Nag-ayos lang ako ng gamit ko at nagpalit ng pambahay na damit bago bumaba. Wala akong naabutang tao sa sala pero may naririnig akong ingay mula sa kung saan. Sinundan ko lang ang pinanggagalingan niyon at dinala ako ng aking mga paa sa kusina. "What's next?" seryosong tanong ni Zef habang hawak ang kutsilyo at carrot. Si Xell naman ay nakatutok sa screen ng kaniyang cellphone habang nakakunot-noo. Si Beau ay may kung anong hinahanap sa refrigerator. Pinigilan kong bumunghalit ng tawa dahil sa mga hitsura nila ngayon. Para silang mga batang pinabayaan ng kanilang mga ina sa kusina kaya heto at nagkakagulo. May mga suot pa silang apron. Halatang hindi sila sanay na magluto kaya ngayon ay umaasa sila sa tutorial videos. Wala talagang perpekto sa mundo. Napahalukipkip ako at napasan

