Chapter 9

1285 Words
NAKARATING AKO sa Antipolo kung saan ay ang venue ng project na tinanggap ko mula sa talent manager ko na si Agy. Malaking tulong din ang sideline ko na ito dahil mas nagiging confident ako sa aking sarili. Nagpaalam naman ako sa HR department bago ako umuwi kahapon na kailangan kong mag-leave for five days. Parang kahapon lang ay magkasama pa kami ni Toph at hindi ko maitatangging nasanay ako na nasa tabi ko lang siya, lalo na ngayon at first time niya sana akong makikita na ngumingiti sa harap ng camera. "Sabrina, handa ka na?" tanong sa akin ni Agy. Mula sa salamin ay napalingon ako sa kaniya. Kinakabahan kasi ako dahil ngayon lang ulit ako sasalang sa pagmomodelo. Kahit pa rito ako nabuhay noon, siguro ay dahil may parte sa akin na binabalot ako ng kalungkutan. Tumingin ako sa salamin at sinuyod ang kabuuan ko bago pa man sumagot sa kaniya, "Yes, I'm ready, Agy." Napatango siya at sumunod ako sa kaniya. Doo'y nasilayan ko ang nagkikislapang flash ng camera na hawak ng mga photographer namin. Subalit nadapo ang tingin ko sa boses na bumungad sa akin, "Wow! You look stunning, Sabrina!" sabi ni Martha, ang isa sa ring modelo. Naging kasabayan ko siya noon nang nagsisimula pa lamang ako sa fashion industry. Kung hindi lang ako nakapasa sa board exam ay siguradong ito na talaga ang naging profession ko. Tinaasan ko siya ng kilay at napangisi lang siya. "Ngayon lang ba?" "As always naman, Sabrina!" pambobolang ka-plastikan pa niya. Hindi kasi ako madaling maniwala kapag kapwa-modelo ko ang pumupuri sa akin. "Sab, ikaw na ang susunod, maghanda ka na," sabi ulit ni Agy matapos niya akong kalabitin at binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti. Alam kong nakatingin pa rin si Martha sa akin nang talikuran ko siya bago ako nagpunta sa may stage. - "Okay, good, Sabrina! pak na pak!" Halos mamangha si Agy dahil nagagawa ko nang maayos ang itinuturo niyang pose. Mukhang hindi siya nagsisi na ako pa rin ang kinuha niyang modelo para sa modeling project. Ngumiti ako at kasabay nang pagkislap ng camera ay siyang pagdilim ng mata ko. Napapikit ako dahil sa magkakasunod na silaw ng flash na nasasagap ng mata ko at kasabay niyon ang matinding pagkahilo. "Sabrina? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Agy at napatango ako pero siyang alalay naman ng mga ilang staff doon sa akin upang alalayan akong makaupo muna sa isang tabi. "I need a break, Agy," sabi ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa akin at inalalayan akong makaupo. "Okay, take your time, Sabrina." Habang nagpapahinga ako ay napapaisip ako kung bakit nandidilim ang mata ko sa flash ng camera. Bigla kong naisip ang sinabi noon sa akin ni Topher.. Na-curious ako kung ano nga ba ang vertigo na iyon? Sandali kong pinagmasdan ang wallpaper na nasa phone ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi ko maiwasan na maisip si Toph. Yes, he is, the reason why I am wrapping of griefs. At tila awtomatikong gumalaw ang kamay ko upang buksan ang message board. Pero halos madismaya ako nang wala man lang na kahit isang text mula sa kaniya. Ilang saglit pa at naging maayos na rin ako, nagawa ko ulit ngumiti sa harap ng camera at nakatutuwa dahil natapos din namin ang halos one fourth sa project na kailangan din namin matapos within five days. Gayunpaman, hindi maitatago ang sayang nadarama ni Agy dahil hindi siya nagkamali nang pagpili sa amin nila Martha bilang modelo. Samantala, kasalukuyan akong nagpapahinga sa condo na nirentahan mismo ng director para sa aming mga modelo. Tatlo lang naman kami pero sadyang napakabongga na ng condo na ito para sa amin. Habang nagpapahinga ay animo'y nabuhayan ako ng sigla sa katawan nang sandaling tumunog ang phone ko at bumungad doon ang pangalan ni Toph sa messenger. He's calling! Sa sobrang excite ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na sagutin iyon. At halos maluha ako nang sandaling makita namin ang isa't isa sa screen. "Good evening, Sab, namiss mo ko, 'no?" Napairap ako habang napahagikgik naman siya. "Sige, asarin mo pa ako," sabi ko. Napanguso pa ako at tila umaarteng naiinis pa rin sa kaniya kahit agad naman napawi 'yon nang makita ko lang siya. "Biro lang naman, e, ikaw talaga.. kumusta ang modeling ni'yo? Sorry ngayon lang ako nakatawag, ah?" Napabuntong-hininga ako dahil sa pagkakataong ito ay gustung-gusto ko siyang yakapin. "Ayon, ayos naman, ikaw ba? Kumusta ang boyfriend kong surgeon?" Napangisi siya at inilapit ang nguso niya sa screen, dahilan para matawa ako. "Uy, Sab! Pumapag-ibig ka na ah!" singit ni Mari na kapwa ko rin modelo. Sumilip rin si Martha at agad kong iniwas ang phone ko. "Boyfriend mo?" tanong pa ni Martha ay hinarang ko ang aking kamay sa mukha niya dahil parang tipo niya rin si Toph. Hays! "Obvious naman, 'di ba?" At napataas lamang sila ng kilay. Tumingin muli ako sa screen at nakita kong umaarteng nakasimangot na roon si Toph. "Hoy, anong drama 'yan?!" Napahagikgik siya sa pagtawa at napansin kong may kung ano siyang kinuha. "Sab.." "Oh?" "May ipapakita ako sa'yo." Napataas ang kilay ko at bumungad sa harapan ko ang tila isang tumpok na chocolates. "Chocolates? Waaaa! Nakakainis ka!" "Pag-uwi mo, matitikman mo rin 'to," aniya. Napasimangot ako at saka nagsalita, "E? Four days pa kaya ako rito!" pagmamaktol ko at sumilay na naman ang tawa niya. "I'll wait for you, Sab.." Halos mapapikit ako sa kilig na nararamdaman ko. Hindi man kami magkasama ay hindi siya nabibigo para lang pasayahin ako. "I love you, Sabrina.." sambit niya dahilan para muntikan na akong mapaluha. "I love you too," sagot ko at nagpasya na rin kaming magpahingang dalawa. At bago ko pa man patayin ang screen ay siyang hagikgikan ang nabungaran ko sa dalawa kong kasama. "Ehem, ang g'wapo ni boyfriend, sigurado ka bang ikaw lang talaga?" tila sarkastikong sabi ulit ni Martha. Napataas ang kilay ko at hinarap siya. "Excuse me? Sa ganda kong 'to? And I don't care kung hindi lang ako ang babae sa buhay niya.. hindi pa man ako dumadating sa buhay niya ay may babae na siya-- ang mama niya. Masaya ka na?" Natahimik siya at hindi na nakasagot pa. Nakakainis ang pinagsasabi niya. Hindi naman kami magkaaway ni Martha pero hindi ko rin siya ka-close. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya, hindi ko lang talaga trip na makipagkaibigan sa kaniya. At bago ako matulog ay muling sumagi sa isipan ko ang mukha ni Toph.. ? It's not the flowers, wrapped in fancy paper .. It's not the ring, I wear around my finger.. There's nothing in all the world I need.. When I have you here beside me, here beside me~ So you could give me wings to fly And catch me if I fall.. Or pull the stars down from the sky, So I could wish on them all.. But I couldn't ask for more, 'Cause your love is the greatest gift of all.. In your arms, I found a strength inside me And in your eyes, there's a light to guide me I would be lost without you And all that my heart could ever want has come true.. You could offer me the sun, the moon And I would still believe You gave me everything When you gave your heart to me But I couldn't ask for more.. 'Cause your love is the greatest gift of all Couldn't ask for more 'Cause your love is the greatest gift of all.. Captured Song: [Your Love By: Jim Brickman]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD