Chapter 48 Eunice “Ano po ang niluluto niyo, Tiyay?’’ tanong ko kay Aling Joy. Nakasanayan ko na rin kasi na tawagin siyang Tiyay. “Nag-iinit ako ng tubig, Iha. Kumusta naman ang tulog ninyo ni Adely sa kubo? Sabi ko naman sa inyo na dito kayo sa bahay at kami na roon ni Tiyoy ninyo sa kubo,’’ sagot ni Tiyay Joy sa akin. “Okay lang po. Mas gusto ko po roon sa kubo dahil malamig,” wika ko kay Tiyay. “Eh, bakit ang aga mo naman nagising?” tanong ni Tiya Joy sa akin. “Sabi ko naman sa inyo na tutulungan ko kayo na magtanim ng palay. Maganda kasi kapag maaga dahil hindi pa masakit ang sikat ng araw,’’ nakangiti kong tugon kay Tiyay Joy. “Siya, sige. Nagsaing na rin ako at ipi-prito ko itong daing na isda para may umagahan tayo.” Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Tiyay Joy sa akin. K

