Lumubog ng bahagya ang kama ng mahiga si Alexander sa tabi ko. Nakatagilid ako habang nakatalikod sa kaniya. Amoy ko ang sabon na paborito niya at shampoo. Hindi siya nagpapabango kapag matutulog na, simula noong nagsama na kami sa iisang silid dahil ayaw ko ng amoy. Maliban na lang kapag may lakad siya. "Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot upang isipin niya na natutulog na ako. "Alam kong hindi ka pa tulog. Kung ayaw mo ako kausapin, sige okay lang," mahina niyang sabi akin. Mas lalo akong nagtulog-tulugan. Mas mabuti ngang huwag niya muna ako kausapin hanggang sa maglaho ang sama ng loob ko. Kinabukasan nagising ako na wala na sa tabi ko si Alexander. Bumangon na lang ako at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng silid namin. Amoy k

