Pasado 7:00 a.m na kami nakarating ng bahay at tahimik pa rin itong kasama ko. Marahan lang ang pagparada niya ng kaniyang sasakyan. "Si Sandro," aniya pa sabay tapon ng tingin sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtanggal ng seatbelt ko. "I'm listening, Xell." "Minsan niyang tinangkang pagsamantalahan si Few." Napatulala naman ako sa kaniya at pakiramdam ko ay bigla na lang nanghina ang aking buong sistema. Napalunok pa ako nang bigla na lang sumagi sa isipan ko si Mama. "O-Ohh... I'm s-sorry to hear that." Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. "Okay n-na ba si Few ngayon?" Hindi naman siya umimik at dahil doon ay ipinagpalagay kong hindi pa rin okay si Few. "What happened? Paanong... I mean, bakit?" Hindi rin na alam kung ano ba talaga ang gusto kong itanong. "Na

