KAMUKAT-MUKAT ay napansin niyang ibang daan ang tinatahak namin. "Topher, s-saan mo ako dadalhin?" Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "We need to talk," tanging sagot ko para hindi na siya makaangal. "Pero--" "Mahirap bang intindihin ang sinabi ko, Jasmine?" "Ano bang tumatakbo sa isip mo? Kailangan ko nang umuwi," pagpupumilit niya. Napangiwi ako at binilisan ko ang takbo ng pagmamaneho nang matanaw ko ang isang coffee shop. Hininto ko roon ang kotse at naunang bumaba sa kaniya. Subalit napakapit ako sa magkabilang bewang nang mapuna na hindi pa siya bumababa. Kaya umikot na ako sa bandang kanan kung saan siya nakaupo upang pagbuksan siya. "Jasmine, kahit ngayon lang, please." Napabuntong-hininga siya at kalauna'y bumaba na rin. Pagkapasok pa lamang do

