Chapter 86 EUNICE "Happy one month old baby Adrian!" sabay-sabay ng mga Lolo's at Lola's ni baby Adrian na bati sa kaniya. Narito silang lahat sa bahay dahil gusto talaga nilang ipaghanda ang one month old ni Adrian. Kaunting salo-salo lang naman ang inihanda namin dahil kaming magkakamag-anak lang naman. Paano na lang kaya kapag kaarawan na ni Adrian? Hindi lang siguro ganito ang handaan. Gusto kasi nila Mama, Papa, Mommy, Daddy, Lola, at Tita Meann na buwan-buwan e-celebrate namin ang pagkasilang ko kay Adrian. "Baby Adrian, may bisita ka," sabi ni Mommy kay Adrian. Malawak ang mga ngiti ko nang makita kung sino ang bisita ni Adrian, walang iba kundi si Ate Rosaly. May mga dala ito para kay Adrian. "Hello, magandang umaga sa inyo," nakangiting bati ni Ate Rosaly sa aming lahat.

