DUMATING ANG araw kung saan ay na-kompleto kaming apat habang nakabalik na rin ng Maynila si Sab. Hindi na rin ako nagulat kung bakit may kaniya-kaniya kaming mga baong bagong balita dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Narito kami sa isang resto bar at bago pa man kami um-order ng alak ay kaagad kong tinawagan si Sab para i-update siya na kasama ko na ang mga kaibigan ko. "Where are you?" Narinig kong sabi niya dahil siguro sa narinig niyang background music mula sa kabilang linya. Sandali akong nnapalingon kila Travis na masayang nag-uusap-usap bago pa man sumagot, "I'm with Travis, Dave and Geoff, hindi ba't nagpaalam na ako sa'yong may ganap kami ngayon?" Pagkasabi ko no'n ay nakarinig ako ng ilang pagkaluskos kaya medyo natagalan kaya bago siya nakasagot. "Okay, wala ban

