Napapikit ako ng aking mga mata para kalmahin ang aking sarili. Binabasa ko ngayon ang punishment para sa pananabotahe ko diumano sa isang team mission.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Malamang ay malala ang magiging parusa ko. Isang buwan akong masususpendi sa trabaho. Kapag bumalik naman ako ay tatlong buwan akong magiging regular agent. Ibig sabihin pa niyon ay itatapon ako sa department ng mga top agent na hindi ko gusto katulad na lang ni Road at Few.
Malakas ang kutob kong aalilain lang nila ako sa loob ng mga buwan na iyon. Posible ring gamitin nila ang kanilang posisyon para idiin pa ako na magiging rason para hindi ako makabalik sa puwesto ko.
"Good morning."
Kaagad akong napalingon sa pintuan. Sabay-sabay na pumasok ang tatlong lalaking nakita ko sa hotel kahapon. Preskong-presko pa ang dating nila samantalang ako ay wala pang tulog dahil sa kakaisip ng mga nangyari at mangyayari pa lang.
Naikuwento na sa akin nina Handy na ang tatlong ito ay ang tinaguriang ZBX Weapon trio ng agency. Low-key high ranking agents silang tatlo at sa kanila napupunta ang mga kasong related sa s*x assault cases. May sarili din silang batas at paraan para resolbahin ang mga kasong hawak nila.
Sila pala ang pinakatahimik na department sa agency namin kaya pala hindi ako aware sa existence nila rito. Undercover ang madalas kong kinukuhang misyon kaya madalas ay wala ako sa headquarters.
Idagdag pa na nasa pinakatuktok ng SCA building ang office nila at may sarili rin daw silang elevator na ginagamit. Hindi ko alam kung bakit gano'n sila ka-special dito at wala na akong balak na alamin pa.
Baka kasi ay ipinanganak na mga special child din sila kaya gano'n, Key?
"Spacing out?" untag sa akin ni Xell pero hindi ko ito pinansin. Sila ang dahilan kung bakit ako nakaupo sa loob ng Discipline and Punishment Room ngayon.
"She's pretty," rinig ko ring sabi ni Beau.
Kilala ko na sila sa pangalan at mukha ngayon. Kahit pagpasok ko sa shower room ay nakikita ko ang nakakairitang mga mukha nila. Maging sa aking panaginip ay nandoon sila, nagbibigay ng kamalasan sa buhay mo.
"I like her eyes. Eyeglasses suit her as well."
Parang gusto kong itapon sa kung saan ang suot ko eyeglasses dahil sa komentong iyon ni Xell.
Sa kanilang tatlo ay masasabi kong siya ang pinaka-approachable tingnan. Kaswal lang din ang tono ng kaniyang pananalita.
"She looks like a strict teacher with that. Mas gusto ko pa ring makita ang natural niyang mata," kontra naman ni Beau.
Mukhang siya naman ang pinaka-normal sa kanila. Walang kapintasan sa kaniya at ramdam kong willing siyang tumanggap ng paliwanag tungkol sa nangyari kahapon.
"She better learns her lesson though," sabat ni Zef.
Ito naman ang pinakaayaw ko sa lahat. Mukha na nga siyang masungit na principal ay foul words pa ang lumalabas sa kaniyang bunganga.
Ang common denominator lang nilang tatlo ay ang kanilang guwapong mukha kahit magkakaiba ang emosyong nakaplastada. Ang hitsura, tindig at awra nila mismo ang dahilan kung bakit kaagad kong naramdaman na may maling nangyayari sa misyon ko kahapon. Sabihin na nating biased judgement pero hindi naman ako nagkamali.
"Isa siya sa top agents ng agency," bigay-alam ni Beau.
"Yeah, nabasa ko nga rin ang portfolio niya kagabi," sagot ni Xell.
"Quite impressive, right? Siya rin pala iyong nakaresolba ng Mountain Aley murder case na dalawang taong nabulok sa stock room ng Aley Police Station."
"Pero bakit hindi siya natin nakikita rito?"
Dahil mga engkanto kayo.
"Dahil sa secret passage tayo dumadaan? Isa pa ay undercover mission ang napupunta sa kaniya."
Kung pag-usapan ako ng mga ito ay para bang wala ako sa harapan nila.
Silang dalawa lang ang nag-uusap ngayon dahil ang isa ay masama ang titig sa akin.
Inilapag ko ang file na binabasa ko at isa-isa silang tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang may pagkakahawig sila. Hindi naman din nabanggit nila Handy na magka-blood related sila. Magkakaiba rin naman ang mga apelyidong dala nila.
Zef Caldwell, Beau Ramsey, Xell Monroe. There's no way they're brothers or triplets, right?
"Uhm, Agent Key, right?" pangugumpirma pa ni Xell.
"Right," tipid kong sagot. Wala akong balak na makipagdaldalan sa kanila.
"Alam mo naman siguro kung bakit ka nandito?" walang buhay na tanong ng isa.
"Hindi naman ako nag-sleepwalk papunta rito, Agent Zef," pambabara ko rin sa kugtong.
Natawa naman ang dalawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Kaagad na umaktong seryoso ang mga ito kahit halata namang pigil-tawa pa rin.
So, siya pala talaga ang leader nila.
"Pananabotahe ng misyon ng department ko at physical assault ng head agent ng department ko, what else?" isa-isa pa niya sa kasong gusto niyang harapin ko.
"Physical assault? Anong pinagsasabi ng isang ito?" natatawa ko pang tanong sa dalawa kahit na ang totoo ay gusto ko na naman dagdagan ang bangas na natamo niya sa akin kahapon.
"Hindi ko alam," tanggi ni Xell.
Nangalumbaba pa ito habang nakatitig sa akin na para bang isa akong bagong biling barbie doll. Ang sarap ding sakalin. Hindi ako komportable.
Bakit kasi sa tabi ko ito umupo?
"I don't know either," dagdag ni Beau at humalukipkip. "Wala ako rito kahapon kaya hindi ko alam na nagkasalubong ang landas ninyo sa office ni Agent Few at sinapak mo siya. Ang rinig ko rin ay sinikmuraan mo pa."
Iyan ba ang walang alam? Confirmed. Siya ang chismoso sa tatlong ito.
"Puwede bang imbestigahan niyo muna ang nangyari bago kayo mag..."
"Wala kaming oras para sa ganiyan," pamumutol sa akin ng mayabang na Zef. "Kung gusto mo ay magkita-kita na lang tayo sa final room bukas."
Secret agent ba talaga ang mga ito? Scammers kasi ang galawan nila, eh.
Alam kong nakaplastada na sa aking mukha ang dissappointment. Ayaw ko pa naman sa lahat ay ang idinidiin ako sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa. Nawawalan ako ng lakas para ipagtanggol ang sarili ko.
Paano ko mapapatunayang inosente ako kung lahat ng anggulo ng kaganapan kahapon ay ang department ko ang itinuturo na siyang salarin sa failed mission ng tatlong ito. Nakita ko rin na 100% ang success rate nila. Hindi pa sila pumalpak at gano'n din naman ako pero may mga misyon na ipinapasa ko sa ibang department.
Kahapon lang kami parehong nabulilyaso ang misyon at dahil iyon sa mga inggeterang daga sa lugar na ito. Nagkapit-bisig pa talaga sila para bitagin ako, ha? Makakabawi rin ako.
"Here," sabi ni Xell sabay abot ng panyo. Nagtataka ko naman itong tiningnan. "Akala ko ay umiiyak ka na diyan," dagdag nito.
"Tarantado," komento ni Beau sabay batok sa isa.
Inaasar pa talaga ako ng dalawang ito! Wait... Madadala ko kaya sila sa drama? Let's try, Key.
"Alam niyo..."
"Hindi pa namin alam," sabay-sabay nilang sabi.
Habaan mo ang pasensiya mo, Key. Kailangan mo munang makuha ang sympathy ng tatlong gorilyang ito.
"Seven years na akong nagtatrabaho sa agency na ito at kahit kailan ay wala akong ginawang bagay na ikakasira ng reputasyon ko bilang agent. Ang unfair lang na maparusahan ako sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa."
"She's right, her record is quite impressive..."
"Shut up, Xell." Naitikom naman ng isa ang kaniyang bibig.
Si Zef talaga ang problema ko, nakakainis!