Chapter 7

1314 Words
DAHIL SA aking kuryosidad ay nagawa kong makipagkita kay Hanna nang biglaan. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Ano 'yon? Fling? No! Kaya kahit dis-oras ng gabi ay nagawa kong mag-doorbell sa condo na tinutuluyan niya. Siyempre, nabigla siya sa pagdating ko. "O, Sab? Anong ginagawa mo rito?" Tila gulat na gulat siya at nakapagtataka dahil parang pagod na pagod siya. "P'wede ba'ng patuluyin mo muna ako?" sarkastiko kong sabi. "Sab!" Nairita ako sa malakas niyang sigaw at huli na nang makalingon ako dahil-- nandito si Travis. What's going on here? At ang labis na ipinagtataka ko ay naka- topless lang siya. Mukhang katatapos lang nila. "So, anong ibig sabihin nito?" Nagtinginan pa silang dalawa kung sino ang unang magsasalita. "Ah--" natigilang sabi ni Hanna. "Wala kaming relasyon, Sabrina," mariing pagtatama ni Travis. Nanlaki ang mga mata ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla ko na lang sinabunutan si Hanna. "Aray! Ah-- Sab, s-stop it, p-please.." Nabitawan ko siya sa sobrang inis ko. Nag-iinarte pa, e, siya nga 'tong baboy at pumatol sa boyfriend ng iba. Napalingon ako kay Travis at ngayon ay takang-taka ang mukha niya. Pero hindi ko pinalampas ang pagkakataong iyon para masermunan si Hanna. Kaya nagawa ko siyang kaladkarin para makalabas lang sa k'wartong iyon. "Hey, saan mo siya dadalhin?" tanong ni Travis at nagawa pa niyang humabol pero pinagsarhan ko lamang siya ng pinto. "Urgh, what the hell are you doing, Sabrina?!" paghihimutok niya matapos ko siyang kaladkarin papunta sa may rooftop. "What? Baka ikaw ang dapat tanungin ko niyan, akala ko ba malinaw na sa'yo na kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin?! Pero anong ginawa mo! s**t!" Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Nakakahiya ang ginawa niya bilang kaibigan ko. "I'm so sorry, Sab.." Doo'y nagsimula na siyang umiyak. "Hindi, e. Kahit saang parte mo tingnan, mali ang ginawa mo, mali na pumatol ka sa may nobya na--" "Pero wala na sila!" Halos matigilan ako sa pagsigaw niya. "At sinasamantala ko ang pagkakataong ito dahil baka-- b-baka this time ay mahalin niya rin ako," garalgal niyang pagkakasabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nangingibabaw ang inis pero hindi ko rin naman mapigilan ang maawa sa best friend ko. Walang anu-ano'y niyakap ko siya. Walang ibang salita basta isang yakap ng isang kaibigan na nag-aalala. At nang maghiwalay kami sa yakap na iyon ay pareho ng basa ang mga mata namin. "I'm sorry, brat, I'm just worrying about you.. nakakabigla man ang mga pangyayari pero sigurado ka na ba talaga sa pinasok mo?" Hindi ko maiwasang mangamba nang dahan-dahan siyang tumango at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pero agad din akong bumitiw doon para harapin siyang muli at sabihing, "Okay, choice mo 'yan, kung saan ka masaya.. wala naman akong magagawa, basta binabalaan lang kita, Hanna." "Alam ko 'yon, Sab. Bago naman ako pumasok sa ganitong set up ay naisip ko na ang mga posibleng mangyari.. I want to be happy even if it's just a past time, kahit alam kong sa bandang huli ay ako pa rin ang masasaktan," sabi niya. Natulala na lang ako sa sinabi niya at hinayaan na mapunasan ang sarili niyang luha. Nang makabalik kami sa may condo ay naabutan namin si Travis na bihis na bihis at tila nagmamadali nang makauwi. "O, uuwi ka na?" Hinayaan ko na lang muna si Hanna na makipag-usap sa mahal niya. "Ah-- yes, may reason pa ba para mag-stay ako rito?" Nagkatinginan kami ni Hanna at sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapagsalita ang kaibigan ko kaya ako na ang sumagot. "Paano kung sabihin kong, oo?" Napataas ang kilay niya at tila hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "May dahilan pa dahil mahal ka ng kaibigan ko, pero kung ginagawa mo lang siyang panakip butas para makalimutan si Jasmine ay mas mabuti na lang na huwag ka nang makikipagkita sa kaniya." Hindi siya nakapagsalita at naramdaman ko na lang ang kamay ni Hanna na pumipigil sa braso ko. "Sab, please, bawiin mo 'yong sinabi mo," halos pabulong niyang sabi. Bakit ba pagdating kay Travis ay nagiging duwag siya? My ass! Sa labis na inis ko sa pinaggagawa nila ay hindi ko maiwasan na linawin ang lahat at alam kong kay Travis ko iyon malalaman. Alam kong wala pa sa kalahati ang nalalaman ko mula kay Hanna. "Travis," sabi ko. Napalingon siya kaagad at hindi ko na inintindi pa ang magiging reaksyon ni Hanna. "Sabay na tayong umuwi," pagpapatuloy ko. Napatango naman siya at bago pa man ako tuluyang lumabas ng k'wartong iyon ay nilingon ko ang dalawa at tila hindi nila magawang mag-usap. "Bye, brat!" tanging sabi ko kay Hanna at saka ako tumingin kay Travis. "Hihintayin kita sa labas." Napatango siya at makalipas lamang ang ilang minuto ay lumabas din siya. "May dala kang car?" tanong ko nang nasa parking lot na kami. "Yes," matipid na sagot niya. "By the way, humanda ka na sa mga kasagutan mo." Natigilan siya at tila alam na niya na sasabihin ko 'yon dahil napangisi siya. "Doon tayo sa loob." Pinapasok niya ako sa kaniyang kotse at napasandal ako sa may upuan. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Travis.. so anong status ng relasyon ni'yong dalawa ni Jasmine?" Napangisi siya. "It's complicated. Iyan lang ba ang itatanong mo?" Napairap ako sa kaniya bago pa man sumagot, "Hindi, ang totoo niyan ay marami pa." "Go on," panghahamon niya. Napabuntong hininga ako bago muling nagsalita, "Anong plano mo at nagawa mong pumayag na makipag-fling kay Hanna?" Ngumisi na naman siya kaya lalo akong nainis. "Mukhang mali ka yata nang iniisip.." Natigilan ako at sandaling napataas ang kilay ko. "Well, I don't care kung ano pa man 'yon, what important is, I want to know the truth!" Sandali siyang napatingin sa kawalan bago nagsalita. "Okay, Hanna is pretending to be my girlfriend, I know masakit iyon para sa kaniya. I just want Jasmine to realize how worth is me, gusto kong ipamukha sa kaniya na mali ang naging desisyon niyang pakikipaghiwalay sa akin.." Doo'y nagsimula na siyang maging seryoso. Hindi ko na nagawa pang tanungin ang tungkol sa paghihiwalay nila dahil alam kong masyado ng personal 'yon. Napalingon siya sa akin bago nagsalitang muli, "And I really thank Hanna dahil hindi niya ako tinanggihan. Yes, we had s*x but it's a part of pretending.." Napaawang ang bibig ko sa mga nalaman ko. "Pero mahal ka ng kaibigan ko.." "I know, simula pa lang naman ay pinaintindi ko na sa kaniya na hanggang pagpapanggap lang ang lahat, and Hanna don't mind about it, at nasasaktan din ako dahil hindi ko siya magawang mahalin." "Fvck, pero umuungol ka sa kaniya, stupid!" Hindi ko maiwasan na mailabas ang nasa isipan ko at ewan ko ba pero unti-unti na lang gumaan ang pakiramdam ko nang tumawa siya. "C'mon, hindi na tayo bata para sa mga ganiyang bagay, Sabrina.." Napailing ako at agad kong naisip ang naging dahilan kung bakit sumugod ako nang wala sa oras. "Iyong p-in-ost mo?" "Ah, 'yong picture namin ni Hanna?" Napangisi siya nang dahan-dahan akong tumango. "Parte rin 'yon nang pagpapanggap, don't worry, alam naman ni Hanna ang limitasyon niya.. and I'm sorry about that.. hindi ko ginusto na saktan siya.." Napapikit ako dahil pinipigilan kong pumatak ang nagbabadya kong luha. "Basta, I've warning you, Travis. Pagkatapos ng lahat, huwag ka na munang makikipagkita kay Hanna." Halata naman na nagtaka ang mukha niya. "Para maka-move on siya?" dagdag ko at tila napawi ang pagtataka niya at napalitan iyon ng isang ngiti. "Don't worry, it wouldn't happen." "Okay, that's it, I wanna go home.. may kotse naman kasi akong dala kaya magmamaneho na lang akong mag-isa." Binuksan ko ang pinto at nagpasya nang umalis. "Okay, ingat ka, ah?" I smiled at hindi ko alam kung tunay ba 'yon o peke. At halos gumunaw ang mundo ko nang mapagtanto ang oras.. 12:26 am Gosh! Inabot ako rito ng kinabukasan! -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD