Chapter 4

1212 Words
BINUNGARAN AKO nang napakahabang traffic sa jeep na sinakyan ko. Ayoko naman kasi talagang mag-jeep at mag-grab na lang sana ang kaso ay super tipid ako ngayon dahil wala pa rin akong tawag sa sideline ko na modeling bukod sa inaasahan kong sahod. Lalo na ngayon at pinapaayos ko pa ang aking kotse. Ramdam ko na ang init at namamasa na rin ang ilang parte ng katawan ko nang dahil sa pawis. "Manong, bayad ho," ani ng katapat kong ale. Pero wala man lang nag-atubiling mag-abot ng bayad niya dahil tutulog-tulog ang mga pasahero. Kaya sa huli, ay ako pa talaga ang nag-abot. Pero-- naknang! Agad naman umandar ang sinasakyan namin kung kaya't muntik nang mahulog ang mga baryang hawak ko. Napabuntong hininga ako at pinilit na kumalma para lang hindi na masira ang araw ko. Idagdag mo pa ang traffic at mainit na panahon. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe ko bago pa man makarating ng hospital na dapat ay kalahating oras lamang. "Mukhang late ka." Napaikot ako ng paningin sa boses na 'yon. Simula't sapul talaga ay napaka-pakialamero niya. "Ano bang pakialam mo? Ikaw ba ang nagpapasahod sa akin, hah?" Halos matameme siya sa sinabi ko. "I'm sorry, Ms. Celeste," aniya. "Okay, just focus on your work, Kenji." "Okay, Ms. Celeste." Hindi ko maiwasan na matawa sa isipan ko kung paano niya ako igalang nang sobra, gayong isa lang naman din akong hamak na nurse. "Tatawagan ko na muna si Dr. Dampitan, lilinawin ko kung ano ba talaga ang case ng isa niyang pasyente after that, malalaman na natin kung paano ang gagawin for operation." Naabutan kong wika ni Topher habang kausap niya ang isa sa intern na doctor. Agad niya siguro akong napansin kaya agad din siyang lumapit sa akin. "Hey," bungad niya. "May pangalan ako," mataray kong sabi at sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. "Kung tatawagin man kita, ay hindi na sa pangalan mo." Napalingon siya sandali sa mga taong nasa paligid bago muling nagsalita, "Kundi sa apelyido ko," medyo pilyong aniya. Napanguso ako at siyang salubong din ng kilay ko. "Manahimik ka nga! Asikasuhin mo na kaya ang mga pasyente mo--" "Break ko," pagputol niya sa sasabihin ko. At sa puntong 'yon ay napatitig siya sa mga mata ko kaya napalunok ako. Magsasalita pa sana ako ang kaso.. "Doc, excuse lang po.." Sandali niya pa akong nilingon bago pa man niya pansinin ang pasyente. "Yes?" Dahilan para magawa ko na lang umalis at umakyat sa may nurse station. Samantala, hindi ko naman inaasahan ang biglaang matatanggap ko na mensahe mula kay Hanna. From: HannaBrats Sab!! I'm on my way sa work mo. If you don't mind, p'wede ba kitang maistorbo? Hehe. I miss you, brat! -Hanna Napangiti ako sa mensaheng iyon, marahil ay may kaniya-kaniya na kaming priorities kaya siguro ganito na lang ang kauhawan ko sa sarili na magkita kami. Pero-- how about Laarni? Kaagad kong ni-reply-an ang bruha at ipinagpatuloy muli ang ginagawa. Pagkatapos ay pumasok ako sa ward upang i-check ang blood pressure ng pasyente. Break time ko nang magkita kami sa may labasan ni Hanna at binungaran niya ako agad ng isang ngiti. "Sab!" "Hanna! Oh my, god!" Tinanggap namin ang yakap ng isa't isa at nagpasyang pumasok sa isang fast food. "Kumusta ka naman? Mukhang blooming ka ngayon, ah," wika niya habang hinihintay pa ang order namin. "Ngayon lang ba?" sarkastiko kong sagot. "No, what I mean is.. mas blooming ka ngayon. Dahil ba 'to kay Toph?" Agad naman napawi ang ngiti ko at bumilis agad ang t***k ng puso ko. "Excuse me? Hindi ba dapat ay siya ang nagpapapogi sa akin? Ang ganda ko kaya!" malakas na kompyansa ko sa sarili. At hindi na lang mapigilang matawa ni Hanna. "Brat ka talaga!" natatawang aniya. "Gaga! Anyway, maiba nga tayo-- kumusta na ang pagpapantasya mo kay Travis?" "Tse! Ayoko na-- ayoko nang umasa, Sab," tila malungkot na aniya kaya halos mag-alala ako pero hindi ko inasahan ang sumunod na sinabi niya, "Alam ko naman na patay na patay pa rin 'yon kay Jasmine." "Seryoso? E, 'di ba nag-break na sila?" Iyon kasi ang huli kong balita after ng wedding ni Tita Shine, ang mommy niya. "Kaya nga.. e, alam mo naman itong si Travis, walang ibang ginawa kundi ang suyuin si Jasmine at ang nakakaloka pa ay pinalabas niya lang na hindi p'wede si Jasmine no'ng kasal ni Mommy.. ayon pala, may problema na sila." Hindi ko maiwasang matawa dahil alam ko naman na 'yon. "Alam ko, 'no!" natatawang sabi ko. Napairap siya. "Pinagnobela mo pa talaga ako, 'no?" "Gusto kong nahihirapan ka, e," sarkastikong sabi ko at kaagad na nagsalubong ang sungay niya-- ay este, kilay! "Sab!" Natatawa pa rin ako hanggang sa dumating na ang order namin at napunta ang usapan namin sa kung saan-saan. Nagpaalam na si Hanna bago pa man ako bumalik sa trabaho at para sa akin ay sapat na sa akin ang saglit na oras na iyon para maipakita kung gaano namin namiss ang isa't isa. Nakangiti pa ako habang naglalakad at paakyat na sana ako sa may clinic upang silipin ang pasyente nang may biglang humila sa akin sa kung saan. At sino pa nga ba? Edi 'yong lalaking nagnakaw ng puso ko, kainis! Dinala niya ako sa may garden at doo'y kwinestyon ko siya agad. "Ano ba?!" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko kaya medyo nasasaktan ako. "Sinong kasabay mo kanina?" "Ano ba'ng pake mo?" Napabitiw siya at napaiwas ng tingin sa akin. Napanguso siya at sinabi, "Akala ko pa naman ay okay na tayo," tila pag-eemote niya. "Iiyak na ba ako?" tila sarkastiko kong tanong. Napalingon siyang muli sa akin at tinitigan ako sa mata kaya napaiwas ako ng tingin. "Sab, kailan mo ba seseryosohin ang mga sinasabi ko? Kasi nasasaktan na ako, e. Sa totoo lang. Alam mo kung madali lang sana na magkagusto sa iba, sana hindi ko na pinagpipilitan pa ang sarili ko sa'yo.. kaso-- hays!" Halos matameme ako sa sinabi niya. Doon ko lang napansin ang mumunting luha sa kaniyang mata. Umiiyak siya at dahil 'yon sa'kin. Hindi ko alam pero bigla na lang may lumabas sa bibig ko na nakapagpatigil sa pag-iyak niya. "Toph.. I'm sorry.." "Tell me what your sorry is all about-- why did you say sorry?" Bakit nga ba ako nagso-sorry? "Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, umalis ka at bumalik na tila walang nangyari.. tapos ngayon ay ginugulo mo ang isipan ko. Kaya hindi ko alam kung saan ba dapat ako humingi ng sorry.. kung sa ginawa ko o dahil sa.. gusto pa rin kita." Tila nagkaroon naman ng kinang ang mga mata niya sa sinabi ko. "Anong sinabi mo? Gusto mo pa rin ako?" Sandali akong napalihis ng tingin bago sumagot, "Oo.. at nakakainis lang dahil hindi naman na tayo mga bata para maramdaman 'to!" Hinabol niya ang tingin ko kaya nakita ko ang pagngisi niya at sinabi, "To like someone is not a matter of age, dahil kung hindi mo mararamdaman 'yon ay hindi ka normal." Medyo natawa ako sa sinabi niya. Pero hindi ko inaasahan ang itatanong niya, "So, tama ang narinig ko? Gusto mo pa rin ako?" At doo'y dahan-dahan akong napatango saka kaagad niyang hinawakan ang baba ko at sinabi, "Sana wala nang bawian." Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD