Chapter 49 Eunice “Aray, Tita Meann! Ang sakit ng singit ko!’’ sigaw ni Adely nang kurutin siya ni Tita Meann sa kaniyang singit. “Ang sabi mo hindi mo alam kung saan itong kaibigan mo? Iyon pala nandito lang kayong dalawa? Ano ba ‘yong sabihin niyo sa akin na gusto niyo magtago doon sa mangingiyot na ‘yon?’’ Naubo ako sa sinabing iyon ni Tita Meann. Alam ko na si ALexander ang tinutukoy niya. Nakayuko lang ako habang senesermonan niya kami ni Adely. Pakamot-kamot naman si Adely sa singit niya habang hindi maipinta ang mukha niya. Lumingon sa akin si Tita. Nakayuko lang din ako at naghihintay na makurot niya sa singit. Subalit hinampas-hampas niya ang braso ko. “Hays! Bakit nagtatanim ka ng palay, ha? Alam mo naman na buntis ka, ‘di ba? Sana umuwi ka na lang sa bahay. Hindi ‘yong na

