CHAPTER 85 EINICE Pagdating namin sa ospital ay naroon na si Nathan. "Olive, ninong ako sa magiging anak niyo, ha?" salubong agad ni Nathan sa akin. "Ewan, ko salyo! Aray sumasakit na naman ang tiyan ko, hon," nakangiwi kong subi kay Alexander. Agad naman nila akong dinala sa silid ng ob-gyne ko. "Tita, Dok, manganganak na po yata ang asawa ko," natataranta na sabi ni Alexander sa tiyahin niyang doktor na si Tita Stella. "Ihiga mo rito ang asawa mo," sabay turo ni Tita Stella sa higaan. "Tingnan ko kung ilang cm na ang cervic niya." Dugtong pa na utos ni Dok kay Alexander. Sumunod naman si Alexander sa utos ng Tita niya sa kaniya. Si Nathan naman ay naiwan sa labas ng silid ni Tita Stella. Nahiga na ako habang nasa uluhan ko naman si Alexander. Hinahaplos-haplos nito ang aking buh

