ENDING EUNICE After 10 Months Nagmamadali ako magbihis dahil hinihintay na ako nang mag-ama ko sa labas ng bahay. Paano kasi ang bagal kong pakilusin dahil ang bigat ng aking tiyan. Paano ba naman at buntis na naman ako sa pangalawa naming anak ni Alxander. Lumabas na ako ng aming bahay at nagtungo sa parking lot. Nakita ko naman ang asawa ko na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Pinagmamasdan niya ang dalawang bata na gumagapang sa damuhan. “Hon, ano ka ba? Bakit hinahayaan mo ang mga bata na naglalaro sa damuhan?” tanong ko kay Alexander at dali-dali na binuhat si Selina. Binuhat naman ni Alexander si Adrian. “Paano kasi iyak sila nang iyak sa loob ng sasakyan. Hinahanap ka tapos nag-aaway pa sila, kaya nilapag ko sila sa damuhan,’’ sagot ng asawa ko sa akin. Binuksan niya ang pintu

