"ALAM MO ba kung gaano kasakit ang isang bagay kapag ibinigay mo ng buong-buo, tapos sa huli ay hindi rin pala para sa'yo?" "Seryoso? Iyan talaga ang pinapanuod mo?" Napalingon ako kay Laarni, masyado kasi akong nadala sa movie na pinapanuod ko. Narito kasi kami ngayon sa apartment ko at binisita niya ako makalipas lamang ang dalawang linggo matapos kong magalit sa ginawa nilang pagtatago sa'kin ni Hanna. Himala nga, e! Pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ang kasalanan nilang dalawa! "Drink, o," pang-aalok niya sa hawak-hawak niyang lemon juice at kinukusot-kusot ko pa ang mata kong may namuong luha. "Thanks," tipid kong sagot matapos niyang ilapag iyon sa lamesa at hinayaang tumabi siya sa akin. "Mukhang masyado kang nadadala sa movie ah?" "Ang ganda kasi ng linya ng babae.. anyw

