NANG DAHIL sa nangyari ay sinunod ko ang payo ni Toph na magpacheck-up-- hindi sa ob-gyne kundi sa opthalmologist. Nakakakaba nga lang sa una pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Ang kagandahan lang ay employee ako ng St. Delfin Hospital kung kaya't wala akong babayaran pagdating sa check-up. "Magpapacheck-up ka?" Bungad sa akin ni Kenji, ang walang tigil sa pangingialam sa buhay ng may buhay! Sandali kong hinubad ang reading glass ko at napataas ang kilay sa kaniya saka sumagot, "So? Anong problema ron? Bakit ba ang hilig mong mangialam?" Napakunot ang noo niya at dahan-dahang natawa. "Ikaw talaga, Ms. Celeste.. ang taray-taray mo," sabi niya at binigyan ko lang siya ng isang irap bago pa man ako pumasok sa loob ng employee's health office. Isinuot kong muli ang reading glass ko

