CHAPTER 1.5

1448 Words
Tumayo ako at binitbit ang notice letter palabas ng office ko. Uuwi muna ako bago harapan ang mga salbahe kong kasamahan. Kailangan kong kumain at maligo para may lakas akong makipagbangayan sa kay Few mamaya. Ang taba pa man din ng utak ng isang iyon. Kapag hindi ka magaling sa mga logic na bagay ay tatalunin ka talaga. Nanlalamang ang isang iyon porke't siya mas mataas siya ng IQ sa akin ng dalawang puntos lang naman. Walang pagmamadali na umuwi muna ako ng Triple Condo Unit. Minsan lang ako makauwi rito dahil sa kakatapos lang na undercover mission ko. Mukhang nanibago pa ako sa ambiance ng teritoryo ko. Ginawa ko rin ang dapat kong gawin bago bumalik ng headquarters namin. Dumiretso kaagad ako sa department ni Few. Mabuti na lang at naabutan ko itong papalabas din sana ng office nito. Napaatras pa ito pabalik sa loob. Napahalukipkip at malakas kong inilapag ang letter sa kaniyang mesa. Saglit pa kaming nagkatuosan ng tingin. "Mapaparusahan ka na at lahat pero nagawa mo pang umuwi at maligo?" nang-iinsulto nitong sabi. "Bakit? Makakakain at makaliligo ba ako sa discipline room?" balik pang-iinsulto ko rin. "Notice letter? Punishment? Are you kidding me, Agent Few?" sunod-sunod kong tanong rito. Nanunuya naman itong natawa at inirapan ako. "Bakit? Wala na ba akong karapatang mag-request ng parusa para sa isang feeling santa sa organization na 'to?" Wala naman akong sinabing wala siyang karapatan. Mayroon kung iyon ang pag-uusapan pero ang akin lang ay wala rin silang karapatang pagtulungan ako. Mas malaki ang ambag ko sa SCA kaysa sa kanila. Kung sa giyera ay isa ako sa front soldiers habang sila ay taga-utos lang sa mga nasasakupan nila. Nakatayo sa likod ng mga tanke de giyera. "Feeling santa? Ang immature mo rin pala, 'no? Akala ko pa naman ay iba ka kay Road pero ngayon ay malinaw na nagkamali ako ng akala." "How dare you compare me with that b***h!" bulyaw pa nito. Sarkastikong natawa ako at itinulak ito. Alam kong malakas ang pagkakabunggo ng balakang nito sa kaniyang mesa. "Hindi ka lang immature, plastik ka rin! Matapos mong makipagsabwatan sa kaniya para bitagin ako ay magagalit ka kapag ikumpara kita? Ang galing mo rin, 'no? Sino kaya ang feeling santa sa atin?" Napakurap-kurap naman ito. Base sa galaw ng mga mata nito at pagpilit nito sa kaniyang sarili na huwag lumunok ay alam ko na kaagad na tama nga ang hinala kong nagsabwatan sila. I got you, witch! "I knew it," may diin kong sabi sabay sinakal siya at patihayang idiniin sa kaniyang mesa mismo. Mabilis ang aking naging galaw at hindi rin nito inaasahan iyon kaya hindi ito nakapalag. Kaagad kong nakuha ang swiss knife ko sa bulsa ng aking hood at idiniin ang talim nito sa kaniyang leeg. "W-What are you doing, b***h? Gusto mo bang..." "Yes, so bring it on, Agent Few," seryoso kong sabi. Nakita kong nagsilandas na ang dugo sa kaniyang leeg. "Fine, fine!" suko nitong saad. Lumuwag ang pagkaka-pin ko sa kaniya sa mesa at hinayaan siyang maitulak ako papalayo sa kaniya. "Freak!" dagdag asik ng bruha. "Spill," taas-noo kong sabi. "Enough," sabi ng boses lalaki mula sa kinaroroonan ng couch sa office na ito. Nasa likurang bahagi ko rin ito. Marahan lang ang paglingon na ginawa ko. Nagulat ako nang makita ang isa sa manyakis na gorillas na komportableng nakaupo. Naka-dekuwatro pa ito. Ano'ng ginagawa ng isang ito rito? Bakit nandito siya? "Who are you?" direktang tanong ko pa. "We met at the hotel. Don't you remember me? You were there, baby," paalala pa nito sa akin. Ah, right. He was that 'damn you, baby' in the hotel. Tsk! Biglang naalala ko na lang ang team mission na nilabag kuno namin. Napataas-kilay na talaga ako at marahas na hinarap ang bruha. "Iyon bang misyon na sinasabi mo? Team mission, huh? Paano naging mission ng SCA ang foursome? Wala silang ginawa sa silid na iyon kundi ang manamantala ng babae." "Manamantala?" asik naman ng lalaki. Sa pagkakatanda ko ay siya si Zef. Sa lahat ay siya rin ang acting cold pero manyakis din naman. "Hey, watch your words, Key," pananaway sa akin ni Few. "You must better watch your actions and words as well. Kung gano'n ay kasabwat mo rin ang tatlong gorillas, ha?" Hindi naman ito nakasagot at napaiwas pa ng tingin. Peke namana ng ginawa kong tawa. "You guys are funny. Kailangan niyo pa talagang bumuo ng malaking grupo para dumihan ang reputasyon ko, ha? May napala ba kayo?" "Dumihan ang reputasyon mo? Talaga ba? Ikaw na nga itong nanira ng misyon namin ay ikaw pa ang galit?" "Shut up, jerk!" singhal ko sa lalaki at walang alinlangang sinugod ito at pinaliparan ng sipa sa sikmura at suntok sa mukha. Dahil umiwas pa ito ay bibig ang tinamaan ng kamao ko. "Key!" sigaw naman ni Few at inawat pa ako. Hindi pa ako kontento sa nagawa ko sa lalaki kaya kinubabawan ko ito at sinakal. Wala akong pakialam kung anong parusa pa ang ipapataw sa akin. Tutal ay nandito na rin naman ito ay gagawin ko na ang lahat para makaganti at para naman may sapat silang dahilan para parusahan ako. Parusa lang naman iyon. Matatapos at matatapos din. Kumpiyansa akong hindi aabot sa matatanggalan ako ng badge dahil dito. Hindi ko inaasahan ang pag-atake din ng lalaki. Sinikmuraan niya ako gamit ang kaniyang tuhod at pinagpalit ang aming posisyon. Ako naman ang nasa ilalim at siya ang nasa ibabaw ko. Lumihis pa ang suot kong hood kaya naman naka-expose sa kaniyang harapan mismo ang aking dibdib. Fitted black sando lang din kasi ang pang-ilalim kong suot. "You smell good, Key," paos nitong sabi habang idinidiin ang dalawa kong kamay sa couch. Hindi tuloy ako makagalaw pa. Idagdag pa ang bigat nitong bagsak na bagsak sa aking katawan. Nararamdaman ko ang matigas niyang bagay sa aking hiyas. "Son of a b***h," may diin ko ring sabi. "Misyon naming hulihin si Agatha dahil sa illegal niyang pagkukuha ng s*x videos sa mga nakakatalik niyang lalaki para pagkakitaan. Kailangan namin ng kumpirmasyon at matibay na ebidensiya na totoo ang report na tanggap namin. We gave our best, we risked it all. Pinag-isipan at pinaghandaan pa namin iyon pero sinira mo lang. Hindi mo lang sinira ang misyon namin, minaliit mo pa kami." Sinabi niya iyon habang nanatili kami sa weirdo naming posisyon. "f**k. Let go of me, jerk," may diin kong sabi habang pilit na sinasalubong ang kaniyang titig. Hindi ko alam kung bakit bumalik sa aking isipan ang eksena nila sa hotel. Mas lalo lang tuloy nanginginit ang mukha ko. "Did I hear correctly that you want to be f****d by me too?" seryoso niyang tanong. "Why don't you just go f**k yourself, huh?" Hindi ko sinasadyang kagatin ang ibabang labi ko. Ganito ako kapag hindi mapakalma ang aking sarili. "Stop biting your lip, lady. Ako na ang gagawa..." "Gago ka," usal ko at malakas na itinulak siya papalayo sa akin. Kaagad akong bumangon at bahagyang lumayo sa kaniya. Paglingon ko kay Few ay namumula ang mukha nito habang nakaawang ang bibig. "Handa ka na ba sa parusa mo?" nakangising tanong ni Zef. Hindi ko siya pinansin. Hinarap ko si Few na mukhang na trauma sa eksena namin ng gorilla niyang bisita. "May record ako sa ginagawa ng apat sa hotel na ginamit niyo para bitagin ako. Gusto kong i-turn over iyon sa 'yo pero huwag na lang. Baka mahimatay ka kapag napanuod mo pa. Ngayon pa nga lang ay parang nawalan ka na ng bait, eh," pangungutya ko rito. Napalunok naman ito at napaayos ng tayo. "Walang magbabago, Key. Just receive your punishment." "Talaga..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil naramdaman ko ang mainit at matigas na bagay na lumapat sa aking likuran. Pinigilan kong pumihit o lumingon dahil alam kong wala sa isang pulgada ang agwat namin sa isa't-isa ng lalaking epal. Pervert. Masasapak ko na naman talaga ang isang ito. "Sa akin mo na lang ibigay ang video na kuha mo sa hotel," bulong nito sa akin. "Ano ka? Sinuwerte?" "O baka ako ang gusto mong makasama sa hotel?" puno ng kumpiyansa nitong dagdag sabi. "Shut up," asik ko at siniko siya nang malakas. Alam kong napuruhan ko siya sa sikmura. Deserve mo 'yang kugtong ka! Mag-hotel ka mag-isa mo! "Alam mo guwapo ka," dagdag sabi ko pa habang hindi pa ito nakaka-recover sa paninikmura ko. Malaki rin 'yang sa 'yo dahil nakita ko kanina. "Kaso nga lang ay manyak ka. Mabuti na lang at agent ka dahil kung hindi ay rehas ng selda na ang hinihimas mo ngayon at hindi hiyas ng mga biktima mo," pagtatapos ko pa. Negative ka na sa langit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD