Chapter 61 Eunice Katatapos lang namin kumain ni Alexander. Walang imikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos ko kumain pumasok ako sa aming silid. Pinad-lock ko ang pintuan para hindi siya makapasok. Doon siya sa sala matulog kung gusto niya. Nag-half bath muna ako bago nahiga sa kama. Ilang araw lang ako nawala sa silid na ito, pero nakaka-miss din pala ang ambiance. Lalo na ang mahiga rito sa malambot na kama. Dito madalas nakayakap sa akin si Alexander kapag natutulog kami. Tapos isubsob niya ang kaniyang nguso sa aking leeg. Subalit naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa tuwing naiisip ko kung paano niya mahalin at ipagtanggol si Bianca, kumikirot ang dibdib ko. Ilang sandali pa lang ako nakahiga sa kama kumatok na ang ugok sa pintuan. "Honey, buksan mo iyong pinto. Gusto ko na matul

