Chapter 62 EUNICE Nagising ako ng alas-sais ng umaga dahil nakaramdam ako ng pagkaihi. Pagdilat ng aking mga mata wala na si Alexander sa tabi ko. Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Pagkatapos ko umihi lumabas ako ng silid. Sa labas pa lang ng silid ni Alexander amoy ko na ang ginisang sibuyas. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nagtungo ako sa kusina. Nakita ko naman ang aking asawa na abala sa pagprito ng itlog na may sibuyas. May hamonado na rin nakahanda sa lamesa. May hipon at adobong baboy. Maaga yata siya nagising para lang maghanda ng pagkain namin? “Ang dami mo yatang niluto ngayon?’’ tanong ko sa kaniya habang may pinapakuluan pa siyang karne ng baka. “Good morning, gising ka na pala. Tamang-tamang at maluluto na itong itlog. Kumusta ang tulog ng Misis ko, hmmm?’’ malawak ang

