AGENT KEYZA' S POV
(๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑)(๑˙❥˙๑)
"Ano ang ibig sabihin ninyo sa 'we made a mistake’, ha?" may diin kong usisa sa dalawa nang makabalik na ako sa headquarters namin.
Sa totoo lang ay gusto ko silang sambunutan ngayon. Ito yata ang pinakaunang pagkakataon na pumalpak kami sa aming misyon. Isipin ko pa lang ang trauma ng aking mga mata at pandinig dahil sa nangyari kanina ay parang gusto ko na lang din na mag-resign. Naiinis na nahihiya ako sa hindi ko alam na dahilan.
"Relax, Key. Inom ka muna ng tubig," pangkakalma sa akin ni Handy.
Sinamaan ko nga ito ng tingin. Kung alam lang nila ang hirap ng kalooban ko bago ako nakalabas ng hotel na iyon. Idagdag pa ang kayabangan ng tatlong lalaking hindi ko alam kung bakit alam ang pagkakakilanlan ko.
Nang banggitin nila ang Special Crimes Agency ay agad na silang nagsialisan. Narinig ko pa ang nangungutyang tawa ng isa. Kung hindi lang talaga labag sa batas namin ang manakit ng civilian ay nilampaso ko na sa sahig ang mga iyon, eh.
"Paliwanag ang kailangan ko at hindi tubig. Malinaw naman sa briefing natin na ang tatlong iyon ang target natin, hindi ba?"
"Sigurado kaming tatlo ang suspect natin pero hindi kami sigurado sa mukha nila."
"Bumase lang din kami sa kung sino ang tatlong naka-check in doon."
"Apat sila at hindi tatlo lang! Kung hindi ninyo ako nginarag na i-execute agad ang mission, eh di sana ay napag-isipan ko pa nang mabuti ang tungkol doon. Alam niyong kagagaling ko lang din sa isang misyon pero kinaladkad niyo ako para isabak sa isa naman palang palpak na kaso. Paano niyo ngayon buburahin sa record ko ito?"
Hindi naman sila nakaimik. Wala silang ibang pagpipilian kundi ang makinig sa sermon ko. Hindi ko lang sila kayang patawan ng parusa dahil alam kong may mali rin naman ako. Sana ay nag-fact check din muna ako. Basta na lang din akong naniwala sa lahat ng impormasyong inilatag nila sa harap ko saka sumugod sa giyerang hindi ko naman talaga alam kung sino ang kalaban at hindi.
"Now tell me, anong mistake ang sinasabi ninyo?"
Nagsikuhan pa ang dalawa. Halatang nasisindak na sabihin sa akin ang totoo.
"Agent Handy, Agent Ringe!" sigaw ko na talaga sabay hampas ng mesa. Naramdaman ko ang sakit sa aking palad pero binalewala ko lang iyon.
Mas lalo lang umiinit ang aking ulo dahil hindi ko maalis sa aking isipan ang nangyari kanina sa hotel. Simula sa pagpasok ng apat na iyon hanggang sa abutan ako ng babae ng card na may lamang isang milyon.
"Aish, that b***h! Makapagyabang pa kaya siya kapag ibinuking ko sa publiko ang kaniyang ginawa?" asik ko sabay tingin sa camera na kung saan naka-record ang lahat ng kaganapan kanina.
Napatingin din ako sa card na nasa tabi lang din ng cam. Malaking pera din ang laman nito kaya bakit ko itatapon o tatanggihan? Bayad na rin nila iyon sa pagdumi ng utak ko. Hindi nga ako nanunuod ng recorded na adult videos tapos live pa ang masasaksihan ko? Sinong hindi maiimbiyerna?
"Spill o kayo ang mauunang lumayas sa headquarters na 'to?" pananakot ko pa sa kanila.
"Sasabihin na nga namin," sagot naman ni Handy. "Totoo naman lahat ng natanggap nating impormasyon maliban lang sa nagkamali tayo ng pinunterya. Cloaxxe Hotel nga rin pero South pala at hindi North."
Nahilot ko naman ang aking sentido. Kung may sapat lang akong lakas ngayon ay tinamaan na ang dalawang ito sa akin. Pasalamat sila at drain pa ako ngayon dahil wala pa akong kain at tulog.
"Huli na rin namin natanggap ang kumpirmasyon tungkol sa eksaktong location. Kasalanan na namin ang lahat," deklara pa ni Ringe.
Akmang magsasalita na ako nang may marinig kaming katok sa opisina ko. Agad kong itinabi ang camera at card bago pinindot ang unlock button ng pintuan.
Nang bumukas ang pinto ay bumungad naman ang pagmumukha ni Roadah. Halata ring nang-aasar ang ngisi nito sa akin.
"What now?!" masungit kong usisa rito.
Stress na nga ako rito at lahat ay mukhang dadagdagan pa nito. May mga tao talagang kasiyahan nila ang paghihirap ng iba.
Bakit ba napunta ako sa mundo na hindi eco-friendly? Nakakaasar!
Itinapon pa nito sa akin ang white envelope nitong dala. Mabuti na lang at nasalo ko ito. Ang pagiging walang respito at pagiging mayabang nito ang dahilan kung bakit hindi kami magkasundo. Kung mayroon man akong mga taong gustong mabura sa mundong ito ay ito ang pinakauna sa listahan ko. Sa lahat ng top secret agents dito ay ito ang gustong-gusto ko itumba mapaloob o labas man ng headquarters namin.
"Hinga-hinga muna bago mo buksan," nangungutya nitong sabi. "O kaya ay uminom ka muna ng tubig," dagdag pa nito.
"Do you want to die?" may diin kong tanong.
Nagkatuosan pa kami ng tingin. Wala naman akong ginagawa sa babaeng ito pero simula nang dumating kami rito nang sabay sa lugar na ito ay palagi na lang ako ang nakikita. Palibhasa ay mas magaling at mas na hinahangaan ako ng lahat kaysa sa kaniya.
And oh, crush ako ni Agent Hardyn na matagal niya na rin crush. Iba na talaga kapag maganda, tsk!
"Masyadong masaya pa ang buhay ko para mamatay. Ikaw na lang kaya dahil mukha namang hindi makulay ang buhay mo?"
"Ako ba ang dini-describe mo o ang sarili mo mismo? Dapat sa mga insecure at inggetera ay sinusunog," asik ko rin.
"Tsk! Wala ka pa ring character development, 'no? Sa ilang taon mo rito ay..."
"Kuwento mo 'yan eh, kaya malamang ay masama ako diyan," pamumutol ko sa sasabihin nito.
Napansin kong pigil-tawa naman ang dalawang may kasalanan ding nagawa sa araw na ito. Isang malamig na tingin ang ibinigay ko rito.
"Get out," utos ko. Handa na rin sana ang dalawa na ipagtulakan ito papalabas ng opisina ko kaso lang ay ito na rin ang kusang lumabas.
"See you sa hukuman, Saint Keyza!" sigaw pa nito mula sa labas.
"Get lost, witch!" sigaw ko rin.
Hindi ako nagpapadala ng emosyon ko pagdating sa babaeng iyon pero ngayon ay sinasagad talaga ng mga tao rito ang pasensiya ko.
Dinampot ko ang flower vase na malapit lang sa akin at ibinato iyon sa pinto. Mas masaya sana kung sa mukha ng babaita iyon tumama.
Napapitlag pa ang dalawa dahil sa gulat. Inirapan ko nga ang mga ito. Sila at ang kanilang mali-maling impormasyon talaga ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kung hindi lang matagal ko ng tauhan ang mga ito at maaasahan din naman sa oras ng kagipitan ay inabandona ko na sila.
Marahas kong binuksan ang envelope at walang ekspresyon ang mukhang binuksan ang letter sa loob.
Napalunok ako nang makita sa kauna-unahang pagkakataon ang logo ng Discipline and Punishment Department. Hindi ko maiwasang kabahan. Ni hindi ko alam kong babasahin ko pa ang letter o huwag na lang.
"Tama kayo. Mukha ngang matatanggalan tayo ng trabaho dahil sa kapalpakan natin kanina," matabang kong sabi sa dalawa na bakas sa mukha ang pag-aalala. Sabay pang napalunok ang mga loko.
Agad na lumapit sa akin si Ringe at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"Eh, kasalanan ito ni Agent Few," sabi nito.
Lumapit naman si Handy at naupo rin sa tabi ni Ringe. "Tama! Oo nga. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat."
Tumaas naman ang aking kilay dahil sa sinasabi nila. Mukhang may sabotaheng naganap kahit na hindi ko pa man alam ang buong detalye.
Si Few ay isa rin sa top secret agents sa organization na ito at lahat kaming may gano'ng posisyon ay may kaniya-kaniyang department at naglalamangan sa isa't-isa.
Walang unity sa Special Crimes Agency. Mas gusto ng mga tao rito magbardagulan lang kahit sa maliliit ng bagay at dahilan. Kami-kami mismo ay naghihilaan pababa dahil na rin sa klase ng trabaho namin. Wala naman kaming personal na alitan paglabas ng headquarters at kapag personal na na buhay ang usapan.
Hobby lang namin na ipahamak ang isa't-isa sa mga nakakataas sa amin. Mas exciting daw iyon pero hindi ko lang tanggap na mukhang naisahan ako nila ngayon sa tinagal-tagal ko rito.
Ikinalma ko ang aking sarili. Humigit ako ng isang malalim na hininga bago binasa ang notice letter.
Subject: Notice of Punishment for Violation of Law and Sabotage of Team Mission
RE: NOTICE OF PUNISHMENT
I am writing to formally notify you of the disciplinary action taken against you for the serious violations committed.
Iyon pa nga lang ang aking nababasa ay kumukulo ang dugo ko kay Agent Few.
Ano kayang naging atraso ko sa babaeng ito para ako ang punteryahin ng isang ito?
"Kita niyo 'to? Anong gagawin ninyo ngayon, ha?" usisa ko sa dalawa at inabot sa kanila ang letter. "Hinayaan niyo talagang mapasok tayo ng tusong Few habang wala ako rito, 'no?"
"Notice Punishment?" angal naman ni Handy.
"Agad-agad? Ang bilis naman nila."
"Saka anong violation at team mission ang sinasabi nila rito?" muli kong usisa. Pareho silang napakamot sa noo. Halatang naliligaw ng landas ang dalawang ito. "Puwede niyo bang ipaliwanag sa akin ang nangyayari dito sa loob ng isang buwan na wala ako rito?"
"Kahapon ay may nag-turn over lang sa amin ng misyon na ito. Medyo na excite lang kami ni Ringe na gawin dahil wala naman ng masyadong butas ang kaso. May informant din kaming natanggap..."
"That's bullshit! Hindi niyo man lang nahalatang ipinakain na lahat nila sa inyo ang pain sa bitag nila, ha?"
Sa bilis ng notice nila ay halatang handa na ang lahat para sa pagkahulog ko sa patibong nila. Nagsabwatan sina Road at Few. Hindi naman nila ako kakayanin kung hindi sila nagsanib puwersa.
Nagkakalat ang mga daga sa tuwing wala ang pusa. Tsk!
Napansin kong gustong-gusto na pumikit ng mga mata ni Ringe. Halatang pagod na pagod na rin ito. Isang buwan kaming nasa undercover mission at kahit nandito lang sila sa headquarters ay sila at sila ang nakasama ko para tapusin iyon.
Malamang ay ginamit nila Few ang pagkakataong linlangin ang dalawang ito dahil sa kalutangan nila at dahil sa wala ako rito.
Pigil-hikab naman ng pinakawalan ni Handy. Mariing napapikit ako. Gusto ko pa silang sermonan pero naaawa rin naman ako sa kanila.
"Fine!" malakas kong sabi na siyang naging dahilan para mapapitlag sila pareho. "I'll face this mess and you two, find out the reason why Agent Few did this to me, okay?"
Tumayo sila pareho at sumaludo sa akin. "Roger that, Agent Key!" malakas nilang sabi.
"Pull yourself together first. Umuwi muna kayo at magpahinga. Bumalik kayo rito kapag nakapag-recharge na kayo ng energy at kapag gising na gising na 'yang sistema ninyo."
Get it together as well, Key. Huwag mong hahayaang mapabagsak ka nila!