CHAPTER 2.5

993 Words
"Anong bang gusto mong gawin ko para maniwala kang hindi ko nga sinabotahe ang misyon ninyo? Narinig mo naman ang usapan namin ni Few..." "Wala akong narinig." "Gago," bulong ko pa. "What did you say?" Nakataas-kilay pa talaga ang kugtong na ito. Kapag sinipa ko ba siya mula sa ilalim ng mesa ay matatamaan ko ang sensitive part niya? Bakit nasa harapan ko pa talaga siya pumuwesto? "Wala. May narinig ka bang sinabi ko, ha?" "Tingnan mo at ikaw pa ang galit." Naitikom ko naman ang bunganga ko. Baka hindi na talaga ako nito isalba pa. Saka paano hindi magagalit kung katulad niya ang kausap ko? "Kung ayaw niyang tanggapin ang parusa na nasa manual ng SCA, eh di i-offer niyo sa kaniya ang napag-usapan natin kagabi. Nababagot na ako sa usapan ninyo mga guys." Mga guys? Parang tambay lang sa kanto, ha? Napatingin naman ako kay Beau na siyang nagsalita. Napaayos ako ng upo at sinalubong ang tingin ni Zef. "Tama, may lakad pa ako," dagdag na sabi ni Xell. "Palagi ka namang may lakad, may bago pa ba sa 'yo?" sabat ng pinakamasungit sa kanila. "Yeah. Bago ang girlfriend ko?" nakangising sagot ng isa. Oh, may girlfriend pala. Babaero. "Ano bang offer?" interesado kong usisa. Ito na, Key! Inaasahan ko na rin talagang may option silang ibibigay at kung mas maganda naman iyon sa parusang matatanggap ko ay bukas naman akong makipag-areglo sa kanila. "She's interested, right?" "Oo yata." Bakit ba ang hilig magbulungan ng dalawang ito? "Dito ka sa department namin magtatrabaho sa loob ng anim na buwan." Napakurap-kurap naman ako habang pilit na iniintindi ang sinabi ng lalaking kaharap ko. Tama ba ang narinig ko? Sa department nila ang magtatrabaho?! Magandang offer ba ito o isa na namang patibong para sa mga kagaya kong tatanga-tanga nitong nakaraan? "Ayaw mo? Isa-submit ko na ang report sa office ni Madam A..." "Wait!" malakas kong sabi sabay tayo. Pare-pareho pa silang nagulat. "Teka lang. Puwede bang bigyan mo rin ako ng oras na makapag-isip, ha?" asik ko kay Zef. "Time is gold, Agent Key. We need your answer right now," seryosong sabi ni Xell. "Gusto ko na rin matapos ang usapan na ito dahil pare-pareho lang tayong nag-aaksaya ng panahon." "Tama si Xell..." "Fine, bibigyan kita ng oras para makapag-isip, Agent Key." Napatingin naman ako kay Zef na siyang nagsabi niyon. "Hanggang 6:00 p.m lang. Nasa office ko lang ako," aniya pa sabay tayo at lumabas na. "Saan naman ang office niya?" wala sa hulog kong sabi. "Nasa 15th Floor, Room 1," nakangiting sagot sa akin ni Xell. "Kapag pumunta ka roon mamaya ay magdala ka ng espresso coffee para mawala ang galit niya sa 'yo." "Naniniwala kaming wala ka namang kasalanan pero iba si Zef. Ayaw na ayaw niya rin kasing nababangasan ang kaniyang mukha kaya malaki ang galit niya sa 'yo. Huwag kang mag-alala sa amin ni Xell. Siya lang ang dapat mong alalahanin." "Tanggapin mo na ang offer namin. Mababait naman kami. Excited akong makatrabaho ka. Exciting sa department namin, ano ka ba?" Mababait? Saan banda? Bago pa ako nakapagsalita ay lumabas na rin ang dalawa. Papikit ako habang nakakuyom. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili. Hindi madadala sa pagiging agresibo ang lahat ng ito. Breathe in, breathe out, Key. Think. Napabuga ako ng hangin at nag-isip ng iba pang solusyon. Puwede ko namang tanggapin ang offer nila. Kayang-kaya ko naman silang pakisamahan dahil maliban kay Zef na para bang araw-araw may dalaw ay friendly naman ang dalawa. Ang kaso lang ay hindi ko alam kung kaya ko ang trabaho nila. Hindi ko alam kung kakayanin ba ng mental health ko ang mga kasong hinahawakan nila. Noong mag-browse pa nga lang ako sa mga natapos nilang misyon ay parang gusto kong himatayin. Sobrang lala ng mga iyon at lahat ay konektado sa s*x abuse. Sensitive pa naman ako sa gano'ng klase ng kaso. Ayaw na ayaw kong hawakan ang gano'n. Tama rin si Beau, expertise ko ang murder cases. Lumabas na muna ako ng DAP room. Balak kong pumunta ng rooftop para man lang makalanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga anumang oras. "Hey!" tawag sa akin ni Road. Sa kasamaang palad ay nakasalubong ko pa talaga ito. "Enjoying your vacation?" "Who are you?" pabalang ko namang tanong. Ngumisi ito na para bang nanalo sa lotto. "Saang department ka kaya mapupunta? Sana naman ay sa akin para makapag-bonding tayong dalawa. Curious ako kung paano ka maging... assistant agent." Ayaw ko sa 'yo dahil pangit ka ka-bonding. Nag-aasar talaga ang babaeng ito. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi puwedeng mai-submit ni Zef ang report sa main office ng SCA. Magiging miserable ang buhay ko. "Oh, looking forward to working with you, Agent Road," sakay ko sa delusiyon nito. Akala mo naman talaga ay papayag ako na manalo kayo, ha? Nagsisimula pa lang tayo. "Huwag kang sumubok na i-manipulate ang trio lalong-lalo na si Agent Zef. Hindi ka mananalo sa kanila. Kung ako sa 'yo ay tanggapin mo na lang ang punishment mo. Alam mo namang mas nakakadismaya kapag natalo ka pagkatapos mong gawin ang lahat." I-manipulate? Wow, salamat sa ideya. Natawa naman ako. "Talaga? Hindi ko pa kasi nasubukang maging trying hard kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng sinasabi mo," pang-iinsulto ko naman dito. Parehong matalim ang titig na ibinigay namin sa isa't-isa. "Excited akong makita ka sa ilalim namin, Agent Key." "Why should I lower myself when I can rise above?" It's just a joke, but it seems like she's angry again with what I said. Tinalo niya pa ang tiyahin kong magme-menopause na. Tsk! "b***h!" "Born this way," puno ng kumpiyansa kong sabi at dumiretso na lang sa office ko imbes na sa rooftop. Naabutan ko ang dalawa na seryoso ang mga mukha na nagpipindot ng computer's keyboard. "Agent Key, alam ko na ang kahinaan ng trio," bigay-alam naman ni Handy. "Ano?" interesado kong usisa. "Women," sabay nilang sabi. What? Women? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD