⚠️ Content warning: SPG scene ahead, including vulgar language not suitable for readers under 18. Read at your own risk. (๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑) Hindi na ako bumaba kahit na gusto ko pang tapusin ang documentary na pinapanuod ko kanina. Pagod at stress din ako nitong mga nakaraang araw kaya magpapahinga na lang ako. Sana naman ay makatulog na ako nang maayos. Pinatay ko ang ilaw sa kuwarto at binuksan ko lang ang cute na lampshade. Ayaw ko nang masyadong maliwanag na lugar. Gusto ko ay dim light lang. Bitbit ang bathrobe ay pumasok na rin muna ako sa shower room para maligo. Naalala ko ring sinabi ng may-ari ng kuwartong ito na may ihihanda na siyang magagamit ko kapag naligo ako kaya hindi na ako nag-abalang magdala ng kung ano-ano papasok rito. "Tooth

