ang ilang buwan maayos ang pagsasama namin ni Alexander. Palagi niya pinaparamdam sa akin na kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Si Papa naman palagi kami nag-uusap. At ngayon excited na kami na makita si Mama matapos ang ilang buwan. Saglit na lumabas muna si Papa upang bumili ng tubig. Narito kami sa visiting area kung saan si Mama pinapagamot. Sa susunod na buwan isisilang ko na rin ang panganay namin ni Alexander. Kahapon nagpatingin ako sa doktor kasama si Alexander kung ano ang magiging anak namin. At sa susunod na araw ang revelation kung ano ang magiging anak namin. Alam na ng Ob ko subalit hindi mina namin inalam ni Alexander kung ano ang kasaraian ng anak namin. Gusto nila Mommy magpa-party dahil ito ang una nilang apo. Pagkatapos na dalawin namin si M

