Chapter 69 Eunice "Friend, nabili mo ba ang pinabili ko sa'yo?" agad na bungad ni Adely sa akin. Nagulat pa ako sa mukha niya dahil kung ano-anong mask ang nilalagay niya na pampaganda. “Oo, halos isang oras kami ni Nathan sa palingke kahahanap lang ng pinapabili mo,’’ sabay pasok ko sa loob. Kinuha naman niya ang mga dala ko at ipinatong sa lamesa. Malawak ang condo unit ni Adely. Subalit puro kulay pink naman ang halos nasa loob ng unit niya. Marahil siya ang may gusto na kulay pink ang mga gamit niya dahil paborito niya iyong kulay. “Sino, ‘yong bakla na kasama ng asawa mo? Ang guwapo niya, noh? Ilakad mo kaya ako sa kaniya para maging straight siyang lalake.’’ Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niyang iyon habang binubulatlat niya na ang mga pinamili ko. “Hmmm… Ang sarap-sarap

