KABANATA 2

1710 Words
"GUSTO mong makiangkas, Miss?" tanong ng driver sa kanya. Mula sa sasakyan ay bumaling ang tingin niya sa driver na hindi niya masyadong makita ang mukha dahil nakatungo ito. Isa lang ang napansin niya, masarap sa pandinig ang malamig nitong boses. Tumaas ang isa niyang kilay saka tumingin sa loob. Nakasimangot na pinukulan niya ito ng tingin. "Saan ako sasakay diyan?" Hindi siya mataray pero hindi niya naiwasang tarayan ang driver na ito. Saan siya pupuwesto? Sa bubong?  Kundi ba naman ay punom-puno ng kung ano-ano ang loob ng tricycle. Kahit ang carrier niyon sa likod ay madami ding karga. "Maluwang itong likod. Pwede ka dito sa likod ko." mabait ang tonong sagot nito at tinapik ang likod ng kinauupuan nito. Sumulyap siya sa bakanteng upuan sa likod nito. Pupuwede siya doon. Napakaluwang sa totoo lang kung gusto niyang sumabay dito. Pero may umilaw na warning bell sa isang bahagi ng isip niya. Naglaro sa isip niyang papaano kung masamang tao ito at gawan siya ng masama kung sasabay siya dito. O baka nakursunadahan siya nito kaya binalikan siya at kapag sumakay naman siya sa tricycle nito ay sa ibang lugar siya dalhin. At pag nadala na siya sa ibang lugar ay…. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Kung saan-saan na nakarating ang imahinasyon niya. Dahil doon ay nagdesisyon siyang huwag ng tanggapin ang alok nito. Maghihintay nalang siya ng pampasaherong tricycle kahit gaano pa katagal basta alam niyang ligtas siya. Kundi ba naman kasi hindi niya tsi-neck ang kanyang cellphone para sana tawagan nalang ang kanyang mga magulang at sunduin siya. Na-lowbat iyon kanina habang nasa biyahe siya. Pero naroon na siya. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay ng sasakyan. Pero hindi siya sasabay sa lalaking ito. Binistahan niya ang mukha ng driver na hindi niya masyadong napapansin kanina dahil nakasumbrero ito at bahagyang nakatungo. Nang magtaas ito ng mukha ay malakas siyang napasinghap. Nakasumbrero ito pero kitang-kita niya ang napaka... Ano ba ang pwede niyang ipanglarawan sa mukha nito? Napaka-sweet? Pwede na siguro iyon. O napaka-swabe. Hindi na niya nagawang alisin ang tingin sa mukha nito. Ang mukha nito ay iyong tipong maala - Aga Mulach, Rico Yan, Jerry Yan etc. Hindi mabangis pero pamatay. Hindi istrikto pero may ipinaglalaban. Makinis kahit na hindi kaputian. Mas maputi kaunti sa karaniwang lalaki - mas maputi ng kaunti sa kulay na nasunog sa tama ng araw. Pero makinis. Iyong normal na kinis ng balat at hindi kinis na galing sa isang beauty expert center. Nang ngumiti ito sa kanya ay tuluyang nalaglag ang panga niya. Kumorte pa ng 'o' ang bibig niya. Napatanga siya dito ng hindi niya namalayan. Hindi din niya namamalayan ang sariling sinusuri na niya ang itsura nito. Nangislap ang mga mata ng driver. "Ano, Miss? Sasabay ka ba sa akin? Malayo pa ang ibibiyahe natin." putol nito sa pagkatigalgal niya. Ang lamig talaga ng boses nito. Bahagya siyang napahiya ng matanto ang iniaakto sa harap ng lalaki. Huli na para bumawi Oli! Nakita na niya sa itsura mo na gwapong-gwapo ka sa kanya! Dumiretso siya ng tayo at malakas siyang tumikhim. Nadidistract siya sa magandang ngiting nakatambad sa kanya. Upang makabawi mula sa pagkatulala niya dito ay pinormalan niya ito. "Tricycle driver ka ba?" tanong niya sabay taas ng isang kilay. Nagduda pa rin siya. Oo, napakaguwapo nito pero hindi pa rin siya dapat magtiwala. Pero ang desisyon niya kaninang huwag sumabay dito ay nahahati na ngayon. Parang gusto na niyang sumabay dito at umangkas sa likod nito. Sinita niya ang sarili dahil ang bilis na nagbago ng isip niya dahil lang sa kaguwapuhang taglay ng lalaking ito. Umayos ka Oli! Huwag kang padadala sa sweet smile ng lalaking iyan! Umiling ito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. "Hindi." "Papaano ako makakasiguro na makakarating ako ng safe sa bahay namin?" Hindi sa anupaman, gusto lang niyang makasiguro. Kahit kasi nakita na niya ang sweet face nito - at sa totoo lang ay wala siyang maramdamang panganib sa aura nito, na hindi ito masamang tao - ay nagtanong pa rin siya. Ang totoo ay nawala ang paghihinala niya dito pagkakita niya sa mukha nito. Ang kagaya ng mukhang ito ay hindi makakagawa ng hindi maganda sa kapwa. Sabi pa niya sa sarili. Masyado siyang nagpakampante - alam niya. Isa pang totoo ay gusto na yata niyang sumakay sa likod nito at iyapos ang dalawang kamay sa beywang nito. Kahit kasi nagda-drive ito ng tricycle ay hindi ito mukhang tricycle driver. Kahit mukhang pawisan ang itsura nito ay tila fresh pa rin ang tingin niya dito. Nakakita ka lang ng guwapo, nawala na ang pagdududa mo! Kantiyaw ng isang panig ng utak niya. At talagang nagawa pa niyang mapansin ang mga iyon kahit na may pagdududa siya dito. "Ganito nalang. Mamili ka. Iiwan kita dito at hahayaang maghintay ng tricycle na hindi mo alam kung may darating pa? Sa mga ganitong oras ay bibihira ang tricycle na dumating dito dahil oras ng tanghalian at pahinga. O sasabay ka sa akin? Sasabihin ko ang buong pangalan ko. Makakasakay ka ng libre at ihahatid pa kita hanggang sa bahay niyo." Anito sa kanyang hindi inaalis ang tingin. Napaka-approachable ng tono nito na tipong gusto na niyang mag-oo. Iyong ikalawa ang gusto niya. Bukod doon ay gusto din niya ang paraan ng pagngiti nito. Nakakatempt. Nakakatempt na pumayag na sa alok nito. "Anong pangalan mo?" sa halip ay tanong niya. Hindi yata niya naitago ang pagka-excite na malaman kaagad ang pangalan nito. Luka-luka siya. Estranghero ito. Sobra. Pero mukhang nagka-crush kaagad siya dito. Hindi naman sa ngayon lang siya nakakita ng gwapong lalaki. Marami ang nagtangkang manligaw sa kanya sa unibersidad na pinasukan niya na masasabing mga mayayaman at kaguwapuhan pero walang pumasa sa panlasa niya. Hindi niya alam na tiga Tres lang din pala ang magiging unang crush niya. Wala din kasi siyang crush na artista. "Laurens. L.A.U.R.E.N.S." Lihim siyang napangiti ng i-spell nito ang pangalan. Hindi iyon ang karaniwang spelling ng mga kagaya nitong pangalan. Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki. "Laurens Bernardo. Ipagtanong mo sa buong bayan kung may nakakakilala sa pangalan ko. O baka gusto mo pa ng valid ID ko"? kumilos ito at kinuha ang wallet sa bulsa sa likod ng suot nitong pantalon. Kinuha nito doon ang isang ID nito at ibinigay sa kanya. “Hawakan mo iyan hanggang sa makarating tayo sa bayan at maihatid kita sa bahay niyo.” Kinuha niya iyon at saglit na binistahan. Nang malaman niyang nagsasabi ito sa totoong pangalan ay ibinalik din niya agad iyon dito. Gusto pa sana niyang basahin ang lahat ng nakalagay sa ID nito pero nahiya na siya sa sarili. “Ano? Okay ka na? Tara na?” tanong nito ng abutin ang sariling ID. Ibinalik nito iyon sa wallet. Hindi kaagad siya sumagot. Kunwa’y nag-isip sandali kahit na ang totoo ay payag na siya. Pinigilan niya ang mapangiti. Atleast nalaman niya ang buong pangalan nito. Pangalan lang ang alam niya dito. Wala pa siyang kaalam-kaalam na kahit ano sa lalaking ito - maliban sa pangalan. Pero malakas ang nag-uudyok sa kanyang sumabay na dito keysa maghintay pa ng susunod na tricycle. Sa tingin niya ay magiging kumportable naman siyang uupo sa likod nito. Kumportableng-kumportable. Dagdag ng isip niya. “Bakit nga pala gusto mo akong isabay kung hindi ka naman tricycle driver? Hindi tayo magkakilala.” sa halip ay natanong niya. Nagkibit-balikat dito. “Nagkataong ako ang napadaan dito habang naghihintay ka. Hindi ko naman maaatim na hayaang maghintay ang isang babaeng kasingganda mo hanggang sa ugatan ka na diyan sa pagdating ng tricycle. Iyan ay kung gusto mo lang namang makisabay sa akin. Hindi kita pipilitin.” Anitong hindi nawawala ang aliwalas sa mukha. Kinilig siya sa pagsasabi nitong maganda siya pero siyempre kunwari ay hindi siya nagpaapekto. "Saan ko ilalagay itong bag ko?" aniya pagkaraan ng ilang sandali. Sa tingin niya ay lalong nagliwanag ang mukha ni Laurens. Bumaba ito ng tricycle at kinuha ang bag niya. Ang tangkad pala nito. Sa taas niyang limang talampakan at limang pulgada ay nakatingala na siya dito. Marahil ay lagpas anim na pulgada ang taas nito. Walang effort na dinala nito iyon sa bubong ng tricycle saka itinali ng maayos upang hindi mahulog. Pagkatapos ay bumalik ito sa posisyon nito kanina sa manibela. "Sakay na." sabi nito pagkuwan. Atubili pa rin pero sumakay na din siya. Hindi niya malaman kung paano siya sasakay. "Magpambabaeng sakay ka nalang kung hindi ka kumportable." anitong napansin siya sa pag-aaligaga. Tabingi siyang ngumiti saka sumakay sa bakanteng espasyo sa likod nito. Nagpambabaeng upo nga siya. Naghanap siya ng mahahawakan para hindi siya mahulog. "Kumapit ka na. Aandar na tayo." para itong isang piloto sa eroplano kung makapagsabi ng susunod nilang gagawin. Tinanguan lang niya ito. Umaandar na sila ng muling magsalita ang lalake. “Ayos ka lang diyan?” malakas ang boses nito dahil medyo maingay ang tunog ng tricycle. “Oo.” Matipid at malakas niyang tugon. “Pwede kang humawak sa akin kung hindi ka sanay sumakay sa likod ng tricycle.” Nang sumulyap siya sa side mirror ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Inilis niya ang tingin dito ng ngitian siya nito. “H-hindi. Okay lang. Sanay naman ako.” Sabi niya kahit ang totoo ay may parte ng isip niyang gustong humawak dito. Nagkibit-balikat lang ito. Naramdaman niya ang bahagyang pagbilis ng tricycle dahilan para mapasinghap siya ng malakas. Napahigpit ang kapit niya sa bakal na nasa bandang unahan sa itaas ng kanyang ulo habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa pahabang bakal na nakadikit sa mismong sidecar sa gilid niya. “Hindi kita ihuhulog. Huwag kang mag-alala. Kailangan lang nating bilisan kaunti dahil mukhang uulan.” Anitong tumingin sa itaas. Napatingin din siya sa kalangitan at nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang bahagyang kumulimlim ang paligid. Mukha ngang uulan. Hindi niya iyon masyadong napansin kanina dahil mapuno sa bungad ng Sitio. Ngayong nasa bahaging hindi mapuno na sila ay saka niya napansin ang kalangitan. Kulang kalahating oras pa ang ibibiyahe nila para makarating sa sentro. Kailangan nga nilang magmadali. Nang muli siyang sumulyap ay nagkatinginan sila ng binata sa side mirror. “S-sige.” Iyon lang ang nasabi niya at kiming ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD