Chapter 55 Eunice Alas-sais na ng gabi nang magsalang ako ng kanin sa dapugan. Lumabas ako ng kusina pagkatapos ko ilagay sa kalan ang kaldero. Nakita ko naman si Alexander sa balon na nagkukusot ng mga labahan ni Mama. Nagtungo ako sa balon upang kunin ang mga labahan sa kaniya. “Ihinto mo nga iyang ginagawa mo, Alexander. Hindi mo naman kailangan sundin ang mga utos ni Tita. Akin na nga iyang mga labahan ni Mama. Umalis ka na nga rito!’’ naiinis kong turan sa kaniya at kinuha ang batya na pinagsidlan niya ng labahan ni Mama. Tumayo siya upang kunin sa akin ang batya. “Hayaan mo na kasi akong pagsilbihan ka. Kapag hindi ko ito lalabhan ikaw ang maglalaba. Hayaan mo na makabawi ako sa'yo,’’ wika niya sa akin sa nangungusap niyang mga mata. “Hindi mo ako kailangan pagsilbihan dahil ka

