Special Chapter EUNICE Abala ako sa pagbibihis kay Selina dahil ito ang araw na ikakasal si Tita Mean at Tito Cardo dito sa resort na pagmamay-ari ni Nathan. Iyon nga lang hindi makadalo si Nathan dahil bust siya sa kaniyang negosyo at bukod pa roon ay marami pa siyang pinagkakaabalahan. Ang ganda ni Selina sa damit niya. Napakaganda niyang bata. Sayang dahil hindi man lang nasilayan ni Bianca, kung paano lumaki si Selina. Hindi niya nasaksihan ang pagbigkas ni Selina ng Dada na ibig sabihin ay Daddy. Dalawa sila ni Adrian na unang binigkas ay Dada. Minsan nga nagtatampo ako noon dahil ako naman ang nagsilang kay Adrian at ako naman ang palagi nilang kasama ni Selina, ngunit Dada pa rin ang una nilang naibigkas. Ngayon ay labing isang buwan na sila. Sa susunod na buwan ay mag

