Tila hindi ko pa rin makalimutan ang gabing nagtagpong muli ang landas namin. May parte sa akin na masaya pero may parte rin naman sa akin na nasasaktan. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang guluhin muli ang isipan ko. Sa loob ng apat na taon, ay tila sariwa pa rin sa akin ang lahat.
Mabilis akong nakapaglakad nang makarating ako ng hospital, ang St. Delfin Hospital na pinapasukan ko. Suot-suot ang aking puting damit at puting sapatos ay maingat akong nakapaglakad sa maputik na daanan bago pa man makapasok ng gate.
Mag aalas-otso y media na ng umaga nang makarating ako sa clinic. Maraming pasyente kagaya nang nakasanayan ko.
"Nasaan na si doc? Dumadami na ang pasyente." Bungad sa akin ni Kenji, isang intern na nurse roon.
"Hindi ko nga alam, wala rin linya ang telepono nang subukan ko," sagot ko at saka nagmamadaling makalabas.
"Teka, saan ka pupunta?" Napairap ako sa kaniya. Kailangan pa ba 'yong tanungin?
"Sa information malamang."
"Ang sungit mo talaga, Ms. Celeste," habol niyang sagot bago pa man ako tuluyang makaalis.
Nang makapunta ako ng information ay binigyan ko talaga ng pansin ang mga ilang impormasyon na nakuha ko. At pagkabalik ko ng clinic ay hindi ko inaasahan ang makikita ng dalawang mata ko.
"Sab?" Bungad niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.
Napahawak ako sa dalawang bulsa ng uniporme ko at tinaasan lamang siya ng kilay. Napabuntong-hininga siya. "Ako ang pansamantalang ipinalit ni Dr. Dampitan dahil may mahalaga siyang pinuntahan." sabi niya, expected ko naman na hindi si Dr. Dampitan ang makakaharap ko, dahil ang sabi sa information ay cancel ang appointment niya today.” Dahan-dahan akong napatango at hinayaan na mas lumapit pa siya sa akin.
"Don't worry, isang linggo mo lang naman akong makakasama." Pagkasabi niya no'n ay tila hindi ako nakapagsalita. Pero bago pa siya tuluyang makapasok..
"Sandali."
"Yes?" Kainis, bakit ba parang nagpapa-cute siya?
"Hindi mo naman nasabi sa akin na doctor ka sa mata."
Napangisi siya. "Hindi ka naman nagtatanong?"
"Ah!" Napasinghap ako sa inis. Bakit ba napakapilosopo niya?
Subalit tila lalo niya akong inasar dahil sa mapanloko niyang tingin. Kaya tinalikuran ko na lang siya kahit sobrang nag-iinit na ang mukha ko.
-
"Asus, palibhasa g’wapo ay sinusungitan mo, hanggang kailan ka ba magiging mabait sa lalaki?" Biglaang bungad sa akin ni Moriah, ang isa sa kaibigan kong nurse. Matapos ko kasing makita si Topher ay bumalik na ulit ako sa nurse station, kung kaya't hindi ko naiwasan ang mai-kwento ang nangyari.
Ilang saglit pa ay may pasyente na ipinasok sa ward.
"Sabrina, ikaw na muna ang mag-asikaso sa records ng pasyente. Bababa lang ako saglit." utos sa akin ni Moriah.
"Okay."
Habang nagsusulat ako ng ilang papeles ay halos magulat ako sa biglaang boses na narinig ko.
"Ay!--" Napasigaw ako nang makita siyang muli sa harapan ko.
"Masyado kang seryoso."
Napairap ako nang lingunin siya. “Excuse me, nagtatrabaho ako," sagot ko at saka ipinagpatuloy muli ang pagsusulat.
"So, malabo na pala ang mata mo kaya ka nakasalamin?" pang-aasar na naman niya.
"Hindi 'no, masyado lang akong naduduling sa mga letra kung kaya't kinakailangan kong magsuot ng salamin." Nagawa kong magsinungaling, pero ang totoo ay hindi ko na talaga kayang makabasa ng walang suot na salamin or contact lens.
"Magpa-check up ka na."
"Manahimik ka!" tila kalmado kong sigaw pero naiinis na talaga ako.
"Baka kasi bumalik ang feelings mo para sa'kin, kaya magpacheck-up ka na.." pagkatapos niyang sabihin iyon ay tila mapanganga ako.
Bakit ba ang lakas ng epekto ng mga sinasabi niya? Ayst!
"Where's the patient?" Baling niya naman sa isang intern na nurse na kaniyang nakasalubong.
"Nasa loob na po ng ward, doc."
"Okay."
Nasa kalagitnaan na ako nang isinusulat ko nang tila magulat na naman ako sa boses niya.
"May kasabay ka na mag-lunch?"
Napairap ako, hindi pa rin ba siya titigil?
"Alam mo, baka magkasakit na ako ng heart-attack dito dahil sa panggugulat mo!"
"Baka nga, kasi masyado mo akong iniisip.” Napahakipkip ako sa malakas na kompyansa na naman niya sa sarili.
“Ang yabang talaga,” bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Wala! p'wede ba, Mr. Andal, tumigil ka na." Nawawalan na ako ng gana na kausapin siya.
"Okay, titigil lang ako kapag pumayag ka na sabay tayo na mag-lunch. Is it clear?" Halos mapaawang ang bibig ko. "I'm so sorry kung ginugulo kita. I just can't help myself to see your beautiful face. Kaya sana ay huwag mong ipagdamot 'yon." Sa sinabi niya ay hindi na naman ako nakapagsalita at tila mabilis niyon napabago ang mood ko.
Dahil hindi ko namalayan na unti-unti akong napangiti.
Kagaya nang sinabi ni Topher ay sabay nga kaming nananghalian. Mabuti na lang at dumating na rin ang ilang doktor kung kaya't ayos lang na magsabay kami.
"Anong gusto mong kainin?" Tumingin ako sa menu at halos ibagsak ko na ito sa lamesa dahil naduling ako sa mga letra.
"Wala na bang ililiit 'to?!"
"Patingin nga." Napabuntong-hininga siya at pinili na lang na basahin ang nakasulat doon.
"Baka may vertigo ka kaya mabilis kang maduling sa mga letra, hindi ba sumasakit ang ulo mo?"
"Ah, minsan.."
"Confirm. Vertigo nga 'yan."
Sandali akong natigilan at napatanong sa kaniya, “Masama ba 'yon?"
"Not really, pero dapat ay alagaan mo pa rin ang mata mo. Alam mo na, mahirap nang mabulag." Hindi ko alam pero may parte sa akin na napapagaan niya ang pakiramdam ko dahil sa kaunting tip na ibinibigay niya. At bilang isang nurse, hindi ko maiwasan na humanga sa kaniya.
Hindi dahil sa guwapo siya kundi dahil mabait talaga siya, pero minsan lang!
After almost twenty minutes ay dumating na rin ang order namin. Fish fillet ang napili ko at lemon juice naman ang drinks ko samantalang siya naman ay pinakbet at pineapple juice ang drinks.
"Hindi ko akalaing mahilig ka pala sa gulay?" pang-uusisa ko.
"Yeah, I'm pure vegetarian. Try mo, masarap,” nakangiting niya habang ngumunguya ng okra.
"I hate vegetables."
Agad naman sumeryoso ang mukha niya at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya, "Maraming nutrients na makukuha sa gulay, actually everyday ay kailangan ng katawan natin ito." Napatango lang ako sa sinabi niya pero ayoko talagang tikman! Para kasing hindi ko feel ang mga kulay berdeng gulay. "Titikman mo?" napapangiting aniya. Hindi ko alam pero parang may kung ano siyang kapangyarihan at mabilis niya akong napasunod. Sinubukan kong tikman ang talong at halos mapaluha ako sa lasa.
Nakita ko na lang siya na tila humagalpak na sa katatawa.
"Ah!" Napasigaw ako sa sobrang inis.
"Nakakatawa 'yong itsura mo bago mo tikman 'yong gulay. Pero mas natawa ako sa itsura mo nang matapos mong matikman!" natatawang aniya.
Nagtangis ang bagang ko at sinabi, "I hate you."
"I like you." Nanlaki ang mata ko sa banat niya. At hindi na naman ako nakasagot sa mga salitang sumunod na sinabi niya, "I don't know why I really like you kahit na madalas ay napakasungit mo, kahit na ang daling magbago ng mood mo. At aaminin ko, masaya ako sa tuwing nakikita ko ang itsura mo at sa tuwing nagmumukha ka ng amazona sa sobrang inis, hindi ko maiwasan na mapangiti. Kasi kakaiba ka, Sab, ikaw 'yong babaeng kahit kailan ay hindi nawala sa isip ko kahit marami nang dumating na babae sa buhay ko. At kahit napakatagal na panahon na ang lumipas." Nakatitig lang siya sa mga mata ko at hindi ko alam pero unti-unti na lang pumatak ang luha ko.
At masasabi ko sa sarili kong..
Gustong-gusto ko pa rin siya.