Chapter 8

1446 Words
GAMIT ANG kotse ko ay mabilis akong nakauwi ng apartment. Saktong ala-una ng madaling araw ako nakauwi at doon ko lang muling nailapat ang katawan ko sa may kama. Sandali akong napatingin sa wallpaper ng phone ko nang sandali itong umilaw dahil sa isang text message. Larawan namin iyon ni Toph last four years ago at nakakatawang isipin dahil hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang high school life. Subalit sandaling napawi ang ngiti ko nang maalala ang nangyari kagabi. Laman pa rin ng isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Travis. Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan gayong hindi naman dapat. Kaya napasuksok ako sa unan na nasa bandang kanan ko at nagsimula nang pumikit. Kinaumagahan ay isang good news ang pumawi nang pagka-beastmode ko kagabi. Napangiwi ako at sandaling pinagmasdan ang daanan kaya napansin ko ang ilang jeepney drivers na ngayo'y balisa na sa matinding traffic dahil na rin sa tsempo ng red stoplight. Agad kong naisip nang minsan akong sumakay doon dahil nasira ng halos isang linggo ang kotse ko. Habang naka-stop sa daan ay doon ko lang napuna na tila may nakasunod sa akin. Pero binalewala ko na lamang iyon hanggang sa mag-green stoplight na kaya nagpatuloy ako sa pagmamaneho at mabilis ko rin natunton ang St. Delfin Hospital. "Fresh na fresh?" Bungad na naman sa akin ni Moriah. Akala mo siya, hindi rin maganda, e. "As always," matipid kong sagot habang inaayos ko ang aking mga gamit. "How about the flowers?" Naagaw agad ang atensyon ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon dahilan para mapalingon ako. "Toph?" Napansin ko ang hawak-hawak niyang bouquet ng rosas, ngingiti-ngiti sa amin si Moriah habang pinagmamasdan niya kami. "Yeah, sino pa ba ang g'wapo mong boyfriend?" Kumindat pa siya kaya hindi ko naiwasan ang mapairap. "Nakikita ko 'yon, hindi mo na kailangan pang sabihin," pormal na sabi ko. Mabilis na inagaw ng kamay niya ang kamay ko at pasimpleng pinisil iyon. "I just visit here, para maging kompleto kaagad ang araw ko.." Napangiti ako habang todo sa panunukso si Moriah. "Asus! Tama na nga 'yan, masyado na kayong PDA," natatawang aniya kaya napabitiw ang kamay namin sa isa't isa. Pero bago pa man kami tuluyang maghiwalay ay pasimple akong bumulong sa kaniya, "Let's have a dinner date later? I have a good and bad news." Napakunot ang noo niya at hindi ko inasahan na lalakasan niya ang sagot niya, "I hate bad news but I think it's really important," sabi niya. Napalingon ako kay Moriah at siyang dating na rin ng ilang nurse mula sa ibang department. "Kailangan ko nang umalis, love, maraming pasyente sa clinic ko." Napangiti ako at binigyan niya rin ako ng isang matamis na ngiti. Alam kong gustung-gusto na niya akong halikan, ang kaso ay hindi p'wede! Hindi ko namalayan ang oras dahil mabilis lumipas ang oras magmula nang huli kong makita si Toph at hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil parang palagi ko siyang gustong makita. Hindi ko na rin muna inisip ang mga negatibong bagay at nag-focus ako sa magandang balita na nalaman ko bago pa man magsimula ang aking araw. At hindi nga ako nabigo na mainip sa oras, nakatutuwa dahil parang umaayon sa akin ang pagkakataon-- "Ay palaka!" Halos mapabaligtad ako mula sa pagkakatayo nang marinig ko ang malakas na busina habang naghihintay ako sa may waiting shed. Tatawa-tawa siyang bumungad sa akin at ewan ko ba dahil parang lalo siyang guma-g'wapo sa mga mata ko. "Toph naman, e!" Halos maghabulan kami bago pa man kami magpasyang sumakay sa kotse niya. "How about.. doon na lang tayo sa apartment? May dala rin kasi akong kotse," wika ko at napaawang ang bibig niya. "Saglit lang naman tayo," katwiran niya dahilan para mapataas ang kilay ko. "May iba pa ba tayong pupuntahan?" "As you wish? Gusto ko rin kasi na ipasyal ka." Napatingin ako sa paligid nang magsimula niyang paandarin ang makina. "Sige, maaga pa naman," kalmadong sagot ko. Napangiti siya at napatitig ako sa kaunting paggalaw ng jawline niya. Huminto kami sa isang steak house at matapos lang namin um-order ng makakain ay doon lang kami ulit nagkaroon ng pormal na pag-uusap. "Ano nga pala ang ibabalita mo?" pagsisimula niya ng usapan. Napasinghap ako at tumingin sa mga mata niya. "Ano bang gusto mong mauna?" pagbabalik tanong ko sa kaniya. Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi at kasunod niyon ang pagsagot niya na magpapabago ng emosyon ko. "Good news, of course," sabi niya. Napangiwi ako at napasandal sa may upuan. "I have a one week vacation for a modeling project," masayang sabi ko at unti-unti rin napawi iyon nang mapansin kong seryoso pa rin ang mukha niya. "Then, what's the good news about it?" Napataas ang kilay ko at tinitigan siya sa mata. "Why? Isn't good? What's wrong with that?" Napailing siya at sandaling pinukaw ang tingin sa paligid. "Nothing," kaswal na aniya at saka siya tumingin muli sa akin. "How about the bad news?" Napalunok ako ng ilang beses at napansin kong interesado talaga siya sa sasabihin ko. "It's about Travis and Hanna." Nagsalubong ang kilay niya at napasandal sa may upuan. "O, anong mayroon?" tanong niya na parang walang nagbago sa reaksyon ng kaniyang mukha. "Toph, hindi lang ito kagaya no'ng high school tayo.. it's really serious." Napabuntong-hininga ako at hinayaan niya akong makapagsalita ulit, "Kasi.. may relasyon sila." "What?!" Hindi na ako nabigla sa reaksyon niya dahil alam naman namin lahat na isang tao lang ang gusto ni Travis. "Sandali, paano nangyari 'yon? E, sila pa ni Jasmine?" "Wala na sila, si Travis na ang nagsabi sa'kin, at sa totoo lang.. 'yong relasyon nilang dalawa ni Hanna ay 'yong relasyon na hindi ka matutuwa." "Hindi talaga nakakatuwa, nakapagtataka 'yon, Sab," aniya at mas lalong hindi niya nagustuhan ang sumunod na sinabi ko. "Dahil nasa pretending-stage sila." "...We?" tanging aniya at dahan-dahan akong napatango. Saka siya mahinang napahampas sa may lamesa. "s**t! What the fvck is going on!" Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Toph at naiintindihan ko 'yon dahil alam kong parehas lang kami ng nararamdaman, kaibigan niya si Travis at kaibigan ko naman si Hanna. Matapos kong sabihin iyon kay Topher ay nagkaroon nang saglit na katahimikan nang dumating ang order namin na beef steak at sizzling sisig. At kahit tila nawalan kami ng gana sa pagkain ay nagawa pa rin namin 'yon ubusin. Doon lang kami naghiwalay sa may parking area kung saan ay nakaparada ang kotse ko. Pero bago pa man ako tuluyang tumalikod sa kaniya ay tinawag niya ako dahilan para matigilan ako. "Sab," aniya. Napataas ang kilay ko at hindi na ako nakapag-react nang mabilis niya akong sinalubong ng yakap at halik sa labi. "Toph!" pag-angal ko pero ipinagpatuloy niya pa rin ang paghalik sa labi ko. Mabuti na lang at tulog ang bantay na guard doon. Mariin at dalisay ang halik na pinagsaluhan namin. Habol-hininga kami nang maghiwalay ang labi namin sa isa't isa. "Sinulit ko lang ang utang mo sa'kin," aniya at kumindat pa siya. Doon ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Sus, pinapakilig mo na naman ako," natatawang sabi ko kaya sumilay muli ang ngiti niya sa labi. "Ayaw mo ba? Na ini-spoiled kita ng pagmamahal ko?" Sandali akong natigilan at ewan ko ba pero parang bigla akong nalungkot. "O, bakit ganiyan ang itsura mo?" Sandali ko siyang nahampas siya sa pang-aasar niya. "E, kasi, mami-miss lang naman kita.." nakangusong ani ko at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Mami-miss?" Sandali siyang napa-isip. "Ah! Kailan nga ulit 'yon?" Ang tinutukoy niya ay ang modeling project na kay tagal kong hinintay. At halos mapawi ang ngiti niya sa isinagot ko, "On next day," "Ganoon ba, well, hindi naman kita mapipigilan dahil pangarap mo 'yan. And I'm sorry kung hindi kita masasamahan." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Ayos lang, basta, don't forget to leave me a message, every minute," ani ko kaya nanlaki ang mga mata niya. "Every minute talaga? Ha?" natatawang aniya sabay pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Edi, sige.. every hour na lang!" natatawang sabi ko pa at napaawang lang ang bibig niya. "Spoiled brat ka talaga, pero ayos lang, love na love naman kita." Sandaling nagtama ang mga mata namin at sandaling hindi kami nakapagsalita habang unti-unting nagdikit ang mga katawan namin nang dahil sa yakap na hiniling ng katawan namin. Isang yakap ang nakapagpagaan ng mga loob namin, isang yakap ang nakapagbigay kahulugan sa mga nais pa namin sabihin sa isa't isa. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD