NARITO KAMI ngayon ni Sab sa aking condo habang patuloy ko pa rin siyang sinusuyo matapos ang mga nalaman niya. "Sab naman, matutulog na lang, e, mag-aaway pa ba tayo?" Nakanguso pa rin siya at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Sab," muling pagtawag ko at sa wakas ay nagawa niyang tumingin sa mga mata ko. Subalit hindi ako naging handa sa sinabi niya, "E, sino ba naman kasing hindi maiinis-- ah! Kung ayaw mo palang malaman ko edi sana hindi mo na pina-post kay Hanna!" Napailing ako habang pilit siyang hinahawakan sa kamay na pilit niya rin namang iniiwas. "Sab, sinabi ko naman sa'yo na biglaan lang 'yon-- you know what, nagkasagutan pa nga kami nina Geoff at Travis dahil wala naman talaga 'yon sa usapan," kalmado kong sabi at doon lang siya muling tumingin sa mga mata ko. "Talaga?

